Kung hindi ako nagkakamali, unang pagkakataon ko lang mapadpad sa Manila Zoo noong nagpunta kami roon ni Syngkit noong Abril. Hindi ko alam sa buong tanan na pag-iikot ko sa puwedeng visitahin sa lungsod na ito ay nahuhuli kong isipin ang Manila Zoo. Siguro kasi feeling ko si kuya Kim ang sasalubong sa akin at tatanungin niya ako kung anong alam ko sa bayawak. Joke!
Pero bukod kay Kuya Kim (na talagang representasyon sa akin ng Manila Zoo na counterpart noong taga Malabon Zoo) ay naiisip ko na ibalato ko na sa mga bata ang pamamasyado dito. Nai-imagine ko kasing masikip sa loob at nakakawala ang mga ahas. Nandidiri pa naman ako sa uod.

Wishing Rabbits
Nag-iba naman ang aking perception noong nakarating doon. Malawak ang Manila Zoo at sulit na rin ang entrance fee na P40 para sa taga- Commonwealth na gaya ko ( pag taga-Maynila ka siempre may discount). Ayos nakakita ako ng cute na elepante, magiliw na ostritch, wishing rabbit, monkeys, sari-saring birds, at ang pinaka-cool ay nang ipagsagwan ako ni Syngkit sa lagoon.
Para sa akin, mautak din ang nag-isip ng lagoon na ito lalo na kung hindi high tech ang camera mo kasi para malapitan mo yung mga bibe, pabo (peacock) at iba pang kauri nila kailangan mo silang languyin este bangkain (P60 per boat max of 5 persons) sa kanilang mini isla. Parang bumpcar lang yung bangkaan namin hehehe.

Salifin Water Lizard
Aliw din ako sa Zebra at horse, parang magbarkada lang then sa mga long-tailed monkey na namataan namin na nagkukutuhan. Naalala ko lang yung past time nung mga kapit-bahay namin.
Isa lang napansin ko sa mga turista que foreigner or native, haggis ng haggis ng pagkain. Eh hindi naman nakakain ng maayos. Nagmumukha tuloy kalat lang. Nakapaskil naman na huwag bigyan ngpagkain ang mga hayop dahil may partikular na pagkain para sa kanila. Isa pa, ang wishing-wishing na ‘yan, bat mo naman babatuhin ng coins o ng pera ang mga hayop?

Red-eared Slider turtle
Sa kabuan, okay na okay na pasyalan ang Manila Zoo lalo na sa mga bata. Magandang pamalit lalo na sa mga mall.

Philippine Monkey

Bear Cat

don't feed the animals!

Floating Bebe

Double Weathed Cassowary

Chapman's Zebra
More from hitokirihoshi
- Franchise or buy and sell/ online selling?
- Amazing Show @ Manila Film Center
- Hoshilandia: Hugh, Alexa ranking & Starbucks
hitokirihoshi Recommends
- WINDY DAYS AND SCRATCHED CARS (WashOnWheels)
- 4 reasons to exercise and stop smoking (Sportize.me)












napansin ko lang medyo mahilig ka pala sa mga hayop. payo ko lang, sana huwag kang mag-alaga ng ahas.. at ..baka tuklawin ka at suwagin.
naku hindi naman po ako ganun kahilig. ang pinakagusto ko lang talaga ay mga tutang askal. malalambing pero hindi maaarte sa buhay.
lately, nagugustuhan ko na rin ang pusa. malayo pa naman na magustuhan ko na mag-alaga ng ahas hehehe.feeling ko kasi sinturon sila hehehe.
aun oh nabasa ko ung syngkit sa post nya haha
‘pinagsagwan ni syngkit’. ngeeek!
naku galing pala kami jan sa mla zoo kahapon ng bunso kong kptid. sympre ngboat kami. pareho kaming ngsgwan pero sympre si ate yung mas nag-effort hehe. may hipotamus pala dun.kala ko wala na. yung nakita ntin na nakalubog buhay pala un. khpon ko lng nkitang umahon un para kumain, after ng dalwang punta ko dun. hehe
sabi ko sa iyo eh.ayaw mo pang maniwala ha. tama yan mag-bonding kayong mag-ate. mabuhay-hay!
nakaw
dami ng palang bago dyan
huling punta ko dyan ay uhugin pa ako
hehe
oo balik ka na, marami ng bago pero sana hindi ka uuhugin. buhehehe
hello, hoshi!
mahilig akong magdala ng mga pamangkin dyan sa manila zoo. feeling ko, karapatan ng mga bata at kabataang makakita ng animals up close, haha!
nice post!
salamat doon po sa amin!
oo bagay na bagay at k na k para sa mga estudyante o kabataan ang manila zoo.
mabuhay!
[...] este yayaan namin ni Syngkit, na -recruit ko na rin na mag-blog. Within Metro Manila lang ang Manila Zoo, Malabon Zoo, Ninoy Aquino Parks and Wild Life, Quezon Memorial Shrine, Fort [...]