What’s the 20/20 Retirement Rule?


Pagtuntong ng twenties ay nagsisimula ang bagong yugto ng ating pagiging independent.  May iba na pinagpalang may kita na puwede pa nilang ipagkasya sa pagta-travel (unahin n’yo sana ang ‘Pinas), pambili ng latest gadgets, sundan ang fashion trend at patulan ang mga mamahaling pampaganda ng mukha o pampaguapo ng katawan. Pero ilan kaya ang nakapag-isip na mag-invest para sa kanilang kinabukasan partikular na sa kanilang pagtanda, sa madaling sabi retirement?  Alam mo ba ang 20/20 Retirement Rule?

Madalas ireklamo ni Manang Juling na gusto niya mag-travel lalo na sa Davao kung saan nag-migrate ang kanyang mga kamag-anak. Sana raw nung may work pa siya ay nag-travel-travel na siya.  Masinop naman si Manang Juling, napagtapos niya ang kanyang mga anak. Ang siste ay sa kanyang pananaw ay nakakapanghinayang ang pera na kanyang gagastusin, puwede itong pantustos sa kanyang mga pangangailangan lalo sa kanyang mga gamot.

see if you invest early

Inaalok ko siya na mag-avail kami ng promo fare ng isang airline, ‘ yon pa lang ang kaya ko e. Ayaw naman niya dahil sa bukod sa wala s’yang tiwala sa airline ay maiksi ang kanyang  pasensya (isipin mo ‘yong pinakabagong controversial bangayan). Dapat kung travel sa mga matatanda ay less hassle ‘di ba?

Ayon sa payo ng financial expert na si Randell Tiongson mula sa Steps to Financial Peace conference  2012, mayroong 20/20 rule pagdating sa retirement. Ibig sabihin nito ay para sa 20 taong retirement na gusto mo kailangan na magplano o simulan mo nang pag-ipunan ng 20 taon bago ka mag-retire. Halimbawa na sa tingin mo aabot ka ng 80 years old at ang retirement age sa atin  ay 60 taong gulang, dapat 40 years old pa lang ay pinag-iipunan na ang retirement na gusto mo.  Siyempre mas maaga, mas maganda. Ika nga Time is your greatest asset.

Kasabay ng pag-iisip ng retirement dapat ang investment umano ay pang long term. Dito na rin pumapasok ang Compounding na kung saan nanganganak ng nanganak ang iyong nabubuong asset sa pagdaan ng panahon.

Oo walang makapagsasabi kung ano bukas at baka mauna ka pang mag-ripe sa iyong retirement. Pero hindi ba habang  nagkakaroon ka ng savings and investment, you feel at ease –  na kapag silently minero ka na ay alam mong may maiiwan ka sa mga mahal mo sa buhay lalo na kapag may pamilya ka na (na sana ay isa lang). Dagdag pa d’yan, ‘yong mase-save mong wrinkles at ugat sa puso dahil hindi ka mamomoroblema na walang-wala ka after mong mag-retire sa trabaho. Kukuya-kuyakoy ka na lang sa ‘yong tumba-tumba na isang terrace sa  Athens, nakadungaw sa ibaba mula sa tuktok ng Eiffel Tower o kaya ay hinahampas mo ang isang guard sa New York dahil ayaw pulutin ang nalaglag mong pustiso, porcelain pa naman at may ilang ginto from Middle East… Hehehe!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

23 thoughts on “What’s the 20/20 Retirement Rule?