Essay: Bakit Biyaya ang Edukasyon? 4


Bawat bata ay may karapatan na magkaroon ng mahusay na edukasyon pero alam naman natin na sa hirap ng buhay ng ilan sa ating mga kababayan, may mga out of school youth at mayroong ni hindi na  nakapag-aral.  Sa bagay may iba naman na nagsasabing, bakit pa mag-aaral gayong mahirap naman maghanap ng trabaho. The thing is you can’t contest sa value and gift na maihahatid ng edukasyon sa isang tao.

Mural in a school in Binondo

Watching is not reading

Naalala ko ang isa sa paborito kong movie na Matilda starring Mara Wilson, Pam Feris and Danny DeVito. Bukod sa magic na taglay ni Matilda ipinakita rin doon ang kanyang kagustuhan na mag-aral at malaking tulong ng pagbabasa ng libro sa kanyang katalinuhan.  Nakakatawa nga na sa pamilya nila ipinapalabas na lahat ng kailangan nilang matutuhan ay nasa television.

Gaya ng apoy, Internet at  sports ay may good and bad na dala ang panonood ng TV. Masaya at nagbibigay ng inspirasyon ang mga napapanood dito pero hindi kailan man ito puwedeng kapalit ng nababasang libro sa paaralan.  Addict ako sa panonood ng TV, para bagang hindi kumpleto ang araw at buhay ko kapag hindi ko napanood yung talk show, variety show, anime, at series na gusto ko.  Pero nung nagsawa ako, mas napansin ko yung mga mas importanteng bagay at ang dami ko pa lang nami-miss an opportunity.

Toys are not books

Well may mga naiimbento naman na valuable toys for kids na sana ay mas piliin ng mga nakakatanda. We always thought na lahat ng klaseng toys ay okay na sa mga bata. Utang na loob, ba’t mo bibigyan ang 3 years old ng pellet gun o paglalaruin ng kagaya ng Counter Strike. May nagtataka pa kung bakit ganun na lang kabayolente ang ilang bata.

Ito pa yung latest, marami ang nagbibigay ng gadget nila sa mga bata para maging laruan gaya na lamang ng mobile phone, tablet, at PSP. Sabihin na natin na may iba na can afford to buy new one kapalit na old basag gizmo. That’s super waste of money, abala kay mother earth at risk din kay baby. Kung matatambakan ka ng mga hindi mo na nagagamit na bagay, okay fine! Eh paano naman kaya kung  may mabato o si baby mismo ang matamaan. I encourage everyone na turuan ang mga bata na ang mga appliances at gadgets ay hindi laruan na puwede nilang kalikutin basta. Bigyan sila instead ng librong mababasa o laruan na kung saan mahahasa ang kanilang skills.  Hello piko!

Money is not Everything

and that’s apply too sa education. Try to figure out people who are rich and famous then naghirap after. laging may paghihinayang kung bakit hindi nila naaral nang mabuti ang mga kabagayan na gusto nila.  Totoo na hindi promise ang pagtatapos para magkaroon ng mahusay na trabaho sa hinaharap. Mayroon din naman na hindi tapos pero naging thriving sa kanilang buhay. Case to case to basis ‘yan, at sa maniwala ka at sa hindi, mas maliit ang chance na yumaman ng isang tao kung kulang o wala talagang edukasyon. Magiging cycle pa ito kung ipapamana ang  kawalan ng edukasyon sa kanyang mga anak.

What is Beauty if the Brain is Empty

Somewhat nagagamit ang phrase na ito in a wrong way. Binu-bully ng iba ang magaganda na wala naman daw laman ang utak. (relate ako chuz) Inggitera! Tapos mabuti ang  fluent sa English, bihasa sa Math at maalam sa Science. Pero hindi porket mahina sa mga asignatura na ito, mangmang na. Hindi dapat hinahamak ang isang Bisaya na matigas ang dila. Ang dapat na mahiya ay iyong magaling sa foreign language pero hindi maalam sa wikang Filipino o sa kanyang dialect gayong inugatan na sa Pilipinas. Sorry pero dapat talaga dibdibin ang kantang “Tayo’y mga Pinoy” ni Heber Bartolome na ako kasi   balewala ang talino sa negative attitude at wrong mindset.

Now, kung ikaw ay maganda o feeling maganda lang, i-bongga mo pa ang ‘yong appeal by having education. Kung hindi ka pumasa-pasa sa board exam o kahit sa bar exam, so what?! Hindi nagtatapos ang karera mo doon,  edukado o edukada kang tao, alam mo ang pinaka-basic at alam mo kung paano gamitin ito sa mas maraming bagay. Lahat naman babalik sa basic e, tapos maganda ka pa eddie kabog na sila.

Life without School is…

roaming around o pagasa lahat sa stock knowledge at by experience. Parang alam mo yung gusto mo pero parang hindi mo ma-gets kong paano i-attain. Nakakabato ang itsura ng karamihan ng school tas idagdag pa ang terror na mga teacher. Pero ang isang bata, dalaga o binata, at tumatanda ay maaaring di magiging  someone kung wala ang mga paaaralan.

 


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!


Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

4 thoughts on “Essay: Bakit Biyaya ang Edukasyon?