Starting Strong: Paano Magtagumpay sa Iyong Bagong Trabaho


Maraming mase-search tungkol sa paghahanap ng trabaho at pagre-resign sa work. Pero mahalaga rin tingnan ang simula at itatakbo ng iyong work-life mula pa sa start date. Paano nga ba magtagumpay sa iyong bagong trabaho?

Mga Dapat Mong Malaman Bago Mag-umpisa sa Trabaho

Kuha ko sa first day ko sa dati kong bagong workplace (“,)

Halos lahat naman ng nagsisimula sa work ay looking forward sa magagandang bagay na mararanasan sa bagong kompanya. Ilan d’yan ay career growth, kumita nang mas mataas na sahod, magkakaroon ng job satisfaction o magtagumpay sa iyong bagong trabaho. Pero gaya ng ibang paglalakbay, may mga dapat gawin at pagdaanan para maabot ang mga ito. 

  • Inaasahan na kapag nag-apply ka sa isang trabaho ay inintindi mo ang job post, nag-research ka sa company, at sinasabi mo ang totoong saloobin mo sa job interview at desidido ka sa iyong application. Or else you are wasting your time and the hiring company’s resources. 
  • Sa buong tanan ng hiring process ay naanalisa mo na kung green or red flag for you ang company. Kinikilatis mo bilang applicant ang company/ boss at nakilatis ka rin nila.  

Bagaman may pangangailangan kaya naghahanap ang trabaho, option ang mag-withdraw sa job application kung may mahalagang isyu kang nakikita aplikante. But PLEASE don’t wait sa moment na kung kailan hired o nakapagsimula ka na sa work saka ka talaga mag-iisip kung ano ba talaga ang trip. Give yourself, the hiring company and the other deserving applicants a favor. As someone na naka-experience na rin sa hiring side, nakakalungkot na mag-reject ng applicants na okay sa job kung di lang kailangan pumili ng isa o iilan lang. Then, yung pinili mo para sa bagong trabaho ay indecisive pala or quitter all along. Iyong tipong one to two assignments, quit na. Never did this as an employee. Kapag nag-apply kasi ako sa isang work 

  • Binabasa at ini-interpret ko ang job ad – For example, sa sobrang haba, detalye, at bibigay ng words ay parang ang demanding na, Kung sobrang ikli at pa-sweet ang promises pwedeng parang it’s too good to be true. Kung kinopya lang copy, bakit?
  • Binabasa ko rin ang laman ng website at social media ng kompanya– It is also my advice sa lahat ng applicants. Doon mo kasi makukuha kung okay ba ang company culture, may superb and stable business concept, clear vision and mission ang nagha-hire. These of course sa kung ano ang services or products nila and kung may good or bad reviews. It’s off for me as an applicant or hiring officer na mabasa ang mga questions na gaya ng what is (company name)? OR anong meron sa inyo? UTANG NA LOOB, it’s your job to research to about the company—its profile and history. Kung mahirap intindihin, at least read and ask during interview what is not clear. Ideally, itinuro ito sa school before you agraduate, but just in case hindi sa iba, pinapayo ko na don’t ever ask these questions and come prepared for the interview.

5 Gabay sa Para Magtagumpay sa Bagong trabaho

Ang best move para malaman kung match at magtatagumpay ka sa company ay kapag nag-start kang magtrabaho at magtagal ng ilang buwan. Para ‘yang relasyon ng dalawang taong nagkasundong magsama. Sabi nga nang matatanda, makilala mo lang ang isang tao/ iyong mapapangasawa kapag nagsama na kayo sa iisang bahay.

Kasi ano nga ba talaga mapagtatanto mo sa bago mong trabaho a day before, sa actual first day mo o sa mga first few assignments na matatanggap mo rito? How sure you are na hindi kayo magiging successful if you give up sa unang araw, linggo, buwan kapag mahirapan ka na? At klaro ba sa iyo kung ano ang ibig sabihin sa iyo ng tagumpay sa trabaho? Maraming factor o sign para masabi iyon, ang isa ay kapag tumagal ka na. For me, at least 3-5 years and it’s up to you kung trip mo lang mag-resign. Pero wala namang problema talaga sa pag-stay mo sa company.

Here are 5 Crucial Steps for Thriving in Your New Job o ang aking 5 payo para magtagumpay sa iyong bagong trabaho.

  1. Be your company asset. Look forward to the new experience and set of skills na makukuha mo sa iyong bagong trabaho.

Masasabi ko na kahit iisang line of work ang ginagawa ko for years, parati pa ring may bago at ibang matutuhan sa bawat company na pinasukan ko. The reality ay may mahihirap pero rewarding at may madadali pero may catch na trabaho. Nothing comes perfect, but all offer benefits. Sometimes, though, you just need to appreciate or see the bright side of things. 

Patalastas

Kapag pumasok ako sa isang new company ay nakakondisyin na ako na nandoon ako para tulungan kami—they will help me to achieve my goals and I will contribute something valuable to their mission. Together we gonna make successful business. I should be humble na marami pa akong matutuhan kahit ano pa ang lawak na ng experience ko. You can call it abundance mindset or beginner’s mindset.

Hindi ko inisip kung magtatagal ba ako o hindi. Doon muna tayo sa basic. Paaano ka magagawang mabuti ang trabaho. Ultimately, paano ba ako magiging good invesment or asset for the company. I try to think beyond salary that I will earn, which should be negotiated during the final interview. Saka siempre magandang isipin to have a good company (mentors, leaders, new set of colleagues, and exciting experience)? 

  • One sign of career success—building your self-confidence. Lahat ng nagustuhan, inayawan, natutuhan, o naranasan ko sa mga naging trabaho ko ay nakatulong to build my confidence. Iba rin pala kapag experienced ka na— may sense of expertise to do something and you know mayroon ka pang matutuhan at ile-level up pa. Parang mahirap din tibagin ‘yong self-made confidence o tiwala sa sarili kahit ilang beses ka pang makaranas ng rejection, criticism or down days kapag ganun.

  1. Remember na may tinatawag na adjustment period

Ang mindset ko sa bawat new work ay 3-6 months saka ako magde-decide na umalis, kung ayaw ko na. Tandaan na ang bawat company ay may sistema na (whether that is good or bad and solid or vulnerable) at business leader(s) dito ay may management style. Ikaw ang mag-adjust at tingnan kung paano kayo magma-match.  

Sa 1-3 months adjustment period ay gagawin ko ang lahat para matututo. Sa 4-6 months ay maging competent sa trabaho. So, open ako na

  • mag-over time,
  • ma-stress sa training lalo na tungkol sa technologies/ tools (knowing din na ‘di ako techy talaga), procedure at management style ng supervisor/ manager/ boss
  • kilalanin ang mga mga kasama ko sa work
  • at iba pang bagay lalo na sa first few months.

Siempre may kasama na pakitang gilas, pero generally kasi mas madaling mas pagaangin ang iyong bagong trabaho kung alam mo na ang basic at pasikot-sikot.

If worst case scenario, I realize mas better mag-resign na lang ako after my 3-6 adjustment period. Panghahawakan ko ang mga idea, experience, at new skills na nakuha ko sa company. 

  1. Stop comparing! Don’t expect na pareho sa dati o mas madali agad ang mga process/ system

Naiintindihan ko ang struggle ng iba pero (real talk lang) medyo nakakarindi ang paulit-ulit na mga linyang “sa dati kong work…” “ganito ginagawa ko sa last job ko…”  Plainly, reklamador pakinggan at oo napagdaanan ko rin maging ganun.

If you resign from your old job for whatever reason na may kinalaman sa change, dapat it’s a welcome challenge ang naiibang system/ management sa bago mong trabaho. Comparing your old or new job/role makes no sense. What you can do is be open kung ano meron at i-welcome ang iyong bagong environment.

  • Another sign of career success is to expand your horizons. May isa akong naging trabaho, unang araw pa lang gusto ko nang mag-resign. Naipalawanag naman sa akin ‘yong expectations (o di ko inintindi nung una). Napagtanto ko na lang sa first day na “ang hirap pala ng trabahong ito!” Tumuloy pa rin ako.

Up to this day, masasabi ko na isa ‘yon sa pinaka-challenging job na naranasan ko. But I am glad I applied to that company and stayed there for a while. It brought life-changing professional and personal growth, including yung idea ng importance of time and freelancing. If I didn’t make it, ay baka hindi rin fulfill ang desire ko na growth and career expansion—which I still do enjoy and use up to this day. So hindi na lang iisang line of work ang kaya kong gawin at kaya ko nang mag-take ng leadership role.

Offices sa Shenzen, China

  1. I-enjoy ang pakikipag-collaborate at samahan sa iyong mga bagong kasama sa work. 

Gaya nabanggit ko sa post ko tungkol sa nami-miss ko office-based job, miss ko ang simpleng kwentuhan at tulong na nakukuha ko sa mga kasama ko sa work. Malaking tulong sa mga stressful, boring at challenging days sa work. 

  • Another sign of career success is established a strong network. Isang mahalagang punto para magtagumpay sa iyong bagong trabaho ay mag-build ka nang malawak at solidong work connection. In case you don’t realize, business/ work network is a superpower! Ang hirap sa iba to socialize which understandble pero it will help na huwag piliing maging lonely planet. Hindi mo naman kailangan maging miss/mister friendship sa lahat, pero learn to communicate, collaborate, at at makisama.

May mga nagsasabi na huwag kang makikipagkaibigan sa iyong mga katrabaho kasi baka traydorin ka. Para sa akin, ang negatibo nang ganung ideya at pinakikitid o pahihirapan lang iyong pagtatrabaho. Ang maipapayo ko ay maging klaro sa iyo kung ano work at personal relationship. Hindi lahat ng pribadong bagay ay kailangan mong sabihin. Hindi rin kailangan na lahat ng personal trait mo ay itutulad mo sa mga kasama mo. Halimbawa, napaka-open ko sa pagsasabing kuripot, boyish (not fashionista) type, komikera, pero strict sa deadline. Mabuti ring tingnan at i-handle mo kung sino ang work energy vampires sa iyong bagong trabaho. Overall masaya na may kasama sa work at yon ang talaga ang tinatawag na work enviroment.

  1. Iwasan ang job hopping or maging job hopper for no sensible reasons  

Nauunawaan ko na may ilan na job hopper at may dahilan bakit nagpapalipat-lipat ng kompanya. Pero hindi ko gagawin ‘yon dahil lamang nahirapan ako sa isang araw, isang linggo at isang buwan sa work. I believe ang isang way para masabing magtagumpay ka sa iyong bagong trabaho ay oo magtagal ka muna rito. Para sa akin husto na ang 3-5 taon kung wala ka nang makitang growth, mabagal o di tumataas ang sahod, etc (check my 5 signs kung need mo na mag-resign)

Hoshi, paano kung di na ako masaya sa new job ko?

Hoshi, paano kung parang walang asenso sa bago kong trabaho? 

Una ang idea ng kasiyahan at tagumpay sa bagong trabaho ay subjective. These things can be blinding because they are hard to define and cannot be achieved overnight. Above all, most people tend to conform to the idea of happiness and success externally. 

What do you expect from one week or month? It takes time and a long process to succeed. I bet some can taste it agad… but not overnight and without a humble and grateful heart.

Practically, hindi rin maganda sa resume na maglagay ng trabaho na less than 6 months. Kapag ganoon ay pwede kang ma-tag na job hopper, which can be a good but generally bad thing sa Asian lalo na sa Filipino employers/ companies. May nakikita akong highly recommended ang job hopping. While I see na may benefits din, but frequent and super quick job changes is a red flag.

Conclusion:

Embrace ang posibleng magagandang bagay na puwede mong maranasan. Starting stong with a positive mindset and actions ang surefire steps para magtagumpay sa iyong bagong trabaho! Mabuhay at God bless!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.