Copyright © 2010 aspectos de hitokiriHOSHI. All Rights Reserved. Snowblind by Themes by bavotasan.com. Powered by WordPress.
Naghe-hesitate pa akong i-share tungkol dito kasi iniisip ko may napatunayan na ba kami? Pero napagtanto ko na ang maka-survive at patuloy na pagpupumiglas na may kasamang pag-asa ay malaking biyaya na.

pinamiling paninda
Eksaktong isang taon na ang nakakaraan nang buksan namin sa ikatlong pagkakataon ang aming munting tindahan. Iba ito sa mga nauna kasi kaming magkapatid lamang ang nagtulungan para rito. Lamang loob este ipon at tiyaga ang ipinuhunan ko rito.
Hindi ko mismong business ang sari-sari store kundi sa kuya ko. Ako lang ang nagpi-finance ng initial capital at pagpapaayos ng konti. Naisip ko kasi sayang yung nakatenggang space, gusto ng kuya ko ng mapagkakakitaan at para may maidagdag kaming maiabot kay Manang Jules. Actually hindi sari-sari store ang una naming naisip na business kundi franchise ng isang donut o bilhin ang chicken business ng Tito ko dati.
Napadpad kami sa sari-sari store ulit kahit medyo alangan ako kasi hindi naman pampa-akyat ng kita ang tindahan. Bukod sa marami na niyan sa bawat kanto,marami pang pala-utang. Promise isinusumpa ko noon ang pagkakaroon ng tindahan. Isa ‘yan sa dark age ng kabataan ko. Pero kung hindi man ganun kalakas ang tindahan ay maganda itong pang-sustain. Hindi puwedeng wala kang kita kahit maliit. Kung magpa-franchise ka at hindi pa kumita, talong-talo ka. Kung hahanap naman kami ng ibang puwesto para sa ibang business/ franchise malaki-laking risk din.
At gaya ng sinabi ko sa blog ko sa multiply. Dalawa ang prinsipyo ko sa sari-sari store.
* Kung tutulong ka, tulungan mo ‘yong tao na tulungan niya ang sarili niya. Hindi ‘yong paasahin mo siyang umasa sa iyo.
* Habang bata ay i-grab mo ang opportunity na pwede gawin lalo na sa business. Iba kasi ang nagagawa ng maagang naghanda. Isa pa ay kapag bata kang nag-business at halimbawang malugi, may panahon ka pang bumawi talaga. Mayroon ding mga choices.
Sa case ko sa tindahan na hindi naman ako ang nagma-manage, I think training ground ko ito. Puwedeng malapit o malayo sa ganitong klase ng negosyo ang itatayo ko someday pero at least nasubukan kong alamin hindi lamang sa theory kundi sa application. Sabi ko sa kuya ko gawan natin ng sistema ang store na ito na wala noong una at ang goal natin ay kumita ito sa matagal na panahon.

the door of business
Ngayon, kung itatanong mo kung libre ba yung ipinuhunan ko sa store, hindi! Para ko itong ipinabangko ng walang interes at kahit more than one year niyang bayaran. Believe naman ako sa kapatid kong ‘yan especially sa pagiging responsible at public relation (by the way, youth leader yan sa amin at may key position sa samahan ng mga maka-Diyos na singles). Kailangan niya lang bayaran kasi para magkaroon siya ng passion na pagbutihan ito. Iba pa rin kasi yung may pressure sa wala lang. Eh ang hilig ko pa naman sa motivation na itatago ko sa terminong deadline and quota. Saka para mawala ‘yong chance na sobrang utang na loob. istrikto ko no?!
Anyway, so far so good naman ang mga kabagayan. Minsan nagmamadaling araw na ay hindi pa nagsasara ang kuya ko at si Manang Jules ay may collection naman kahit papaano. Collection daw oh!
Sana po ay magtagal at lumago ito para na rin sa pamilya ko. bow! WaHH naka-isa na kami. Yahoooo!
No related posts.






July 12, 2010 at 9:19 am
Mabuhay! Maganda nga iyang may pinupuntahang productive ang pera at hindi puro gastos lang. Nakatulong ka pa sa utol mo.
July 12, 2010 at 9:39 am
salamat! oo dito hindi interes na pampersonal ang inaasahan ko kundi yung interes na makatulong sa pamilya. naks! pauso lang. hehehe
July 12, 2010 at 12:34 pm
congratulations
next time isang mall of asia na ang bubuksan nyo
yipee!
July 13, 2010 at 1:40 am
at magdilang anghel ka raf3r!
July 15, 2010 at 12:45 pm
Naku
Isa talaga akong anghel
Tignan mo nalang kung paano ko binalahuran si John Lloyd Cruz sa latest post ko
Hehe
July 15, 2010 at 12:46 pm
Naku
Isa talaga akong anghel
Tignan mo nalang kung paano ko binalahura si John Lloyd Cruz sa latest post ko
Hehe
July 16, 2010 at 1:37 am
paulit-ulit talaga ang kuya. siya-siya titingnan ko na nga.baka apatin mo pa. hehehe
mabuhay!
July 13, 2010 at 3:20 am
Wag ka lang makalimot kapag napunta ka na sa Forbes’ List of Billionaires in the Philippines ha. Hehehe.
July 13, 2010 at 3:39 am
wahh… baka mamaya nagiging malilimutin na ako ni hindi man lang makasampa sa isang milyon ang asset ko. wahahaha
pero wag naman. tama ng magtagumpay ang mga kabagayan ko sa buhay kahit hindi na ako maging bilyonaryo. millionaires lang ang alam kong laro e.wahahaha
July 13, 2010 at 12:38 pm
wow,hoshi!goodluck sa bagong business nyo/ng kuya mo.
may tindahan din kami dati kaya alam ko kung gaano nakakainis yan.maliit ang market(kapit bahay lang) tapos yun nga marami na sa paligid.ang maganda lang sa may tindahan,hindi na ko lumalabas ng bahay para mamili.andun na eh.pera na lang kung ako ang nautusang mamili ng refill na paninda.argh!
magandang-araw.goodluck ulit!
July 14, 2010 at 2:41 am
salamat duking!
yeah yan din ang hesitation ko nung una. pero maigi na siya pang-sustain sa ilang pangangailangan. mag-e-establish na lang ako ng iba pang business na medyo risky pero may dapat kumikita ng bonggang-bongga. hehehe
mabuhay!
July 14, 2010 at 4:05 am
ayun ohh! sana magtagal pa ang tindhan mo.. magandang business yan lagi ka may mahuhugot basta marunong ka lang mag manage at walang utang wahaha natatawa ako kasi ako nangungutang sa tindahan
gusto din ng kapatid ko ng tindhan wag na daw sya mag aral magtitindahan nalang daw sya.. ang sagot ko? mag aral ka.. ahehehe ala lang share ko lang
miss yuuu
July 14, 2010 at 7:11 am
salamat lambing! miss u too!
oo mag-aral pa rin siya. kasi ang tindahan nandyan lang at maitatayo. yang pag-aaral pinaglilipasan ng panahon pag hindi maasikaso. saka di ba malaki ang nagagawa ng malawak na edukasyon sa negosyo? oha-oha!
hehehe
nagbabasa-basa muna ako ng mga kabagayan bago ako talaga nag-decide na mag-finance sa tindahan. mabuhay!
July 14, 2010 at 1:19 pm
huwaw negosyante pala si hoshi…. palaguin mo kapag supermarket na siya, pasosyo ako ha…
naalala ko tindhan dati ni mama, nalugi… tatlo ba naman kaming umaatake
July 14, 2010 at 2:18 pm
hahaha, ganyan din ako noong unang bukas ng tindahan namin noong estudyante ako. hala sige kain ang drama ko. then yung pangalawa naman panira sa social life. bale kasi pangatlo na ito. tas kuya ko na ang nag-manage.
sana nga lumago pa ng bonggang-bongga. hehehe
mabuhay!
July 16, 2010 at 12:27 am
Bakit ba usong uso sa mga pinoy ang pagtatayo ng tindahan? Kung ako tatanungin, mas gusto kong dumami nalang ang mga Gen Merchandise stores, o kaya mga convenience stores na mura ang tinda. Para wala masyadong nagtitinda ng yosi.
Huh?
Haha. Teka, mayaman ka pala Hoshi, taga pondo. Magtatayo ako ng beer house. Game ka? Hihi.
July 16, 2010 at 1:40 am
wala tulong lang yun walang kita. hehe
naku antibisyo ako. charot! kung may videoke yan puwede pa. wahahaha
July 20, 2010 at 6:29 am
wow… ako nga rin ifinance mo yung boutique na bubuksan ko… nyahaha…
nice… sana marunong din ako humawak ng pera.. kasi ang dami ko naiisip na pagkakitaan.. hehe
i-seminar mo nga ako hoshi…
July 20, 2010 at 8:07 am
aray ko, naku naging instant business financier daw ako?!
kaya mo yan, alam ko may natatago ka ring galing sa business and finance.
sige may seminar ako pero di mo nakailangan umalis dyan sa bahay nyo. through blog na lang. hahaha
mabuhay!
July 20, 2010 at 7:54 am
Basta business, you’re the woman! haha
Paniguradong lalago pa iyan. Aja! :p
July 20, 2010 at 8:05 am
wow, thanks-thanks manileng-leng. nakakataba ng puso! at malamang makaka-straight ng hair at makakapag-brace ng ngipin. nyahahaha!
August 2, 2010 at 7:52 am
Believe talaga ko sau Jane pagdating sa business.. Two thumns up for this!
Good luck and more power sa inyo ng Kuya mo!
Sa next anniversary, ako ang mag-cut ng ribbon ah?!
August 2, 2010 at 8:30 am
salamat Pao!
oo naman imbitado ko kayo sa next business ko. yung akin na. bale longganisa ika-cut nyo talaga yun isa-isa. wahahaha
September 2, 2010 at 8:14 am
congrats!
September 2, 2010 at 8:53 am
salamat noona!