MY CHRISTMAS WISH THIS YEAR:


Isa sa na-realize ko ngayon taon ay ang significant ng people skills at pagiging sociable. Kung malawak ang iyong koneksyon at mayroon kang constant communication sa mas marami at iba’t ibang klase ng tao, mas mapagyayaman mo ang iyong sarili.

Nung maisip ko na kailangan ko ng sideline business naisip ko rin na hindi sapat ang limitado kong set of friends at mga kamag-anakan. Dapat ay mag-promote ako, maging approachable and reachable sa lahat. Aaminin ko na kung dati ang tagal ko mag-reply sa mga text messages o email at madalang rin ako mag-access sa mga social networking sites like Facebook, Instagramm, and Twitter nabago na  lahat ‘yan.  Ngayon, kung puwedeng 24/7 nasa tabi ko ang mobile phone ko at madali akong makapag-Internet ay dapat gawin.  Dyahe kong palagi kong sabihin na “sorry po ha, nag-hang ‘yong cellphone ko!” o “naku pasensya na po ang bagal kasi ng PC namin.” Ang point din kasi ay wala pa akong pamalit sa cp at pc ko.

Samantala, iba naman ang style ng politics sa business. Nung naranasan ko ulit ang mangampanya dati sa baranggay election, nasabi ko ang laki pala talaga ng nagagawa ng teknolohiya ngayon. Literally, nag-campaign ako through Facebook. Nakakatuwa ‘yong feedback kasi even ‘yong friend ng candidate ko na nasa abroad ay nagbibigay ng comment at nagpi-pledge ng tulong. Pero, iyon nga hindi na rin ako makapag-update kaagad at magtuloy sa aking online campaign dahil abala ka naman sa pamimigay ng fliers at pagkakabit ng tarpaulin sa daan.

Speaking of daan,  malaking abala sa oras at budget kapag naliligaw ka sa iyong appointment. Madaling sabihin o i-text ‘yong location pero iba pa rin talaga kong may map, nami-mention ang landmarks at posibleng daanan. Sa totoo lang, ang hirap ng naliligaw at may kasama ka ring naliligaw.

Kaya naman nung nalaman ko ‘yong about sa Nokia C7 at ang mga features nito, wini-wish ko rin na sana magkaroon din ako nito. It will help me, hindi lamang to promote something but also to connect sa iba’t ibang tao. I’m happy na nung nagsimula ako na maging open sa lahat at tanggapin yung tulong ng technology, mas marami akong nakikilala, nakakausap, natutulungan at higit sa lahat natututuhan. So, “do I want a Nokia C7 for Christmas?” Absolutely, Yes!!!!!!!!!!!!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

19 thoughts on “MY CHRISTMAS WISH THIS YEAR: