There’s nothing wrong in playing computer games, especially for kids. We need a time for leisure because after all we are human. Hindi pwedeng naka-program lahat at iisa lang ang gagawin. Playing computer games is a breathe of fresh air against hustle and bustle of day to day living. Though walang physical activity dito, ito na siguro ang pinaka-convenient at pamatay instant burn out.
I don’t have tablet, smartphone or any gizmo na usually puwede kang makapaglaro ng mga popular games like Temple Run, Angry Birds, Plants vs. Zombies or kung may usong iba pa. May balak naman na ako bumili pero I’m still searching for other relevant purposes besides pleasure and online activity especially blogging. atat din naman ako na ma-experience ang maglaro ng tats-tats lang pero siguro, I’ll stick with these following games
Bookworm adventures
May time na super babad ako rito dahil na rin sa thrill factor. Biruin mo with just long words you can kill monsters or magical creatures. I admit sobrang natutuwa ako kapag nakaka-form ako ng words na basta ko lang naisip na baka mayroon, chamba. Isa pa si Lex, the bookworm ay nagbibigay din ng trivia, puso, buhay at energy hehehe.
Text Twist
Kung titingnan ay hindi naman gaano complicated ang larong ito pero sa totoo lang yung bwiset factor na nabubura ang pini-form mong words ang siyang nakaka-entice. parang ito na, isang letter biglang di mo namalayan may napo-form na palang words. sabi ko nga you need focus and maging observer sa lahat ng angle.
Hangaroo
Nakakita ka na ba ng kangaroo na madada at prangka? Wag ka nang maghanap dahil wala talaga , maliban na lang sa hayop na nasa larong ito. Pero in fairness yang pagiging mainipin nya at pang-aalaska sa bawat bagal at wrong move mo eh talaga naman nagbibigay ng pressure. Ang masaya rito ay nagbibigay din ng trivia at yung wow feature kapag nadale mo yung hinahanap na sagot kahot sa totoo lang hindi mo naman talaga alam.
Chess
kung walang pumapatol na makipaglaro sa iyo? Kung gusto mo magsanay bago ang first tournament mo sa bangko sa Tindahan ni Aling Nena? o kung wawa ka naman wala kang chess board? Laruin mo na nga ang game na ito with your pc or tablet. In fairness nakakaba rin na kalaban ang computer ha, akala mo talaga nag-iisip syag i-checkmate ka parati.
Diner Dash/Restaurant City/ Cafe land
Paki baba ang kilay, kung tumaas sa pagtatakang bakit naging games for the brain ang mga ito. I think these games which once a upon a time ay naging favorite ko (hindi dahil gusto kong maging chef) ay dahil nakaka-motivate. Not necessarily na pang kusina pero di ba may mga games na ganito like farmville or hotel city na parang nag-i-invigorate sa iyong what if concept. Malay mo gaya ng chess ito na ang nagmo-motivate sa iyo na maging CEO or business tycoon sa future.
Solitaire
kailangan ko pa bang mag-explain rito?
Word Dynamo
Ito kaka-discover ko pa lang at hindi ko pa masyadong nalalaro pero so far okay naman. nakakatulong para ma-enrich pa ang akin vocabulary and English grammar.
Ikaw may maisa-suggest ka pang laro na may sense sa brain?
halos lahat nalaro ko na, pero bakit di pa rin nagana utak ko? ehehehehe
ibig sabihin nyan wala pang naiimbento na games para sa mga genius kiya potpot. hehehe!
naku mga developes, gorah na big time itong si kuya potpot