Moon Geun-Young, Apl.de.Ap and other celebrities I currently admire 24


Apl.de.Ap

Okay, I’m a fan of Black Eyed Peas music.  Pero nakakatuwa talaga ang pagiging nationalistic, generous, and passion ni Allan Pineda Lindo nang Angeles Pampapanga. Mayroon siyang foundation na unang tinulungan ay ang mga dati niyang school na Holy Angel University at Sapang Bato National High School.  Nagtayo siya ng Jeepney Music na nagpo-promote ng mga unsigned talented Filipino artists at siya ang special ambassador for education ng Ninoy and Cory Aquino Foundation (NCAF).  Siempre ongoing pa rin ang kanyang We Can Be Anything campaign na ang mission ay makapagpatayo ng  mga classrooms.

 

Moon Geun-Young

isa siyang Korean actress na unang nakilala ng mga Pinoy sa Endless Love 1: Autumn in My Heart.  Siya ang gumanap na nakababatang Jenny na noong lumaki ay si Song Hye Kyo.  Nagbida rin siya sa mga pelikulang Little Bride at sa gusto kong mapanood na Innocent Step. Last ko siyang napanood sa series na Marry Me Marry kung saan niya ka-love team si Jang Geun Suk

Bukod sa cute siya at effective actress, not to mention na magaling siyang sumayaw, kilala siya sa pagtulong sa mga charities.  Ang concern naman niya ay tungkol reading, in fact ang madalas niyang i-donate ay mga libro at ang madalas nyang natutulungan ay mga learning schools gaya ng Morning Reading at Han Geul Library sa Sydney, Australia.

Shu Qi 

人美心善的大慧慧!😘 @sqwhat

A photo posted by 舒淇时代 (@shuqiorg) on

Hindi ko alam kung matulungin siya pero ang in-admire ko sa manguso este ma-pouty lips na Taiwanese actress na ito ay ang evolution niya as an actress.  Dati siya soft core porn model then ayon naging sikat na Asian actress na.  Una ko siyang napansin sa So Close together with Vicki Zhao (Zhao Wei) at Karen Mok.  Then napanood ko na rin yung My Wife is a Gangster 3 kung saan kasama niya ang Korean actor na si Lee Beom-so at ang French action film na The Transporter na starring si Jason Statham.

Karylle

At first wala akong paki sa kanya parang boring, pero eventually pinatunayan ni Karylle kung ano ang kamyang mga kakayahan at hindi sa kanino siya konektado (alam mo naman sigurong mama n’ya si Zsa Zsa Padilla). Sa aking pagbabasa tungkol sa kanya, isa pala siyang honor and active student since elementary hanggang college.  Alam kong magaling siyang sumayaw, may ibubuga sa singing at may potential talaga sa acting. Hindi ko pa rin makakalimutan yung Twin Hearts niya sa GMA 7 dati at inaabangan ko naman siya mapanood sa Kitchen Musical. Siyempre nakakatuwa rin na bukod sa kanyang showbiz career ay isa rin siyang entrepreneur. Isa siya sa may-ari ng Centerstage at Mey Lin Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

 

Xian Lim

#artph

A photo posted by Xian Lim (@xianlimm) on

Dahil gabi na ako nakakauwi at mas ganado akong manood ng films, bibihira ako makapanood ng local shows. Ang ate ko na hindi pinapalagpas ang My Binondo Girl ni Kim Chiu (at Nasaan Ka Elisa ni Melissa Ricks) kaya nahahagip ng aking left eye ang  mga eksena sa palabas na ‘yan. Wala naman significant sa kanya maliban sa siguro crush ko na siya. Hahaha! Di ko kasi sure kung cute ‘yong role niya , maganda ang mata n’ya o guapo talaga siya.


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

24 thoughts on “Moon Geun-Young, Apl.de.Ap and other celebrities I currently admire