What you ought to know about citrus aurantium?


Kung may isang basket ng mga prutas na naglalaman ng apple, orange, grapes, at citrus aurantium, ang kakainin ko lang ay ‘yong huli. Ito ay dahil hindi ko trip ‘yong mga una. Mas trip ko lang siguro ‘yong maasim at madaling mabili ng aking bulsa.

Pero parang magkakapatid ang turing ko sa suha, orange, poncan, citrus aurantium, at kalamansi. Sa mga ito, yong orange at poncan (teka ano nga ba ang pagkakaiba?) na nga ang di ko kinakain. Pinakapaborito ko ang suha (Davao) sa magkakapatid na ito pero pinakalagi kong natitikman ay kalamansi. Siempre bilang sawsawan at panimpla. Pero pag talagang inabot ako ng topak ginagawa ko siyang prutas na dinikdik talaga sa rock salt. Oo mas gusto ko ang rock kaysa iodized.dalandan by hitokirihoshi

Ang gusto ko sa citrus aurantium ay ang tamang asim nito. Sa orange kasi lasang  hinog na hinog na papasa na halos na matamis. Mas madali rin itong mahanap at malabo kang malinlang. Hindi nga ba’t marami ang nagtitinda ng suha at sinasabing suhang Davao ang mga yon pero once na kagatin mo na ay pagkapait-pait.

Ang citrus aurantium rin ang kapalitan ng pagkain ko ng santol at mangga. Mas maasim mas maganda. Feeling ko nga dahil sa hilig sa mga ito ay lumalakas ang aking vitamin C sa katawan. Kaya naman hindi ako madaling sipunin at ubuhin. Pero pagdating sa sakit ng tiyan hindi ko na alam kung isa ang mga ito sa culprit. O s’ya-sya citrus aurantium is ___(click mo yong photo) in Tagalog and sour orange in English. Ang tanong ko na lang ay ano ang pinagkaiba nito sa dalanghita?



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

11 thoughts on “What you ought to know about citrus aurantium?