Ay See’s Restaurant in Ultra, Pasig 18


Hindi ko sure kung paano pero nagtaka rin ako kung bakit napasama ako na kumain sa Ay See’s Restaurant na nasa gilid ng Ultra (University of Life Training and Recreational Arena) na ngayon ay tinatawag ng Philsports Arena.

Pagdating namin dito ay punong-puno na ng mga tao at yung ambiance ng place parang tipikal na malaking kainan. Hindi magarbo pero may karakter. Dinadayo daw ito at napatunayan ko naman dahil panay ang hinto ng mga sasakyan sa harap nito. May magbabarkada, pamilya at magkakasama sa trabaho gaya namin.

Ay See's PapaitanAng una kong kina-amaze ay ang lalagyan at presentation nila ng papaitan. Alam mong hindi kaagad lalamig ang pagkain. Pero ang pinakanakakabilib ay ang lasa ng sabaw ng Papaitan, SARAP! Partida sabaw pa lang solve na ako. Ayoko pa nga nung una kasi hindi ako kumakain ng ulam na ‘yan. Alam ko lang mapait kasi hehehe.

Sarap din ng pagkakaluto nila ng Sisig iba ang character sa mga natikman kong sisig sa ibang restaurant. Hindi naman siguro sobrang sarap nito compare sa iba, kung baga may sariling timpla ang Ay See’s na patok talaga.

Bagay na bagay ang kainan na ito para sa mga naghahanap lang ng masarap na makakainan, food trip baga!

Ay See's Menu sisig

 

 


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

18 thoughts on “Ay See’s Restaurant in Ultra, Pasig