Isang nakakatawang karanasan sa akin na mag-field trip ako sa Quezon Memorial Circle noong grade 2 ako. Bakit nakakatawa? Eh isang sakay lang naman sa amin yun. Pero yun na rin yung first and last kong pagpasok doon sa pagkataas-taas na tore sa gitna ng circle kung saan nakalagak ang mga labi ni Dating Pangulong Manuel L. Quezon.
Noong Lunes sumama ako ulit na magpunta sa Circle. Ang tagal na rin kasi noong huli akong magpunta dito, siguro mga 2 taon. Nagulat lang ako na nasa iba at mas maliit na lugar na ang pang-aerobics. Ang maganda lang ay libre pa naman pala. Dahil doon ay nagtaka ako kung ano na ang meron dun sa dating pinagdadausan nito. Dati kasi ay doon ito ginagawa sa pinakagitnang circle sa Circle na isang malawak na stage.
salamat hoshi!
isa pa palang tanong. san banda ba yung mga nag e-aero? balak ko kasing pumunta kaya lang baka tapos na sila e hindi ko pa sila nahahanap. ^_^
tungkol sa nick mo, ang ganda. kilala ko kasi yung mga characters na yun. fan din kasi ako.
mabuhay tayong lahat!
kung alam mo yung may Shalom dun yun sa umaga. kung ang pasok mo ay mula sa underpass mula sa Philcoa/ PCA (Phil. Coconut Authority) kakaliwa ka. yung matutumbok mo na nakabakod na compound sa likod ng mga palaruan na may libro.
kung galing ka naman ng cityhall underpass. tumbukin mo yung daan patungo dun sa mga nagtitinda ng pagkain mostly mga buko products. makikita mo na rin yung sinasabi kong mga palaruan.
mabuhay! hehehe mabuti at kilala mo sila. isa ka rin pa lang animeniac. hehehe
tanong ko lang po kung meron pang free aerobics or taebo sa qc circle ngayon? kung meron po may idea po ba kayo kung ano ang sched nila? salamat po ng marami!
hi jaedae and welcome sa Hoshilandia!
yes may idea ako.
aerobics –
fee: P20
days: (martes, miyerkules, sabado at linggo)
time: 6am
taebo- P20
days: ( lagi raw bukas ‘yon)
time: 6am
mabuhay at salamat sa pagbisita!
NoyNoy aquino will be our symbol for our hope that the Philippines will someday be a better country.:’-
Yes maybe.
what we can do is to do our part and follow his leadership.
mabuhay and welcome in Hoshilandia!
Maswerte ang QC at may ganitong klase. City of Stars talaga. :p
tamaaahhhh!
alam mo
hindi pa ako napapadpad dyan
ah kaya pala! ano nga ulit timbang mo? nyhahahha
peace!
sa underpass maganda kasi konte lang tao
tama ka tito at ang maganda ngayon doon ay maraming naka-display na lumang pictures.
syempre baket di mo ko sinama sinong magbabantay sayO! hahahahaha
oo nga hindi na kita nasama Tito, sorry po!
pero huwag na po kayo magalit kasi kasama ko naman po si manang Juling.
nyahahaha
mabuhay!
Malapit lang den ako sa QC sirkol at dati after ng work eh pumupunta kame don para tumambay. Ang jologs ng tambayan namen noh? Haha. Nakakaaliw kase umupo don dahil anlawak, tapos nakakatawa panuorin yung mga nag eexercise saka nagtatatakbo. Balak den namen mag bike don kaso di ako marunong mag bike.
Pero nung huling punta namen hindi pa ganyan ang fountain, as in ginagawa pa sya, with karpintero sa gitna. Ganyan na pala.
oo ganyan na. actually noong monday ay medyo may ginagawa pa rin at may mga area pa rin na bawal pa lakaran. at wala pang tubig yung fountain. baka sa inauguration na magkatubig. tsk-tsk.
haha salamat naman hoshi.. yan may link na ako dito.. hehe.. ewan ko baka hanapin din ng mga ka blogs ko ang links nila sa site ko hehe
oo tingin ko rin, heheh.
minsan nagtse-tsek dun ako lalo na kapag matagal na hindi nagpaparamdam yung ka-blog ko.
tas titingnan ko kung tama ba yung pagkaka-link sa akin. eh ako pa naman nakabatay sa link ang pagbisita sa ibang blog.
haha naku delikado pala.. tignan mo na lang ulit ang directory ko.. siguradong nandun lagi ang mga pangalan mo.. dami ko pa namang naburang mga links hehe
sige under surveillance ang blog mo sa akin. hahaha
titingnan ko kung papasa Hoshilandia standard. joke-joke!
haha. galing naman.. hoshilandia standard,..ok sige..
ang blog ko ay PR2 at may alexa ranking na 593,689
at backlinks na 1,463 … wala rin akong blogroll kaya sarili ko ang PR ko… hehe
mabuhay!
wow ang taas ng alexa ranking mo! ako pinakamataas na ata ay 7 million plus. eh mula nung magkaproblema itong site ko bumaba na ng bumaba pa. pero at least PR 2 rin ako. haha
Pero ang Hoshilandia standard ay nakabatay sa content ng blog, sa attitude ng blogger, dalas ng pagbisita at quality ng comment. oha-oha! hehehe
pero binigyan mo ako ng idea ha! maidagdag na nga sa criteria for judging. wahahah
mabuhay!
haha .. at ano namang idea ang nakuha mo sa akin ? hehe..
naku baka mamaya hoshi may PR requirement ka na sa mga commentators mo.. hehe
tungkol nga pala sa alexa ranking.. tataas pa yan pag i ping at digg mo ang mga articles mo… ako di ko na masyadong nagagawa ang ganyan.. hehe…
ah iyon ba ang lihim doon sa alexa. sige nga susundin ko yang payo mo.
naku hindi ko gagawin yun requirement na yun. mas gusto ko ang mas maraming makakuwentuhan na pure kwentuhan lang at palitan ng info. kahit sino. pag ginawa ko yun para akong nagdi-discriminate at baka langawin itong Hoshilandia. hehehe. saka isa lang naman akong sa mga abang bloggers. bawal mag-inarte. hehehhe.
ang nakuha ko sa iyo ay magpupunta sa mga matataas ang PR na site para makapuntos. at kapag okay sa kanila makipaglitan ng link. kung ayaw nila, eddie huwag.marami naman siguro kagaya ni Orville hihihi
aerobics. hmm, aba. maganda yan.
anu yun?
😆
hahaha
pamahid yan sa likod at mga kasu-kasuan na super active ang effect. sisterhood yan ng vicks. tienes!
mabuhay!
ang ganda namang ng circle.. ako gusto ko ring gawin ang ganyan ang mag aerobics pero wala akong time.. hehe.. sa umaga marami akong mga inaasikasong bagay pagkagising kaya wala talaga although talagang maganda..at isa pa dito sa amin wla namang park na tamabayang may ganyan.
ginagawa ko lang po ang mag-aerobics pag sinipag ako. kasi every Saturday and Sunday talaga siya iyon nga lang super aga for me.
puwede naman po kayong mag-aero kahit sa bahay nyo lang. iyon nga lang baka hindi kayo masyado ma-motivate. depende sa inyong trip.
mabuhay!
haha alam mo hoshi.. gusto ko ang nick mo.. “hoshi” ala lang.. ang sarap bigkasin…
hehe at ung nick mo ay pangalan ng masayahing tao..
wow at isa pa dito ko sayo na aaply ang word na “mabuhay”
naalala ko kasi noong elementary ko pa huling nasabi yan kasi required doon sa school namin.
niwie.. lagi kong visit tong blog mo.. very active ako sa blogging noon pero bglang nag lie low heto nagbabalik ulit para makipagkulitan at kung anu ano pa,,
hehe
mabuhay!
salamat-salamat at nagustuhan mo ang nickname ko. buti na lang pala pinaikli ko na ang name ko hehehe. (sa bagay daming nabubulol sa kaka-type hehehe)
oo mabuhay lang tayo ng mabuhay! para go go go Philippines ang drama kahit sa simpleng pagbati man lang. hahaha! pero actually hindi ko na maalala kung kailan at saan ko pa kinuha ang pagbati na ganyan. natutuwa lan din ako na maraming natutuwa sa akin pag binabati ko sila ng ganyan.
sa ibang banda, buti naman at nagbabalik ka na s blogging at least may bago na akong makakakuwentuhan palagi. lagi ka lang bibisita dito para laging may…
Mabuhay!
hehe ok sige ..at oo nga pala ano ang totoo mong name.. at konting explanation nga tungkol sa nick mo na hoshi..
hehe
mabuhay din!
hmmm napaisip daw ako kung ibibigay ko daw ang real name ko. hehehe
ang ibig sabihin ng Hoshi sa salitang Hapon ay star. nakuha ko ito sa isa kong crush na si Hotohori (from anime series Fushigi Yuugi). ang Hoshi ay ang kanyang tanda bilang tagapagtanggol. pero pinili kong lagyan ito ng iba pang character ang “Hitokiri.” ang Hitokiri sa salitang hapon ay Slasher o Slayer. nakuha ko naman ito sa isa pang favorite anime character ko na si Kenshin Himura aka Hitokiri Batousai. so my web name in English is Slasher Star.
by the way, my first name is MJ
wow thanks.. may reel name ka pala.. tama ba ako? o cyber name? ewan di ko alam ang tawag pag sa online eh.. pero ok ah.. ako talagang lantad na lantad ang pangalan ko.. hehe by the way tungkol nga pala sa link exchange … ok lang sa akin yun kaya lang hoshi inalis ko na ang blogroll ko for the sake of the widgets na nagagamit ko for special purposes.. ang meron ako sa site ko ay directory…. i will put you in my directory na lang.. it’s ok for me na wag mo na lang ilagay sa blogroll hehe.. pero kung gusto mo ok lang… i will put im my directory those blogs that i want to visit.. kalalagay ko lang kasi noong isang araw kaya konti pa lang ang nakalagay.. dont worry naka “do follow” naman ang site ko.. hehe
mabuhay! hoshi hoshi!
okay lang hindi ko pa rin tatanggalin sa blogroll ko ang name mo. medyo mahina-hina ako sa mga technical and pagtanda ng mga kabagayan. kaya ok na rin dyan.
yeah gumagamit ako ng ibang name sa halos lahat ng pinagagagawa ko. bukod sa trip, gusto ko lang protektahan ang aking real life. wahahah (may ganun!?) pero ano man ang isinusulat ko ay totoo. sa pangalan lang nagkakatalo.