dream house & condo life 12


Mula nang bata ako at hanggang ngayon part ng pinapangarap ko ay magkaroon ng tree house na gaya ng bahay ni Peter Pan (yung cartoons every morning). Isang nagustuhan kong puwedeng paghalawan sa totoong buhay ay yong rest house ni Boy Abunda sa Batanggas (kung hindi ako nagkakamali) kung saan tree house din ang kanyang bahay at may hanging bridge pa.

Well, hindi ko alam kung nag-e-exist na ang punong pagtitirikan ng aking pangarap na bahay. Basta sa kasalukuyan ang gusto ko ay sana ay ma-general cleaning ko ang aking Purple Nassau(room), mapagawa ang bintana, magkaroon ng maayos na ventilation at ang ultimate, mapalaki ito.  Siempre nandoon yung desire na magkaroon ng sariling bahay pero sa lahat ang hindi ko naisip noon ay ang mag-condo.

Na-realize ko lang ang  kahalagahan nito noong naisip ko na okay ang condo para doon sa hindi pa sure sa trip na bahay, nagwo-work sa business districts gaya ng Ortigas at Makati, at doon sa mga single pa na hindi kailangan ng malawak na house space.

“Actually mas mahal pa ang kumuha ng bahay o apartment kasi kailangan mo i- maintain ang lugar by your own at ikaw ang mag-aasikaso. Unlike sa condo may property management group na mag–a-assist sa lahat ng needs mo. Kung gusto mo paupahan, ipa-renovate or simple ipaayos ang konting sira. 24/7 pa ang security at ‘pag may occasion nagagamit namin  ang clubhouse para sa  aming mga events at ibang facilities like courts, Internet cafe, pool at ibang amenities. Sa hotel naman napakamahal at once you checked in wala na pera mo pero sa condo kung mag- invest ka at paupahan, value for money talaga at hindi bumababa  ang property value,” kwento sa akin ni Ate Maricel (Mrs. Cecille Gonzales-Bobadilla).

“At first gusto lang naming mag-asawa nang matutuluyan especially pag nagbabakasyon (we are expat from Dubai) kasi mas mahal pa raw ang makitira sa kamag-anak kaysa umupa. Napagdesisyunan namin na kumuha ng bahay pero mahirap makakuha ng house & lot sa Manila at napakamahal. Tama naman na may mga real state companies na dumalaw sa Dubai at naialok nga sa  amin ang condo style of living sa may Parañaque/Bicutan. Nagustuhan namin kasi malapit lang sa airport, Makati, Muntinlupa, Baclaran. Convenient lalo na sa  amin na limited lang  ang time pag naka-vacation & nakita rin namin na in case na gusto na rin naming mag-settle for good ay malapit lang sa lahat like schools,malls,hospitals.”

Sa ngayon ay ipinaparenta nila ang kanilang condo na puwedeng daily, weekly, monthly o long term basis. Fully furnished o halos kumpleto na sa gamit kaya halos titirahan na lang ng uupa. Makikita ang itsura nito sa http://ceycel14.multiply.com. (oh di ba instant promote!).

“Naisipan namin parentahin para kahit papano while working kumikita  ang  place at  anytime mag-vacation kami  ay may matutuluyan at one thing, okay  ang place sa mga tulad naming expat na may connecting flight pa or may friend abroad na gusto na agad makapagpahinga dahil ang lapit lang talaga sa airport.

Siguro nga wala pa akong pam-invest ngayon or malayo-layo ang itsura ng treehouse ko sa condo pero why not di b a? pareho naman silang nakataas sa lupa.  At higit sa lahat libre lang ang pangarap.


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

12 thoughts on “dream house & condo life