Isa lamang sa dream destinations ko noon o ikino-consider na places to visit in the Philippines ang Boracay. Kahit natagalan at kahit napagastos din naman ( nilibre ako ni kaibigang Cherime), masaya ako dahil natupad! Naalala ko tuloy iyong agam-agam ng barkada naming si Maya na magastos ang mag-travel. Sagot? Iba ang maihahatid ng travel experience especially if you see Mother Nature‘s beauty. Sa Bora, hindi lamang pagtanaw at pagtatampisaw sa tubig ang puwedeng gawin mayroon ding iba’t ibang water activities na kahit hindi ka marunong mag-swimming ay mai-enjoy mo ang mag-beach.
Palawan vs Boracay
Natanong din ako ni Maya kung ano ang pinagkaiba at kung alin ang mas maganda, Palawan o Boracay? Mahirap paghambingin dahil may kani-kaniya mga ganda ang mga ito, at rekomendado ko na puntahan pareho. Subalit kung beach buddy ka talaga ay maiisip mo ang mag- Boracay agad. Pero huwag mo nating kaligtaan na sa Palawan ay may Coron at El Nido ( hindi ko pa napuntahan) na magaganda rin naman.
Subalit tama nga na naiiba ang buhangin sa Bora dahil pino at puti ito. May puti rin akong nakitang buhanginan sa isang isla sa Honda Bay, pero itong sikat na isla sa Aklan ay mas pino pa sa detergent powder. Hindi mo iaalintana na nakapaa ka lang na naglalakad sa pampang sa umaaga at gabi dahil parang mina-massage or exfoliate nito ang iyong dead skin sa talampakan.
Kung dito sa Maynila at ibang karatig probinsya ay milya –milya ang edge ng Bora. Noong nakapag- snorkeling kami ( kasama na sa package ng boat ride na Php 2300 , puwera sa snorkel na Php 20) ay nakita ko ang ganda ng ilalim ng dagat dito. Parang ang babait ng mga isda dahil napapakain mo sila pero hindi ka nila kinakain. Hohoho! Bukod pa roon ang kariktan ng corals na kung magaling lang akong sumisid ay gusto kong i-touch-touch ala iPad.
Pero ang isa sa pinakanagpa-wow sa akin ay ang Crystal Cove na akala ko ay so-so lang noong una. Para kang napadpad sa kaharian ni Poseidon o hangout nina Dyesebel. Ang pinakagusto kong part dito ay iyong underground cave ( kung tama ang term ko) kung saan parang may altar at pumapasok ang alon ng tubig. Maalat din ang tubig doon, chuz! Maliit lang iyong area pero para sa akin, ay mas Amazing and Spectacular pa kay Spider-Man. Sunod doon sa underground cave ay yung pagdaan namin sa gilid ng cove na ang saraaaaappp magpa-pictorial at mag-shoot ng music video ng Ocean Deep o My Heart Will Go On.
Water activities, Expenses, and warnings
Bukod sa snorkeling ay marami pang mapagpipiliang ang mga sabik sa water activities gaya ng parasailing, diving, banana boat riding, helmet diving, at iba pa. Siyempre maganda rin ang island hopping pero ‘di ko alam kung katulad nito iyong sa Honda Bay na literally na may iba’t ibang mapupuntahan na isla sa paligid. Pero sa pagkakaalala ko ay may tinatawag sila na Crocodile Island sa Bora at maipapakita sa boat ride ang resort nina Manny Pacquiao at Mikee Cojuangco.
Pagdating sa pagkuha ng boat ride para sa island hopping, yung nakuha namin ( Jeriel of Dream Spot – +63 9093582764) ay mahal pero tapat. May iba kasi na nagbibigay ng mas mababa pero mahirap kasi baka gulatin ka sa singilin kung kailan nasa laot na kayo. Basta dapat ay dadallhin kayo ng makakausap n’yo sa pinakatanggapan para sa lahat ng water activities, papirmahin kayo ng form, bibigyan kayo ng resibo at ipapaliwanag sa inyo ng bangkero kung ano ang dapat ninyong i-expect. Pag sinabing may sirena, syokoy o makakapag-selfie kayo kay Aquaman wag kayo maniwala hehehe.
Mabuti na yung alam n’yo na kaagad kaysa magtaka kayo na kung anu-anong babayaran. Sa Crystal Cove ay Php 200 ang entrance at sa helmet diving ay Php 800. Iba rin ang rate para sa iba pang activities, kung afford naman ay i-grab na. By the way, don’t forget to bring waterproof bag sa inyong camera. Yung nabili ko ay Php 50 sa kakatawad ko pero ganun din kasi yung nabili ko dati for my snorkeling adventure sa Palawan. Pero usually unang alok nila ay Php 100, puwede namang tumawad pero ang pinakamahalaga ay quality ng bag. Baka nga makamura, ‘di naman pala okay. Result? Sirang camera at sayang picture taking under the sea.
Between bathing suit or bikini, mas gusto ko ang naka-rash guard kasi sporty at takip kamot dahil mas protected ka. At ang hindi mo dapat kalimutan sa pagpunta sa Bora ay pagbabawal ng pag-uwi ng buhangin. Better bumili na lang ng souvenir item na mayroon nito.
Places to Visit in the Philippines? Definitely, Boracay (read my Boracay story part 1) is part of the list.
Pingback: Business Lesson: Bakit Emergency Fund Muna Bago ang Investment? - aspectos de hitokiriHOSHI
Thank you for choosing Dream Spot Travel & Tours services and be mentioned in your blogs for Boracay Traveler’s reference.
Hope you can visit us again here soon.
From Group of Tour Guides & Tour Operators: Maraming Salamat Po!