5 Things You Should Learn in Pagnenegosyo, Starting a business   wow updated !


Ang pagnenegosyo , starting or managing a business, is one of my life goals. Every year, dahan-dahan ay nagti-take ako ng challenge, isa na roon ay pagbi-business permit.  May madali , particularly ang DTI registration dahil para lang ako ng nag-shopping nito sa SM Cubao. Pero yung mga next steps nakuuu po hard na and expensive pa. May point na I asked myself so many times “oh bakeet, oh bakit kailangan ko bang gawin ito?”

Baguio Strawberry Farm Market

Handa ka na bang mag-buhat at mawalan ng poise? ( Baguio Strawberry Farm Market)

Pagnenegosyo is impossible without INITIATIVE. Noong college ako ay may binili akong poster na may quote na “Successful people are self-starters, they  are internally motivated  and work hard even if no one is looking over their shoulder.”  Pang-cheer ba, habang nag-aaral at magsikap que mag-boundary sa tres  ang grado o hindi. Noong napansin ko ito ulit noong isang araw, I realize na initiative is also crucial in entrepreneurship.  Iyong simula, pagpapatuloy, at pagiging matagumpay sa pinapasok mong bagay ay nakadepende naman talaga sa husay at tapang mo sa decision-making. Nasa sa iyo kung gusto mong matututo pa o mag-quit na.   In comparison sa pagiging empleyado, walang magtatakda at magdidikta sa iyo para kumita. Ikaw ang magkukusa para kumita at umusbong ang iyong negosyo.

You’ll never know how to run a business, not until you experience it first-hand.  I already read countless articles, talked with many entrepreneurs, and attended several seminars related to business. Pero kahit pala anong great ideas and tips ay wala pa rin sa lessons na makukuha mo kapag na-experience mo mismo ang magnegosyo. Beyond pa sa “case to case to basis” because sometimes you have to defy even your own expectations and limitations. Hindi lahat ng akala kung sure-fire winning idea nag-hit, pero iyong inaakala ko rin na wala lang o pagkakamali ay failure. Puwede pa lang mas may better way kang madiskubre basta  pag-isipan mo ang magandang taktika na kakayanin mo.

Story of bright moves out of desperation. Minsan nagtinda ako ng popcorn.  Araw-araw sa loob ng tatlong linggo mula ng magsimula ako ay dinudumog ang puwesto ko.  Dahil lagi akong nauubusan ay um-order ako nang mas marami sa supplier ko. Ang malas, kung kailan ako nagdami ay biglang umunti na tipong halos wala ng customers.  giant-chess-pieces-and-board-at-pan-de-amerikana-marikina-photo-by-hitokirihoshi

Out of desperation, nag-alok ako sa mga dati kong ka-opisina, at voila tinulungan ako ng kaibigan ko na magbenta sa office.  Pautang man ay sure na nabayaran at naging palagi. Doon pumasok ang idea na bakit nga ba hindi rin ako mag-alok sa mga opisina, eskwelahan o iba pang kapwa tindahan. Isa pa’y   que sa puwesto ko o sa former office ko ay di naman puwedeng hindi sila magsasawa sa popcorn.  Dun ko naman naisip sumubok na magbenta online at so far maganda rin ang experience na ibinigay sa akin.

Ang major lesson ko  rito ay kung naniniwala ka sa product mo dapat maging masigasig ka sa paghahanap ng marami pang customers at partners na may gusto nito.  Mahalaga rin na malaman ang maganda at epektibong paraan para maabot at mapagsisilbihan sila.

Counter negative elements, especially in your mind, with positive actions.   Ang totoo ang kontrabida sa buhay ay hindi kailangan tao o ibang tao-puwede itong

  • Mismong malapit o mahal mo sa buhay
  • Attitude problem o wrong mindset (i.e. victim mentality, boastfulness, and reklamador) mo.
  • Paniniwalang kinalakhan na – norm or conformity

    Jone's Bridge, Manila

    Tutulay o hindi? Tulay lang ba puwedeng daanan?

Lahat ng nabanggit ay mahirap pero pinakamahirap ang sarili. Kasi kung madali kang panghinaan sa isang bigwas lang ay bibitaw ka na e.  Paano pa kaya kung ikaw mismo ay hindi mo alam paglabanan ang sarili mong doubts, fears, insecurities, etc. Samantala, ang “norm” na hinaharap ng  Pinoy ay yung lumaking sanay na nag-aaral para mamasukan o mangamuhan.  Kaya kapag freelancer ka at mag-businessman may feel na para kang alien.

Playground in SK

business play also needs a backup squad

You need support system.  May mga pagkakataon na kahit alam mo naman talaga ang obvious, dapat, at tamang gawin ay kailangan pang may marinig na magsabi sa iyo.  Pero sa iilang pagkakataon na sa tingin ko kailangan ko ng support system, dito na yun sa pagnenegosyo.  Para kasing the surest thing not to feel stress ay wag mo na gawin. Pero kung may malalapitan ka para hingin ng payo at kahit  makakausap lang ay kay laking bagay para ma-boost ang spirit mo.

Always remember your fundamental business principles/ whys. Sa mga pagkakataon na pinanghihinaan, naguguluhan, at feel  mo  na wala sa landas ang negosyong gusto mo.  Remind yourself how badly you need to do business, what you’re aiming for, and why through business. Ang totoo hindi lahat ng original business plans o concept ay eksaktong nasusunod, so kapag hindi nga titigil ka na ba? Marami na akong nakasalamuha na ganito (at  baka naging ganoon din ako) pero hindi lang naman iisa ang way, solusyon, tutulong, at idea.  Sa business, ang 1+1 ay di laging 2. Puwede ring 0 or 100. 🙂

Mabuhay!


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *