Arts + technology = photography business (VJP) 22


Ano ang photography para sa iyo? Sa akin, isa itong mahusay na imbensyon na nagpapakita ng sining at galing sa paghuli ng napakagandang moment. Masuwerte nga ang henerasyon natin ngayon dahil ang ha-high tech na mga digital cameras at yakang-yaka ma-enhance ang mga na-capture na pictures. Aba ang photography kaya ang isa sa mga passion na hindi lamang kailangan ng okay na gamit, kundi dapat galing din sa technical at creative side. Paano naman kaya kung from out of passion ay gawin na itong sideline business din?

Ang mga tao sa likod ng VerJube Photographics (VJP) ang una kong nilalapitan pagdating sa event photography. Kilala ko na rin kasi ang kanilang style at passion con sideline business.  Sa isang pagkakataon ay kinapanayam ko sila para malaman ang tungkol sa photography at kung paano ito bilang passion business.

jovy-calingo-of-verjube-at-vapreneur-workshop-by-hitokirihoshi-1

Madam Jube

Si oliVER calingo ay isang senior graphic artist na mahusay sa halos lahat ng aspeto ng computer, habang si mrs. Jo(U)v(B)Elyn Bajo Calingo ay isa ring layout/graphic artist/ social media strategist ay creative & resourceful naman. By the way, isa si Jovy sa mentor ko sa scrapbooking at magaling din siyang magluto (read her FoodiEscape).

Si Ka Ver ang gumawa nito for me

Si Ka Ver ang gumawa nito for me

“In one of our leisure trips in Baguio City, naisip namin sana ay meron kaming magandang camera, dala namin noon ay Sony Ericsson K750i lang (phone cam) Mar(ch) 2009. Nagkaroon kami ng free disposable digicam na nakuha namin online, kaso hindi din nagamit.

“We started to browse pictures after the Baguio trip. Inspiring! We became inspired by many photography sites and online forums. Hanggang sa maisip namin mag-search kung magkano ba ang DSLR? Gustong bumili pero walang pambili. Saved money, sa wakas nakabili din ng entry level camera na (Nikon D40), named Dao in May 2009,” kuwento ni Jube.

Old cameras in a resto somewhere in Cavite

Old cameras in a resto somewhere in Cavite

Una silang nag-practice mag-shoot sa mall tour ni Richard Poon. Eventually, ito na rin ang kanilang way ng pagse-self-study. Kahit napapagastos umano sila sa entrance ay nagsu-shoot sila sa mga music events kasama na ang food photography (FoodiEscape) since wala pa silang formal workshop tungkol sa photography.

“Jan. 30, 2010, when we purchased Dinah (Nikon D90) and at the same night we experienced shooting with two cameras at Red Horse Beer Muziklaban event in Ortigas. It made us to realize that we can earn money out of it & packaged our layout & graphic services.”

Kaya nga out of passion, self-study, connection at matyagang pagsi-save ng money, ang VerJube Photographics ay naging thriving and trusted duo  lalo na sa music events at paghahatid ng offbeat ideas pagdating sa pictorials or photo graphics. In fact ay naging resident photographer na sila ng isang sikat na concert venue.

Aiza Seguerra's Concert - kuha ko nung kasama ko ang VJP hehehe

Aiza Seguerra’s Concert – kuha ko nung kasama ko ang VJP hehehe

Ilan pa sa  shooting assignments ng VJP ay pag-cover ng album launch at iba pang events sa artists ng VIVA Records, anumang gigs ni bossa nova singer Sitti, pag-documento ng shows ng Music Museum Group, Inc. (Teatrino & Music Museum). Nagsimula ang huli nang makita ng kompanya ang mga shots nila sa 25th anniversary concert ng The Company.

Old Cameras sa Camera Museum , Taal Batangas

Old Cameras sa Camera Museum , Taal Batangas

“Shooting with ambient light is fun especially on concert photography. Good lighting in concerts is a plus. Minimal lights are challenging,” paliwanag ni Jube.

Samantala,  natanong ko rin sila kung sinu-sino ang hinahangaan nilang personalidad sa  industriya. Sabi nila ay sina Oly Ruiz ng My Metro Photo, Manny Librodo sa portraiture, Joel Garcia sa Concerts & Events at Dino Sandoval sa Landscapes.

Mabuhay sa lahat ng nasa larangan  at passion sa photography, abangan nyo ang pag-join ko sa future!

vjmyphotographics

for more info and details about, Jube, Oliver and VerJube Photographics visit their websites – http://verjubephotographics.com

– http://myphotographics.tumblr.com/


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

22 thoughts on “Arts + technology = photography business (VJP)