Movie Review ng Goyo: Ang Batang Heneral part 1 2


Gusto ko sana ay first day pa lang ng Goyo: Ang Batang Heneral ay nakapanood na ako.  Ganito ako kasabik na mapanood ang film ni Jerrold Tarog na pinagbibidahan ni Paulo Avelino.  Well ang ugat ay nakuha na kasi ako ng Artikulo Uno Productions at TBA Studios sa Heneral Luna. Pero para sa paggawa ng Goyo kasama na nila ang Globe Studios at kasama screenwriter ni Tarog ay si Rody Vera ( sumulat din ng Die Beautiful).

 

Goyo versus Heneral Luna

Sa loob at labas ng pelikula ay may literal na challenge kay  Goyo: Ang Batang Heneral lalo na kung ihahambing  kay  Heneral Luna na pinagbibidahan ni John Arcilla.  Don’t worry hindi ako aabot sa pagkukumpara kay Paulo Avelino kay John.

Ang pinagkaiba ng Goyo sa Heneral Luna ay nagmumula mismo sa kwento ng kanilang buhay na susundan kung paano inilahad sa pelikula. Character driven ang movie ni John dahil dapat lang na i-character driven. Iyong strong personality ni Gen.  Antonio Luna kasi mismo ang nagdala sa mga sitwasyon na naghatid sa kanyang katapusan.  Who knows kung hindi s’ya arogante at matalino baka nagka- Antonio Luna Jr. a.k.a Tony or Toto pa siya. 😛 So that’s the reason masarap siyang ikuwento at panoorin, na hinusayan ng pagkakalahad ng Arikulo Uno.

 

Ang Goyo ay a little bit of character driven pero sa kabuan Plot Driven ito dahil hindi magiging the “Batang Heneral” si Goyo kung hindi siya naging favorite ni Gen. Emilio Aguinaldo. Hindi rin s’ya kikilos nang malaki kung hindi utos o kinakailangan (kaya ang ganda noong sa part ni Manuel Bernal eh⇓). Kung may isang magandang i-pick up na pang-character driven ay iyong pagiging babaero ni Goyo, pero I think hindi rin strong enough iyon para to fill the entire story. Kaya sakto lang ang timpla ng Goyo na para maipakita kung sino siya sa nalalaman natin.

 

The Good Points of Goyo: Ang Batang Heneral

  • No Small roles. Magaling ang presentasyon kay Major Manuel Bernal na ginagampanan ni Art Acuña.  Iyong eksena niya ay napakagandang halimbawa ng maiksi pero malaki ang impact.  Sabi nga ni Constantin Stanislavski (kung sino man s’ya):

    There are no small parts, only small actors

Kahit bawasan pa ang flashback o 1 cup and 2 table spoons ang pagdanak ng food coloring  dugo sa kanyang katawan,  importange pa rin s’ya sa istorya at character build-up ni Goyo.

Sa  ibang small roles, nakakatuwa rin na random ang pagpili ng mga gaganap at hindi dahil kilala.  It’s understandable  din naman na may liliit ang exposure sa dami ng characters na kailangan mabanggit. In fairness din, wala akong nakitang amateurish ang acting mula sa mga child actors (gaya ni Tomas Santos bilang Angelito Bernal) hanggang  kina:

 

RK Bagatsing  bilang Simeon Villa

Matt Evans bilang Telesforro Carrasco

Ronnie Lazaro bilang Lt.  Pantaleon Garcia

Bret Jackson bilang US Soldier Simmons

Robet Seña bilang Don Mariano Noble Jose

Perla Bautista bilang Trinidad Aguinaldo

Karl Medina bilang Santiago Barcelona

Benjamin Alves bilang Manuel L. Quezon 

At iba pa and by the way nag-cameo rin dito sina Chris Villanueva   bilang older Joven Hernando at TJ Trininad bilang older MLQ sa poster sa setting na 1935. Grabe, oo nga no may hawig si TJ at MLQ!

 

  • Very strong sidekicks.  Kung paiiralin ko ang pagiging ma-showbiz ko ay nakakapanghinayang si Carlo Aquino, na gumanap na Diego Silang (lakas maka Chris Evans na Human Torch/ Capt. America ng Marvel Cinematic universe!) sa Gabriela. Pero bilang cinephile/moviegoer ay ikinakatuwa ko na ipinakita n’ya ang galing n’ya bilang supporting actor sa Goyo.  Damang-dama mo ang pagiging matapat ni Col Vicente Enriquez kay Gen. Gregorio Del Pilar dahil sa atake ni Carlo. Maloko kapag kaswal na usapan pero sinsero at seryoso sa laban. Ang  pinakagusto kong eksena  n’ya ay nang ibinalita sa kanya ang pagkamatay ni Goyo. Walang linyang kailangang ibitaw nasa mukha na lahat ni Carlo ang emosyon.

Mahusay din si Rafa Siguion-Reyna as Colonel Julian del Pilar.  Ito pa lang pangalawang beses kong napanood si Rafa, matapos n’yang gumanap na ama ni Danaya ( Sanya Lopez) sa requel ng Encantadia.  Nasa timing ang lahat ng pag-arko ng kanyang kilay, hirit, at taas o baba ng acting. Pero siguro ang pinaka- highlight ng part n’ya sa movie ay doon sa isang eskinita kung saan sinabihan n’ya si Goyo na “umayos ito at tandaan kung sino s’ya.”  Kung may support na support character sa Goyo sa kanya dapat i-award, ganoon kahalaga ng ginagampanan niyang character. Nakakatuwa rin talaga yung mga epic fail attempts niya to win a girl.

 

  • Superb mix of cast members. Bilang Joven Hernando, mas mainam ang dating ngayon ni Arron Villaflor . Mas may punch kumpara sa Heneral Luna although kung tutuusin ay fictional character lang s’ya. Lumabas na rin kasi ang pagka- atribida n’yang photographer. Di kaya s’ya ang dahilan ng pagkatalo sa digmaan noon dahil ginawa n’yang pa-famous ang mga tao, charrot!  (Aba ang tindi nila noon huh. Ngayon selfie bago kain,  pero sila photo op, bago digmaan? ganern?!)

 

The General’s Hats ( kuha sa Aguinaldo Shrine – Hitokirihoshi)

Pero sa casting talaga ako thumbs up sa Artikulo Uno/ TBA dahil from Heneral Luna to Goyo: Ang Batang Heneral, ang kinukuha nila ay actor at hindi dahil movie star.  Look, ang laki ng role na Emilio Aguinaldo at Apolinario Mabini pero sino binigyan? Mon Confiado at Epi Quizon .  Kilala ko na si Epi sa  kanyang impressive acting pero si Mon Confiado? Nabago ng pagganap niya bilang Pres. Aguinaldo ang pagtingin ko sa kanya bilang totoong actor.  Hindi lang ito dahil nahahawig ang kanyang flat top haircut sa totoong Aguinaldo eh, yung delivery talaga ang nagdala from pagkatuwa, pagkadismaya, pagkainis, pagkabigla at pagkamalihim ay magaling s’ya. Consistent pati mula Heneral Luna movie.

 

sundan ang part 2 ng Movie Review ng Goyo: Ang Batang Heneral

  • other good point of this film
  • the bad points
  • Paulo Avelino’s acting
  • Movie Reflection at iba pa



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Movie Review ng Goyo: Ang Batang Heneral part 1

  • Worth Watching Videos (WWV)

    Na-miss out ko panoorin ito sa dami kong ginagawa. Napansin ko, hindi siya naging hype tulad ng Heneral Luna, pero gayunpaman, nakikita kong maganda rin ito base sa iyong rebyu. Sana maglabas sila ng limited edition release nito, yung tulad nung “Heneral Luna” DVD, may freebies na postcard.

    Salamat!

    • Hitokirihoshi Post author

      salamat din sa iyong pagbisita at sa iyong komento tungkol sa aking rebyu. well binigyan mo naman ako ng idea na may limited edition DVD with post card ang Heneral Luna. As fo dito Goyo, maiging mapanood mo sya kasi trilogy pala talaga, dugtong-dugtong.

      Mabuhay!