Halo-Halo de Guagua, Pampanga 10


razons halo-haloBukod sa Mix-Mix in  the point-point  este halo-halo sa mga turo-turo  at  mga kalye, sa isang fast food lang ako nakakatikim ng  akala ko ultimate halo-halo na. Pero ako naman ay basta naman maraming milk na turo ni  Manang Juling ay masarap pa rin sa akin ‘yon lalo na kung may ube halaya, leche flan at 2 scoops ng ice cream.

Ang Halo-halo ng Razon’s of Guagua or Razons Food Corporation ay ipinakilala sa akin ng dati kong co-worker na si Ate Rose.  Hindi siya makulay tulad ng karaniwan pero masarap.  Pino ang pagkakakayod ng yelo, leche plan ang topping,matamis na buko o macapuno ‘yong nasa ilalim. Hindi ito over sa tamis at madaling nguyain. Iyon din ang pinagkaiba nito sa iba for me. Hindi nakakabasag ng panga ‘yong yelo at magatas na.

Noong una medyo parang ‘di sulit sa akin itong halo-halo nila, pero nung nagtagal basta may time, budget at stress napapahalo-halo ako sa Razon’s. Saka for me good thing ‘yong naipagmamalaki nila yong pinagmulan nilang probinsya. Para bagang kung hindi mo alam ang Guagua dati, ‘pag napakain ka ng halo-halo sa Razon’s, ‘lam na!

 

About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

10 thoughts on “Halo-Halo de Guagua, Pampanga