Blog Life Contest: Winners 38


Finally, after several days of thorough evaluation. Napagtanto na rin ang mga winners sa Blog Life Contest na aking ipinaskil noong Enero at tumakbo hanggang February 28.  Gusto ko pa sana humirit  ng another adjustment sa date ng announcement pero dahil ang pangako ay pangako. Gorah na!

Hep-hep s’yempre may konting palabok parang Opening remark ng isang Presidente, CEO, o leader sa isang ceremony. hohoho!

Bakit ako nagpa-contest?

(puwede nang i-skip kong nagmamadali) For your information po ay limang taon na akong nagba-blog sa kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com ( noong October 3) at three years sa hoshilandia.com (noong February 9) . Ano ‘yon ganoon na lang? Syempre hindi! October 3 pa dapat ito maganap pero dahil sa maraming kadahilanan, sawi ako. huhuhu! So bilang bonggang pasabog sa aking 2013, isinama ko rin ang pasiklab na ito sa puntong ito ng aking buhay (hohoho!).  Ang tanong na “bakit ako nagba-blog” o “bakit ako magba-blog ?”ay ang kauna-unahan kong post sa wordpress na matagal ko na rin pinakikinabangan. Paano?

Minsan sa buhay ng isang blogger na gaya ko, darating ‘yong point na parang napapariwara ka. Iyong tipong ano bang iba-blog ko? Para lang dapat maka-hits or kumita?  Tinatamad na akong mag-blog? Ano bang silbi sa pagba-blog ko parang wala naman kwenta sa iba? Dumating na ako sa ganyang point na parang sa isang tuktok ng isang bundok na may malakas na  hangin, may mga maduduming dahon  sumalampak sa mukha ko, at nadapa-dapa pa ako kaya gusto ko nang i-give up ito at tumalon sa bangin. Eh kaso binalikan ko ‘yong kauna-unahan kong post “Bakit ako magba-blog?” Parang muling sumilay ang araw, ‘yong dapit-hapon (sunset) naging bukang-liwayway (dawn) ang drama. Ayon!

Another remarkable experience 

Noong una ay inakala kong lalangawin ang aking contest.  Ang matindi pa noon hindi ko gaanong ma-promote dahil busy ako sa  love life – work.  Totoo na masaya na ako kung may 5 taong sasali sa contest ko at pipilitin ko sanang ma-achieve ‘yon ng sapilitan pero thank you sa mga contestants na  sumagot sa aking panawagan.

This contest is not about popularity, more hits, or link building. I’m hypocrite kung ‘di ko naisip ‘yon but my real goal is to remind everyone. Teka once and for all bakit ka nga ba nagba-blog? May sense ba ito sa iyo? Nakikita mo bang gagawin mo ito nang pang matagalan? O ito ay isa lamang extension ng iyong online presence. Kasi kung ako ang tatanungin mo ngayon.

I blog because I like to share my interests, inspirations and aspirations to serve people.  Since bata pa ako naniniwala ako na ang isang way to serve people is through communication. Kung hindi mo sila mapayaman, bigyan mo sila ng suggestion kung paano mag-invest. Baka wala pang nakakaalam ng kainan na ito, ng art na ito, ng event na ito- go blog about it. It’s free and wide ang scope- walang limited airtime, walang square meter or per inch sa paper. Ang saya ng feeling kung may matulungan ka, que mag-comment s’ya (pero sana naman ‘di ba). Que simpleng tao o promosyon sa kanyang negosyo.

Nangangati talaga ko gumawa ng audio-video  presentation sa Youtube para sa lahat ng sumali pero mukhang hindi ko na matatapos ngayon at kagalitan n’yo na ako at hindi ako sumusunod sa deadline. hehehe

Criteria for Judging

__ may sincerity

__ Inspirational or motivational sa ibang blogger

__ Unique

__ na-touch ka (natawa, naluha, napangiti puwera nagalit o nainis)

Please rate the blogger from 1-10 ( 10 being highest)

10 – very na super duper  muy bien  pa (excellent)

9 – konti na lang very na super excellent pa ( superior)

8 –  may potensyal itong blogger na ito (very satisfactory)

7- puwedeng-puwede (satisfactory)

6 – ayos lang di na masama (fairly satisfactory)

5-  mabuti na lang okay (barely satisfactory)

4- okay na sana kaso sumablay ( unsatisfactory)

3- daming kulang ( failed)

2 – ano bang gusto nito? (poor)

1 – wala lang (poorer hehehe)

Winners

Top 1 :

To Blog or Not To Blog by Jerome Papa Lucas

Prizes:

  • 2 first session Candela Laser (hair removal that eliminates unwanted hair permanently) sa Shinagawa Lasik & Aesthetics,

Top 2

Talking to Myself Again by Bagotilyo

Prizes:

Paris Amour/ Bath ad Body works courtesy of Scentsational Shop 

Kiko Machine book Vol. 6 – courtesy of IamStorm.com)

2 Wacoal vouchers (worth 300 php each) – courtesy of Fil-Jap Magazine and Filipino-Japanese Journal

 

Hoshi’s T-shirt

1 LoadXtreme retailer card

 

Top 3

The Unique Form of Art by June

Prizes:

1 Wacoal voucher – courtesy of Fil-Jap Magazine and Filipino-Japanese Journal

1 metal magnetic bookmark – courtesy of  IamStorm.com

1 Hoshi’s T-shirt

 

Note: Ang mga prize ay hindi convertible sa cash.  Puwedeng i-share sa ibang co-blogger ang prize. May matutuwang nasa Japan lalo. hehehe!

may 2 akong bibigyan ng special prize to follow  po ‘yon at kung bakit .

Winners! Please give me your email winners or contact me –

email: hitokirhoshi@gmail.com

twitter: @hitokirihoshi

facebook: hitokirihoshi laurence


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

38 thoughts on “Blog Life Contest: Winners

  • Tim

    Ngayon ko lang naisip na parang mali na may lalaking nanalo ng Wacoal vouchers. Unless ganun ang trip nila. Sa pagkakaalam ko, wala naman silang tindang brip. LOL.

    Anyway, a very belated congratulations to all the winners!

  • Pingback: Dear Diary | aspectos de hitokiriHOSHI

    • Hitokirihoshi Post author

      yeah! Mabuhay din sa iyo Joyo. Tandaan mong maraming nagkagusto sa iyog sinseridad at paraan ng pagpapahayag ng sarili hindi lamang sa judges kundi sa amin ding mga mambabasa.

      Naway hindi ka magsasawang mag-blog and mabuhay!

  • lipadlaya

    congrats sa mga nanalo… yang si jero at bagotilyo, mahuhusay talaga yang mga yan… congrats din kay june..(though di ko pa napupuntahan yung blog niya).. at congrats din sa yo, hoshi.. 5 taong pagkakalat ng kasiyahan sa blogosphere..

  • June

    Binasa ko talaga word per word at unti-unti akong nagscroll to add thrill to my already suspenseful feeling and it paid off kasi it ended with a wonderful surprise. (at least for me 🙂 )

    Tumindig balahibo ko dun sa rason bakit ka nagpacontest at sa remarkable experience kasi nakarelate ako ng sobra at nagulat din ako sa success ng pa contest when it comes sa participation. Dinagdagan pa ng mga bigating judges.

    Maraming Salamat sayo Hoshi sa opportunity na ibinigay mo…. dami kong gustong sabihin pero dun ko na lang sasabihin sa blog ko para mas lubos kong maipahayag. Congrats sa mga deserving na winners, karangalan kong mapasali sa inyo. Humbled ako sa dami ng magagaling na entry na sa tingin ko rin ay panalo in their own rights.

    Congrats Hoshi sa success ng iyong pa-contest. Di ko inakalang ganito ito ka engrande dahil sa dami ng sumali at sa dami ng distinguished judges. Dun pa lang successful na ito. 😉

    • Hitokirihoshi Post author

      nakakahaba ng hair, nakakabatak ng pisngi at nakakaganda naman ng araw ang iyong comment.

      Una sa lahat maraming salamat sa iyong pagsali sa pa-contest na ito. ikinagagalak kong makilala ka dahil dito at malaman kung gaano ang kagustuhan mo sa bagay na ito.

      Salamat din sa iyong pagbati at dito ko na masasabi na oo nga matagumpay na nga siya. wahhh! Ganito pala ang feeling ng nagpapa-contest. Masaya na pero parang hindi pa natatapos hangga’t di ko napapadala sa inyo ang inyong pa-premyo.

      Mabuhay!

      (binasa ko ulit yong post. wahha dami errors, naalala ko yong post mo. nahiya naman ako. hehehe)

  • Bagotilyo

    wow! nanalo me?? I cant believe it. hahaha

    salamat (magandang hoshi) , salamat sa lahat ng hurado , salamat sa blog , salamat sa mga bloggers at salamat kay Lord sa lahat lahat. 🙂

  • doon po sa amin

    hello, hoshi… congrats sa mga nanalo. 🙂 nakow, di nanalo ng laser si potski kapatid, sayang. pero sana, mabigyan mo sya ng cd ni anne curtis. di ko alam ang rhyme or reason ba’t gusto nyang marinig ang boses ng nasabing recording artist.;) pero, knowing Potpot, may dahilan sya, pramis… 😉

    ahaha, winner ang entry ni june. matutuloy ang pa-ice cream nya, pag nagkataon, hihi. at, may libre na naman ako kay bagotilyo, hakhak. 😉 di ko kilala si jerome, pero i guess, magaling ang entry nya (parang nanalo na rin yata sya dati sa ibang patimpalak). 🙂 congrats sa kanila, ampopogi… 😉

    at talagang nag-midnight madness ang may patimpalak, whehehe. 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      korek midnight madness ako kagabi kasi gabi na lang talaga ako nkakapag-online ng bongga saka ni-secure ko yung mga pa-paremyo.

      Maraming salamat ulit sa iyong pagsali apart from kay kuya potpot, ikaw ang impluwensiya ng iba para sumali. hohoho!

      Mabuhay

      • doon po sa amin

        hello, hoshi… medyo naawa naman me sa ‘yo, di ka pala gaanong nakapag-promote dahil nga busy sa lovelife. 😉 whatda… ang importante, naka photo-finish ka, kapatid…

        sobra akong naaliw sa criteria for judging – ang smart na, sobrang mapanlait pa, whehe. malamang, mga 6 ang score ng entry ko, hihi. yon ata ang pinakagusto ko – antaray lang, hihi…

        you are welcome. naimpluwensyahan din lang ako ni potpot at ng iba pa. btw, bet ko rin ang write up ni joyo. i grant na pogi sina bagotilyo pero maganda ring magsulat si joyo girl. naaliw ako na sumali sya, isa pang tamaritis mag-blog lately, hehe. 🙂

        saka si tsinelas (finally, nabuhay ang blog nya, haha). o, sumali rin pala si eirene. nakng, andami mo palang napasali, hoshi. for that alone, winner ka na… ^^

        congrats on your 5th year, more writings! 🙂

        • Hitokirihoshi Post author

          Salamat sa iyo at mabuhay sa resulta ng patimpalak. i wish sana mapaabot ko sa lahat kung gaano ako ka-thankful.

          Yan si joyo bet din yan ng ilang judges. kung ang contest na ito ay may top 10 or top 5 pasok siya.

          hahaha naaaliw ka ba. pero alam mo kahit ganyan ang scoring nahirapan din ako sa math. ha. hehehe

  • Rogie

    Yey! Congrats sa mga nanalo. At binabasa ko na ngayon ang kanilang mga entries. Salamat din sa patimpalak na ito Madam Hoshi. Napakamakabuluhan. Congrats din sa yo sa isang matagumpay na blog contest. 🙂