Copyright © 2010 aspectos de hitokiriHOSHI. All Rights Reserved. Snowblind by Themes by bavotasan.com. Powered by WordPress.
Author Archive
Dahil sa pamangkin kong addict na addict sa palabas na ito at reluctant pang aminin na crush na crush niya si Zac Efron, eh parang unti-unti nagugustuhan ko na nga itong movie na ito ng Walt Disney na pinagbibidahan din nina Vanessa Hudgens, Ashley Tisdale, Corbin Bleu, at Lucas Grabeel. Pero ang paborito kong character dito ay si Kelsi Nielsen na ginaganapan ni Olesya Rulin.
Ok fine for expulsion na ang pagka-late ko sa panood ng pelikulang ito. Pero actually 2006 pa ako aware dito kasi…secret (We’re All In This Together). Natuwa lang ako noon na malaman na may dugong Pinoy pala si Vanessa na ang Nanay ay Filipino-Chinese. Bukod doon para sa akin ay hindi ko masasakyan ang takbo ng istorya at kadramahan dito, ano ako high school?
Pero sinamahan kong manood ang aking six year old niece sa panonood ng HSM 1 & 2 na-appreciate ko yung mga songs and acting nila especially yung kay Ashley at Zac. Amazing, ang performance ni Zac kasi kahit sabihin natin na overdub daw ang kanyang boses dito hidni mo naman maikakaila ang acting prowess ni utoy na oozing din naman sa kaguwapuhan. Hindi ko lang siya type lalong-lalo na kung ngangang-ngaga na ang kanyang bibig kapag kumakanta. pero I declare na team Zac ako kung ikukumpara siya kay Robert Pattinson.
Anyway, typical pa rin naman ang takbo ng istorya nagkaroon lang ng magandang execution because of superb acting, dance steps, inspirational songs at cool production designs or effects. Gustong-gusto ko ang performance ni Ashley (as Sharpay Evans) sa HSM 2 kung saan niya kinanta ang Humuhumunukunukuapua’a. Ang saya-saya lang hehehe! saka yung bad trip siya tapos bago lumabas ng room ay humingi pa siya ng drum beat.
Teka bakit ko nga ba nagustuhan si Kelsi Nielsen at paanong nakaka-relate ako sa kanya? well, unang-una hindi ako pianista at hanggang kalokohan lang ang pagko-compose ko ng kanta. Ang siste lang siguro kasi ay noong high school ako yung tipong gaya niya na magaling (ahmmmm) pero hindi kailangang papansin. May nakakabangga pero hindi ako masyadong pumapatol sa kalaban kasi kusa silang luluhod para hingin ang aking awa. (joke lang OA na yon). Kung sa pananamit may pagkakahawig din ang aming style although sandali lang ako nagsalamin at malamang medyo ganun din ako mag-dialogue gaya niya, sumusundot sa mga bawat salita (may ganon talaga.)
Mas maa- appreciate ko pa siguro itong palabas na ito kung sumabay sa taon noong high school ako or kahit college ( aminado naman akong late bloomer ako sa … bagay). at dahil kay Troy may panakot na ako sa pamangkin ko. wahahaha. Sabi ko pa sa kanya na mag-asawa na sina Troy at Gabriella (Vanessa) at may anak na sila. at ang pangalan ng anak nila ay si Dora. Wahahaha!
Continue Reading »
ang gulo-gulo ng paligid
iba-ibang lengguwahe ang aking naririnig
gustong sakupin ng dayuhang damdamin ang aking puso
ang hirap pag walang kadamay, nakakawala ng pag-asa
II
sinabi ko noon okay lang sa akin mapag-isa
kaya ko dahil isa akong palabang babae
pinalaki akong matapang at aral sa magagandang bagay
aanhin ko pa ang iba kung dapat na akong makontento
III
ngunit hindi sa lahat ng pagakakataon na kung ano
ang laman ng isipan ay siya mo ring mararamdaman
naghahanap ka pa rin ng taong magiging bayani mo
ang magliligtas sa yo sa kalungkutan
III
sorrow, dumating ka at binago mo ang pananaw ko
pinawi mo ang aking kalungkutan at pag-iisa
nandyan ka para pasilayin ang ngiti sa aking
mga labi at patibukin muli aking puso
IV
sana’y hindi ka magalit kong kantahin ko
ang i want to spend my lifetime loving you
dahil sa tuwing maririnig ko yan feeling ko
ako si Elena at yan ang theme song natin.
V
by the way, wag ka magalit kong sorrow ang title
sadya yan kasi noong nagso-sorrow ako sa room ko
naalala ko bumili pa la ako ng part 2 ng movie mo
kaya pinanood na kita. sorrow Zorro! daming errors.
Continue Reading »
patanong talaga ang title ano? oo kasi ako rin eh hindi ako makapaniwala. paano ba naman, sabihin lang na gulay ang ulam ay pumupuga na ako sa harap ng lamesa. habang sarap na sarap ang iba sa pagngasab ng upo, kamatis, ampalaya, carrots, sayote etc etc ay ayun ako sa tindahan ni MCL magbubukas na lang ng de lata. At minsan, kapag sumakit ang tyan ko sinisisi ko talaga doon sa nakain o nagbigay sa akin ng gulay.
ewan, lahat naman ng mga kapatid ko kumakain ng gulay. at nung toddler pa si hoshi ang alam ko ay kumakain pa siya ng ampalaya with egg, sayote con sardinas at ginataang pumpkin with salty daing. tas hayun nag-emerge into vegetarian (sa sobrang pagkapro-gulay ayaw ng kainin). Naalala ko kung paano ako pumupuslit sa binatana para iluwa yung lutong gulay ng kuya ko. hahahahaha kahit anong gawin niyang parusa walang nagawa, stubborn ini!
siguro ang nagbigay sa akin ng bagong pagtingin sa gulay ay ang kaklase ko nung 1st year high school. ni-share niya sa akin ang baon niyang adobong sitaw. eh letsugas talaga nasarapan ako. 3 bagay ang na-realize ko sa mouthwatering moment na yun – masarap makikain sa baon ng iba, magaling magluto ang mga Ilocano at mas gusto ko ang lutong gulay na hindi pinagsama -sama gaya ng chopsuey at pinakbet.
mula noon ni-try ko na ang pritong talong na isinasaw-saw sa sukang may garlic, pechay na may sabaw (sorry di ko alam luto),binagoongan na kangkong (ewan kong diningding yun), at laing. siyempre all time favorite lutong gulay ko ay MONGGO hehehe
pero lately, nagki-crave na ako sa vegetable salad. kung dati-rati ay hanggang macaroni salad lang ako, ngayon ay lume-level up na rin ako ha! nag-start naman yun nung mapakain ako ni Manang Juling sa Pancake ng salad, eh letsugas ang sarap din. kaya ngayon super order na rin ako ng salad sa Kina Mang Kenny at Aling Wendy’s. masarap din ang salad sa GOttis. kapag ang gulay mo ay isinalad mo pala mukhang sosyal na.
oh ayan at least gumugulay na ako! bow!
Continue Reading »
without maraming tienes, i would like to congratulate aiza seguerra and FILharmoniKA sa success ng Aiza Seguerra Lovelife Concert sa On Stage, Greenbelt1 (aug.21, 2010). i consider na ito ang first ever concert na napanood ko and worth it maging pam-”buena mano.”
well one reason why naghe-hesitate ako sa mga concert-concert ay kasi madali akong maumay sa iisang boses kahit gaano to kaganda. however sa combo nina aiza at ng filharmonika hindi ko naman na-feel ‘yon . feeling ko pa nga ako si aiza sa stage, suave lang. i even like na naka-casual lang sila lahat. concert siya pero yung mood ay kayo-kayo lang din.
Ilan sa mga kinanta ni aiza ay Runaway (opening number), Sana’y Wala ng Wakas, Here I am, Forever and a day, Ought To know, Gaya ng Dati, Wind Beaneth my Wings, Every time, Bituing Walang Ningning, Hiram, In My Life, at ang signature song niya na Pagdating ng Panahon. Bukod sa Sawanawa, RunAway, In my life ay gustong-gusto ko rin ang Ang Huling El Bimbo. Standing Ovation pa nga yun e.
hindi ako sanay na walang dance number or drama effect sa stage pero okay na ang sayaw este pagkumpas-kumpas ni Gerard Salonga na siyang music director ng FIlharmonika. galing ng grupo niya hindi ako nawala sa kawalan. Magaling din si Raymond Sajor na special guest dito.
Proud din ako na may mga namataan akong foreigners at sosyalan na nanood.
Puwede kaya ang Black Eyed Peas dyan na rin sa On stage mag-concert? Para kahit dulo ako ay makita ko pa rin. hehehe
Mabuhay sa mga Filipino artists!
Continue Reading »
“Feelings have a way of finding their way out, and dreams have a way picturing the escape.
“To reconnect to the world of dreams is to remind ourselves, once again that life is a symbolic act, and that man is symbolic forming creature. To attend to our images is to attend to life, since it is in our images that we can discover our own myths or plots.”
-Dreams and the Search for Meaning by Peter O’ Connor
I’m happy that hindi na ako masyado dinadalaw ng bad dreams as in. I think effective ang dream catcher na ibinigay nina Ka Ver at Jovy at dream catcher necklace ni Kuya Marcial. Pero aaminin ko na minsan wini-wish ko na wag na talaga managinip. Hindi ko pa kasi nararanasan ‘yon or matagal ng hindi nangyayari. Hindi ko na maalala. Sabi kasi sa akin ni Ate Rose kapag nanaginip ka hindi ka talaga nakakapagpahinga ng husto. Eh ganoon naman talaga feeling ko.
Ang kuya Marlon ko ang nagsabi sa akin na ang panaginip ay hindi basta panaginip. At sasabihin ko naman na kadalasan ay hindi kabaligtaran sa katotohanan ang mga pangyayari rito.
Hindi rin porke’t ibang tao yung subject sa panaginip mo ay ibang tao talaga yun. Dahil madalas ay ikaw din ‘yon, nakikita mo ang iyong sarili sa ibang angle. Mahalaga ring pansinin mo kung ano ang pakiramdam mo sa loob nito. Isa ka bang mahirap pero ang saya-saya mo or kasama mo ang ‘yong kasintahan mo pero parang nakakadama ka ng kalungkutan?
Well hindi ako magaling sa dream interpretation pero naniniwala ako sa quote sa itaas. Dahil mahirap yung maraming kinikimkim, nililihim at nagbingi-bingian. Basta masaya na ako ang makapanaginip ng maganda. Bow!
Continue Reading »
I
Sabi nila masarap ang maging bunso sa magkakapatid
pinagbibigyan ka at alagang-alaga ng mga ate at kuya.
Tatanungin nila kung ano ang pasalubong na gusto mo
o kapag birthday mo hindi puwedeng wala silang treat sa iyo.
Gaya na lamang ng choco roll cake na laging request ko.
Bukod pa ‘yan sa kinasasabikan kong mamon, chiffon (slice), o
polvoron na idinadala ni Nanay pagkatapos ng kanyang trabaho.
II
Pero sa pagdaan ng panahon, nagbago rin ang lahat.
Isa-isa nang nilisan ng aking mga kapatid ang aming tahanan.
Iba na ang madalas nilang i-treat at binibigyan ng cake.
Pero hindi naman po ako nagtatampo kahit nakaka-miss
kasi sa tuwing nakikita ko ang aking mga pamangkin
feeling ko ay ako rin sila noon, sabik na sabik na mag-wish,
pitasin ang mga flowers (icing) at ipaghiwa ng cake.
III.
Bibihira na rin akong dalhan ni Nanay ng pang-merienda.
Siguro may ilang taon na rin nung mangyari ‘yon.
Kasi naman ay ako na ang nagdadala ng maime-merienda.
Lalong-lalo na kapag araw ng sahod, sinsubukan kong
ibili siya ng paborito niyang gelatin a.k.a. cathedral window.
Kailan ko nga lang nalaman na ang kan’yang favorite panghimagas.
Ganun pala yon ano, iba rin kapag ikaw na ang nagbibigay?!
IV
Maaaring iba na ang estado ko ngayon. Hindi sa kaya ko ng bumili o pumunta sa bakeshop para ituro ang gusto kong kainin, kundi sa kung paanong ako naman ang puwedeng magpasaya sa mga taong mahal ko.
Pamangkin, Hipag, Kuya, Ate, Tiyuhin, Tiyahin, Magulang at kahit sino pang darating, alam kong para lang tayong mga nagpupunta at umaalis sa isang tindahan ng pagkain. Nagbabago ang binibili at kung sino ang bibili pero ang pagkakatulad ay nandoon yung thought na gusto mong ipinadama ang iyong sweetness. Sine-celebrate natin ang mga special moments natin ng salu-salo. Iisang tatak na natin yan eh gaya ng binibilhan nating Goldilocks – How Thoughtful. How Pinoy!
Note: Happy Birthday Kay Nanay sa August 25.
<img src=”http://www.nuffnang.com.ph/wp-content/uploads/2010/08/blogpost_attachlogo.jpg”/>
Continue Reading »
Tamang-tama na nag-iisip ako ng mapagkakakitaan ay siya namang pagpi-feature ng Ang Pinaka kahapon (Aug. 8 ) ng mga Pinakapatok na Business Franchise.
Nakalimutan ko na ‘yong pagkakasunod-sunod pero ang top 1 ay retail stores kung saan under ang mga convenient stores like Mini Stop and 7 -11. Samantala ang iba pang kasama sa listahan ay ang Cafés (Starbucks/ Mocha Blends/ Figaro), Miscellaneous (ink refilling station/ T-shirt Printing etc), Personal Care (HBC, Spa & Massage Center), Water Refilling Station (Crystal Clear), Service-Oriented (Parlor), Fast Food/Resto, at Food Cart. (Aalahanin ko pa ‘yong dalawa, nakalimutan ko lang kung saan ang aking kodigo.)
Gusto ko ‘yong sinabi ng isang panelist na EIC ng Enterepreur Magazine na tungkol dun sa Water Refilling station (WR). Aniya madalas katabi ng ganoong establishment ay ang mga Laundry shop kasi sa WR ang waste water na dumaan na sa proseso ay nakakapanghinayang kaya ginagamit sa paglalaba. Oh diba double purpose.
Sa aking paninimbang at sa pagbabasa na rin sa iba, hindi magandang mag-franchise kung maliit pa lang ang capital mo lalo na’t may 50, 000 to 10 million ang ilan sa mga ito, wala ka pang naiisip na matao o magandang puwesto at hindi mo rin hilig ang ipa-franchise mo. Kahit sinong sikat na kompanya ang i-franchise mo kung hindi naman maha-handle ng tama at hindi tauhin ay balewala rin.
Hindi ako nagsasalita ng tapos kasi marami naman talagang benefits, pero mas gusto ko ata ang magtayo ng negosyo na ako ang nakaisip. Ako ang nagpangalan at akin ang konsepto. Risky nga lang ang ganito kasi wala naman akong formal na kaalaman sa paghahandle ng negosyo. Pero I think sa ganyang usapan lalabas ang pagiging tunay na entrepreneur -yong mahuli mo ang panlasa ng madla mula sa iyong interes.
May nagustuhan ako dati na i-franchise ‘yong Hansarap ata yon na nagtitinda ng goto na nasa cup at may kasama ng gulaman. Murang-mura lang ito sa halagang 20 (siempre may mura pang iba pero okay kasi ang packaging nito) at nakapuwesto iyon sa MRT Cubao. Bukod sa Cubao ay mayroon din ‘yon dati bandang Ayala Station kaso sa huling daan ko sa mga lugar na ‘yon wala na doon ang Hansarap. Pero kahit mayroon pa, hindi na ako ganun ka-open sa idea. Mas gusto kong patulan ang online selling or buy and sell. Pansin ko kasi marami sa may perang mamimili ay napipirmi sa pagba-browse sa mga websites at doon na bumibili. Last year, ibinenta na namin ang lumang sasakyan namin. Alam n’yo kahit sinabi namin na may aayusin pa sa saksakyan- tatlo ang tumingin doon na lahat ay bunga sa pag-a-ad ng isa naming kakilala on line. And yes ang isa sa tatlong yon ang bumili sasakyan namin.
Gusto ko na nga ibenta ang mga gamit naming gumagana pa pero hindi naman nagagamit gaya ng stereo namin na ginawa na lang display ni Manang Juling. Sana lang ‘wag ako masobrahan kasi baka pati yung ginagamit namin i-sell ko na rin online. Magtaka na lang Nanay ko nasan na ‘yong ref namin naibenta ko na pala. Well sana ang una kong maibenta ay libro. Bow!
Continue Reading »
O para naman mabigyang buhay ang kulay ng tulay sa balay
Makwentuhan ang mga utoy, kengkay at taga-Taytay
Narito ang iba ko pang kuha sa ligid-ligid ng Uni-ber-si-dad ng Pi-li-Pi-nas!
(wala ginaya ko lang kung paano i-cheer sa UAAP)
Malapit sa amin ang UP – mga tatlong sakay tas pag nakarating ka halhal kaNagpupunta ako dito pag may event, may murang seminar at kapag may nanlibre. Bago ang photowalk ang huling punta ko dyan ay nung ganapin sa film center ang graduation ng pamangkin ko na tinanghal na MOST ENERGETIC.
Maraming ginawang touching moment itong UP Film Center sa akin e, isa na dyan nung manood kami ng anniversary ng Bubble Gang noong 2005, ang una kong panood ng theatre play (Merchant of the Venice), at ewan nakalimutan ko na yung iba.
Bilib din ako sa pa-seminar dito kasi kung sa iba nagbabayad ng libo para makinig sa magagaling na hindi mo kilala, sa kanila nagbayad ako ng 50 pesos para makinig kay Joel Lamangan at isa pa uling P50 kay Mario J. delos Reyes. Ngayon yuyupiin kita pag hindi mo sila kilalang tong dalawa at hindi ka muna mag-research.
Anyway, hindi ako nag-aral ng UP pero may ilang ulit na akong napagkamalang nag-aaral sa UP. Ngayon nasa sa iyo na ‘yon kung ano sa palagay mo itsura ko noong tinanong ako nila basta hindi naman pang-Oblation. Hayun! Nagkuwento lang ako konti para hindi puro photos ang makita mo. hehehe
Mabuhay na lang sa Uni-ber-si-dad ng Pi-li-Pi-nas!
Continue Reading »
mula sa bulwagang pambalitaan ng hoshilandia ako si Hitokirihoshi!
kapapasok lang sa inbox ni hoshi ang impormasyon ng wordcamp 2010.
WordCamp Philippines 2010
We have opened the registration for WordCamp Philippines 2010 (http://www.wordcampphilippines.com).
This year, the registration fee is Php700. This entitles you to a ticket to the event, a WordCamp Philippines 2010 kit, lunch and coffee, and a campers’ shirt.
As a bonus, we are giving a discount for those who will register and pay on or before August 15, 2010. We are slashing a couple of hundred pesos off the registration fee so for Php500 (or US$12 for payments via PayPal), you’ll be able to participate in the coolest gathering of tech-savvy professionals in the country.
Remember, WordCamp Philippines 2010 is happening on October 2, 2010. Register at this link http://www.wordcampphilippines.com/register/ to secure a spot to the best WordCamp Philippines yet.
Cheers,
WordCamp Philippines Organizing Team
kaya kung ikaw ay interesado, sali na!
<a href=”http://www.wordcampphilippines.com/”><img src=”http://i971.photobucket.com/albums/ae197/wordcampph/wcph-badge-blue-450.png” alt=”WordCamp Philippines 2010″ title=”WordCamp Philippines 2010″ /></a>
Continue Reading »
Ginanap noong July 24, 2010 ang third annual photowalk. Isa itong activity ng mga photographers kung saan sama-sama silang magkakalabitan (ng camera) sa isang particular na (mga) lugar. Worldwide ito kaya malamang ay hindi naman umuga ang buong earth sa kakalakad ng mga mangunguha (ng picture-picture) parang may panaka-nakang pagkidlat lang dahil sa mga flash.
First time kong mag-try na sumama sa activity na ganito. Wala pa naman ako balak na mag-photographer o bumili man lang ng DLSR (pero kung may magbibigay, tatanggapin ko ng buong puso). Gusto ko lang ma-experience kasi baka magustuhan ko rin. Hindi ko lang alam kung ipagpapasalamat ko na naiwan kami ng sinamahan naming grupo.
Nakakapanghinayang kasi ang gusto ko nga ay makasama yung mahihilig (sa pagkuha ng pictures). Dagdag pa dyan ay baka nandoon na rin yung sinsabi nilang masters. Pero siguro maganda na rin na hindi kami nakasabay kasi para hindi ako ma-intimidate. Digital cameras lang naman ang hawak ko na ang isa ay noong Friday ko lang inaral gamitin kasi hindi ako palabasa ng manual. Anyway, may nakita naman kami na kagrupo sa paglalakad sa campus ng UP. Hello po kuya Mike!
Bonding at malayang pangangalabit ang aming ginawa. Exercise na rin dahil literally nag-UP ikot talaga kami. Napansin ko lang na parang lagi kaming nakakakita ng pusa. Okay naman ang experience aral-aral ng pagkuha ng “ang gulo” at pagtuklas ng mga kabagayan sa UP. Ang kasama ko kasing si Avi ay graduate din sa UP kaya instant tour guide ang role niya.
Nung mapadpad naman kami sa circle na part pa rin ng photowalk namin ay ako naman ang nag-tour sa kanya. niligaw ko lang naman. Hehehe
Hindi naman sa nagpapaka-humble ako pero huwag nyong asahan na maganda ang mga pinagkukuha ko. Tama ng ma-amaze kayo na tingnan mo nga naman naisip ni Hoshi yun? hehehe (jokeness).
Baka next year mag-photowalk din kami at sana (pero hindi naman ako atat) ay may bago na akong cam. Pero okay lang yung digi cams ko, kontento pa naman ako. basta masaya lang ako sa maayos na pangangalabit at pagkukuha. Mabuhay sa mga skywalkers este moonwalkers este photowalkers!
Continue Reading »
Gaya ng Dirty Dancing ang Flash Dance ay ipinalabas noong 1980s, napaaga lang kasi eksaktong 1983 siya at classic dance film baga!
Sa opening scene, nagitla ako. Ang eksena kasi isang kulot na babae na nagba-bike sa isang kalsada at papasok sa kanyang work kung saan siya welder. Eh ano naman nakaka-gitla doon? Nasa background music. Kasi dito pala nanggaling ang kantang “What A Feeling” na naririnig ko lang dati pa at ni hindi ko alam kung sino kumanta (nandito rin ang “Gloria”). Sabi ko nga eh pagdating sa mga familiar old song ay ang weird ng pakiramdam ko.
Maganda ang bidang babae rito na si Jennifer Beals at maging ang acting niya. na-dissatisfy lang ako na ‘yong mga bigating dance routines niya sa movie ay mga double niya ang gumawa. (kaya pala kako parang tigas naman pagkakulot ng buhok niya ‘pag nagsasayaw siya. buti na lang magaling talaga sumayaw).
Pansin ko lang sa mga napanood kong dance flicks na gawa noong 1980s- Staying Alive, Dirty Dancing at itong Flashdance- grabe ang struggle noong mga bida. Pang heavy drama ang tema pero ang bawi ay sa mga bigatin namang mga dance numbers, sobrang nakaka-amaze!
Ang siste lang nitong Flashdance ay parang labu-labo ng mga pangyayari. Patalon-talon, hindi lamang ng twist ng istorya kundi ng ilang eksena. May mga parang mailagay lang at ka-boom ibang eksena na kaagad. Sayang kasi for me dahil malaki ang promise ng love and dream na ipinapakita ng movie. Parang ang gulo pati ng pagkaka-present ng struggle ng lead actress at ng kanyang mga kaibigan.
Pero gustong-gusto ko ang love story nina Alex (Jennifer) Own at Nick Hurley (Michael Nouri) na in fairness ay maraming sikat na artista pala ang puwede sanang gumanap sa role nila gaya ni Demi Moore at Kevin Costner. Siempre naibigay naman ng film na ito ang ini-expect kong powerful dances at sobrang napaka-creative ng pagkakagawa. Pasadong music video na puro sayaw. Maikukumpara ko ang dance number sa club nila Alex sa club na pinagtatrabahuhan ng bida sa Make It Happen.
Dito hindi ko na kailangan ng sikat na bida tamang fresh na mukha ang inilagay na napakagaling naman sa pagsayaw. Although narito rin si Cynthia Rhodes na nasa Staying Alive at Dirty Dancing din (pero parang hindi ko lang siya napansin sa credit kasi parang wala siya sa ending credit.
Pero kahit saliwa ang pagkaka-edit wahhh okay na okay sa akin itong Flashdance. Hindi kataka-takang naging hit ito. Naloka lang ako sa itsura ngayon ni Michael Nouri. Tsinek ko kasi siya kasi parang like ko na siya as Nick. Wapak lolong-lolo na ang istura niya. Well dapat akong sinasabi pa kasi nong ginawa niya ang Flashdance (1983) ay 36 years old na pala siya noon. Wahhhh!
Continue Reading »
Minsan bad trip ako sa nguso ni Angelina Jolie pero sa Tomb Raider napagtiyagaan ko siya ng bonggang-bongga. Dito sa Girl, Interrupted hindi naman ako na-interrupt ng pamosong labi niya kundi sa buhok at ang angas ng acting niya. Medyo nakakabwiset nga yung character at tuloy sumasabay siya sa kamukha kong si Winona Ryder (charing lang). Maganda yung pagging Lisa Rowe na napunta sa kanya para hindi niya bigyan ng justice. Good thing bagay na bagay sa kanya ang pagiging sociopath at nagawa naman niya ng maganda. Pang best supporting actress nga. (Pansin ko lang na pang-Tomb Raider na rin yung mga galaw ni Angelina dito.)
Ang gusto kong puriin sa movie ay ang ang editing at pagkakalahad ng istorya. Hindi nakakawala ng momentum ang pagbalik-balik sa past ni Sussana Kaysen (Winona) na sinasabing may Borderline Personality Disorder. Tama yung isang character doon sa pagsasabing ang ganda ng kutis ni Sussana dahil maganda nga ang pagkaputi dito ni Winona. Papasa lang siyang mukhang tomboy dahil sa ilang damit na kanyang isinuot at sa gupit ng kanyang buhok, although nandoon pa rin yung sex appeal niya. Pasado si Winona na para lang siyang past ni Keira Knightley sa tingin ko pagdating sa mataat sa acting. Mahusay kung di man pang-award winning ang kanyang performance niya rito.
Nakaka-aning din ang kalagayan nila sa loob ng Claymoore Hospital pero hindi naman yung sobrang nagpaka-deep. Hindi siya yung teka tingnan nga natin ang kalagayan ng mga baliw at baka nga may ganito. Kung baga hindi siya pang -docu o mala-pang Imbestigador. Tama lang na para maging intimate o maisa-isa ang bawat problema ng patients dito. Nakakaawa lang yung naging situation Daisy Randone (na ginampanan ng namayapang si Britanny Murphy) kasi papasa siyang normal pero nakakabaliw yung realidad ng buhay niya. Akala ko rin isang nakakainis ang role ni Whoppie Goldberg bilang Valerie Owen pero okay naman pala.
Medyo mabigat yung movie pero yakang-yaka naman itulog na lang. napaisip lang ako kung bumo-border na rin ba ako? hehehe!
Continue Reading »




