Nasa tao ang gawa, nasa kalikasan ang gantimpala


Note: Ang  mga tulang tungkol sa kalikasan na ito ay aking inalahok at naging grand fiinalist Saranggola Blog Awards 2010.

saranggola blog awards 2010

Tulang tungkol sa kalikasan 1: Gumigilid-gilid, sumisirit

I

Binili akong maganda ang postura.

Kahali-halina sa kanyang  mga mata,

Pero pagkatapos gamitin ako’y dinispatsa.

II

Siguro nga itinadhana akong ganito

Patalastas

Kaso sana inayos niya ako

Hindi iyong ipinatong sa bato.

Notebook

III

Tuloy ako’y inilipad ng hangin

Ipinadpad doon sa malayong bangin

Pinagtripan ng mga insektong gutumin.

IV

Mabuti na lang may paraan

Makakaganti ako sa kanyang kasamaan

Pagka’t heto na ang ulan.

V

Buhos ng tubig ay malakas

Madali akong makawala at makaalpas

Ilalakad ng baha sa wakas

VI

Malaki ang tyansa na makabalik

Maabutan ko kaya siyang naghihilik

Habang ako’y paparating na humahagikgik

VII

Pero  alam mo ang nangyari?

Kaming mga basura ay naghari

Sinira namin kanyang mga pag-aari

VIII

Habang kami’y gumigili-gilid at sumisirit-sirit

Tahanan niya’y unti-unting nang tumitirik

Siya ngayon ay napakatindi ng hinanakit.

———————————————————————–


Tulang tungkol sa kapaligiran 2: Lumipad na sila palayo

I

Noon sa pagtilaok ng manok nagigising ang mga tao

Pero ngayon dumedepende na lang sa alarm ng relo.

Nasan na nga ba ang mga manok ni Manong

Nagkandamatay na ba sa pakikipagsabong?

II

Bibihira na nga rin pala akong makarinig ng huni ng ibon

Ito ba’y dahil sa wala ng mga kalapating nagtitipon?

Natirador na ba ang mga mayang dumadapo sa mga kable?

O masyado lang akong abala at ‘di ko alam sa’n sila nagkukubli.

Philippine Eagle

III

Pero alam mo ang talagang kapansin-pansin at hinahanap ko?

Ang makakita nang paglipad-lipad sa hardin  ng mga paro-paro .

Ang humabol sa mga tutubing paligi-ligid  sa damuhan.

At ang  maghanap ng tipaklong, salaginto’t salagubang.

IV

Oo alam ko na ang pagkawala nila ay hindi na dapat tinatanong.

Dahil bago ang tanong ay sumasambulat na sa akin ang sagot.

Sa ingay at dumi ng paligid, lilipad na nga sila palayo.

Doon sa tahimik, malinis at hindi nila kailangang magtago.

baguio09 154

—————————————————————-


Tulang tungkol sa environment 3: Magpakatao ‘di ba?

I

Ang tao ay sadyang mapaghanap

Pero puno naman ng pagpapanggap

Dami-daming impormasyong kinakalap

Akala mo talagang nagbibigay-lingap

II

Sikapin nating simulan ang kalinisan

Para sa sarili at sa’ting pinapahalagahan

Hindi ‘yong kalikasan ay pinapabayaan

Dahil sa kasakiman o katamaran.

III

Ano ba naman ang mag-recycle

Itapong mabuti balat ng popsicle

Imbes na magkotse ay mag-bicycle

Nakabawas pa sa tabang mapipisil.

IV

Huwag kang umasang kapaligira’y maganda

Kung puro ka lamang salita

At simpleng bagay ‘di magawa

Magpakatao dapat tayo ‘di ba?!

Eco-friendly campaign
Eco-friendly campaign


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

35 thoughts on “Nasa tao ang gawa, nasa kalikasan ang gantimpala