Nasa tao ang gawa, nasa kalikasan ang gantimpala

note:  Ang  maka-kalikasan na mga tulang ito ay aking inalahok at naging grand fiinalist  Saranggola Blog Awards 2010.

saranggola blog awards 2010

Gumigilid-gilid, sumisirit

I

Binili akong maganda ang postura.

Kahali-halina sa kanyang  mga mata,

Pero pagkatapos gamitin ako’y dinispatsa.

II

Siguro nga itinadhana akong ganito

Kaso sana inayos niya ako

Hindi iyong ipinatong sa bato.

III

Tuloy ako’y inilipad ng hangin

Ipinadpad doon sa malayong bangin

Pinagtripan ng mga insektong gutumin.

IV

Mabuti na lang may paraan

Makakaganti ako sa kanyang kasamaan

Pagka’t heto na ang ulan.

V

Buhos ng tubig ay malakas

Madali akong makawala at makaalpas

Ilalakad ng baha sa wakas

VI

Malaki ang tyansa na makabalik

Maabutan ko kaya siyang naghihilik

Habang ako’y paparating na humahagikgik?

VII

Pero  alam mo ang nangyari?

Kaming mga basura ay naghari

Sinira namin kanyang mga pag-aari

VIII

Habang kami’y gumigili-gilid at sumisirit-sirit

Tahanan niya’y unti-unting nang tumitirik

Siya ngayon ay napakatindi ng hinanakit.Notebook

———————————————————————–

Lumipad na sila palayo

I

Noon sa pagtilaok ng manok nagigising ang mga tao

Pero ngayon dumedepende na lang sa alarm ng relo.

Nasan na nga ba ang mga manok ni Manong

Nagkandamatay na ba sa pakikipagsabong?

II

Bibihira na nga rin pala akong makarinig ng huni ng ibon

Ito ba’y dahil sa wala ng mga kalapating nagtitipon?

Natirador na ba ang mga mayang dumadapo sa mga kable?

O masyado lang akong abala at ‘di ko alam sa’n sila nagkukubli.

III

Pero alam mo ang talagang kapansin-pansin at hinahanap ko?

Ang makakita nang paglipad-lipad sa hardin  ng mga paro-paro .

Ang humabol sa mga tutubing paligi-ligid  sa damuhan.

At ang  maghanap ng tipaklong, salaginto’t salagubang.

IV

Oo alam ko na ang pagkawala nila ay hindi na dapat tinatanong.

Dahil bago ang tanong ay sumasambulat na sa akin ang sagot.

Sa ingay at dumi ng paligid, lilipad na nga sila palayo.

Doon sa tahimik, malinis at hindi nila kailangang magtago.baguio09 154

—————————————————————-

Magpakatao ‘di ba?

I

Ang tao ay sadyang mapaghanap

Pero puno naman ng pagpapanggap

Dami-daming impormasyong kinakalap

Akala mo talagang nagbibigay-lingap

II

Sikapin nating simulan ang kalinisan

Para sa sarili at sa’ting pinapahalagahan

Hindi ‘yong kalikasan ay pinapabayaan

Dahil sa kasakiman o katamaran.

III

Ano ba naman ang mag-recycle

Itapong mabuti balat ng popsicle

Imbes na magkotse ay mag-bicycle

Nakabawas pa sa tabang mapipisil.

IV

Huwag kang umasang kapaligira’y maganda

Kung puro ka lamang salita

At simpleng bagay ‘di magawa

Magpakatao dapat tayo ‘di ba?!

Eco-friendly campaign

Eco-friendly campaign


35 thoughts on “Nasa tao ang gawa, nasa kalikasan ang gantimpala”

  1. Pingback: 6th Taboan: There’s more for Philippine Literature | aspectos de hitokiriHOSHI

  2. Binabati kita, ang iyong akda ay napili at napabilang na isa sa mga top 6 finalists ng Saranggola Blog Awards sa kategoryang tula!

  3. Maligayang pagbati po! Umaasa po ako na maghahatid sa inyo ng tuwa ang aking pag-kabit (link) ng inyong sapot-lugar (web site), kasama ang lahat ng kasali sa Saranggola Dos, sa aking 2Rivers na kung saan lahat kayo ay malugod na inaanyayahan. Maaari din po ninyong ikabit ang inyong sapot-lugar sa MukhaLibro Pader (Facebook Wall) ng inyong likod. Tara, tena! Sumasainyo ang Pwersa at mabuhay ang panitikang Pilipino! Lubos na gumagalang, Jonathan Aquino

  4. ate hoshi 🙂
    God bless po sa atin ^^

    gusto ko yung huling tula. lalo na sa parte na “wag kang umaasa paligid mo’y maganda” kasi sa panahon ngayon, puro reklamo’t salita na lang ang kaya ng mga tao kulang na kulang na sa gawa. yung asal ay palala ng palala.

    gandang araw!

    1. yes good luck sa atin!

      salamat at nagustuhan mo ang part na ‘yan.

      bago kasi ang reklamo dapat tsek muna kong may aksyon na ginagawa.

  5. kung ano ang itinanim siya ring aanihin.

    mahusay na inilalahad ng unang tula ang resulta ng kawalang pakundangan natin sa pagtatapon ng basura… mula sa tinig mismo ng basura at ang kanyang ganti sa taong lumikha sa kanya.

    Ang ikalawa’y paghahanap sa mga nilalang na sa libro na lang natin madalas masilayan. Nakakalungkot na ito’y bahagi ng sinasabing pag unlad. Sayang nga naman.

    Hamon ang pangatlo.Tama ka, tayo’y magpakatao. Gusto ko yung pagbibigay mo ng direktang halimbawa tulad ng pagrerecycle at pagtitipid ng gasolina.

    Panalo ito sa mensaheng Kalikasan ay dapat mahalin. Magkalaban man tayo sa timpalak ni blue, pero magkaisa tayo sa ating panawagan…

    1. maraming salamat po at nagustuha ninyo ang aking mga tula. at siguradong-sigurado akong nabasa ninyo ang mga ito dahil sa maganda ninyong mga review. nakuha po kasi ninyo ang aking mga gustong ipabatid.

      yes nagkataon lang isa itong contest pero lahat ay nagkakaisa na isulong ang pangangalaga ng ating kalikasan.

      sana nag-iwan kayo ng bakas.

      welcome and mabuhay Lipadlaya!

  6. wow
    panay ang sali ni hoshi, ah

    hmp
    akala ko pa naman special ako
    at sumali ka sa online contest ko
    hindi pala ako nag-iisa sa buhay mo
    nyahaha

  7. “Binili akong maganda ang postura. Kahali-halina sa kanyang mga mata, Pero pagkatapos gamitin ako’y dinispatsa.” – Parang iba ang dating sa akin ng saknong na ito. Hahaha!

  8. sa totoo lang di maisip kung anong uri ng pagtatalata ang ginamit sa 3 nasabing tula bagamat, sa bawat huling titik ay magkakasing tunog na kumakatawan sa isang uri ng pagtatalata, ang masasabi ko lang, mahusay ang tema at pagkakabanghay ng tula. Sumasalamin sa kasalukuyang katayuan ng ating inang kalikasan…

  9. wow naman hoshi!kasali ka na rin…ibig sabihin,malamang na mameet kita dahil may get together ang saranggola blog awards.

    excited na ko at goodluck!!!ang ganda rin ng entry mo.the best nga pala yung number 3 para sa akin.reality check,tama ang mga sinabi mo tungkol sa asal at ugali ng tao.

    1. at talagang ang inuna ay ma-meet ako. makilala mo kaya ako? madalas akong magkubli eh o kaya di pala attend ng mga red carpet premier. wahahaha

      salamat at nagustuhan mo yung three. subok lang naman ang lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.