Movie Review: RPG Metanoia…astig!


Noong pinanood ang RPG Metanoia ay isa ito sa pitong kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at sa mga naka-showing na rin na foreign films gaya ng Guillerver’s Travel (Jack Black) at The Tourist (Johnny Depp at Angelina Jolie). Na-excite ako kasi ito ay ang first Philippine full-length CG-animated feature film in 3D, which produced by Ambient Media, Thaumatrope Animation, at Star Cinema.

RPG Metanoia
Poster sa sinehan

Tama ang sabi sa akin na maipagmamalaki ang Pinoy Animation na ito dahil…

  1. May istorya – puno ng action pero napagsasabay nito ang values ng mga kabataang Pinoy noon at ngayon. Akala ko rin maguguluhan ako sa takbo ng istorya. May something kasi rito na pinag-combine ang mga concepts pero na-gets ko naman. Maayos ang pagkakatahi-tahi ng mga pangyayari. Kahit na yung pag-solve sa malaking problem na simpleng pag-hang ng PC lang pala ang katapat.
  2. Bumabanat ang musical score –Aminin man ng iba o hindi sa sinehan, napakanta sila ng nung narinig nila Ang Bawat Bata sa Mundo ay may K…
  3. Umeeksena ang mga boses –Naglalaro sa isipan ko paanong naging mag-asawa sina Eugene Domingo at Aga Muhlach o seryosong kawawang tao si Vhong Navarro, at pilyong bata si Zaijian Jaranila. Pero quever, lapat na lapat ang boses nila sa mga animation character nila.
  4. Nakakatawa na nakakatuwa na yung setting ay nagpapakita ng mga kilalang Pinoy items gaya ng mga Larong Pinoy (patintero, tumbang preso, at piko); daing at itlog maalat,tricycle, sari-sari store at iba pa. Nakakamangha na nakaka-relate ka sa animation na sanay na sanay kang pang Japanese at American na madalas ang mga makikita mo sa background.
  5. Syempre, Astig ang animation! As in!

Congratulations sa mga taong nasa likod ng RPG Metanoia!

 

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

22 thoughts on “Movie Review: RPG Metanoia…astig!

  • JC Jane

    Filipino are the most talented person in the world. At very minimal resources they can make differences, they can compete, and challenge the world.

  • arkhut

    solb na solb sya boss! galing galing. 🙂
    catchy na catchy yung kanta.

    at yung linya na..

    “isang bagay na nga lang ang alam mong gawin eh, di mo pa ba gagalingan?” which is nakakarelate ako.

    • Hitokirihoshi Post author

      tama gusto ko nga yang linya na yan! at maganda yung suggestion nung pelikula sa mga bata na i-try yung mga larong pinoy.

      pero alam mo ang tumatak sa aking linya?

      “sino gumawa ng kahayupan na yan sa’yo anak” hehehe

  • shea

    di ko pa napapanood yan. Ayaw kasi ni kyla manood ng sine nung pasko. kami pa man din ang nagbukas ng sm sa lugar namin. nyahaha.

    • Hitokirihoshi Post author

      aba si kyla pa ang umayaw. mabuti na rin yun in a way, iwas gastos di ba? hehehe

      kaya lang sayang maganda pa naman manood ng sine pag maaga. hehehehe!

      sana mapanood ninyong dalawa kapupulutan nya ng aral yun.

  • MyPhotographics

    first time kong makita ang preview at musical score nito sa isang show organized by AmbientMedia which showcase all their upcoming shows last July 2010. Dun pa lang amazed na ako pero unfortunately ndi ko pa ito napapanood. Nice brief review! 😉

  • Tim

    Pang-ilan ka na sa nagsabing maganda yung RPG: Metanoia. sayang, dapat manonood ako sa Tarlac ng MMFF, pero walang showing eh. Tanging Ina, Enteng Kabisote at Dalaw lang ang pinapalabas.

  • Vajarl

    Dati ko pa to gusto mapanood, kase nagulat ako na marunong ng gumawa ng tunay na animation ang mga Pinoy. Na most likely eh kaya naman nilang gawin dati pa pero walang budget maglabas sa sinehan. Ayos. Sana mapanod ko na to.

    • Hitokirihoshi Post author

      sana nga mapanood at magustuhan mo vajarl.

      oo tama ka dyan, actually may ilang animation studio tay dito. mga pinoy ang nagdo-drawing at halos nagki-create ng mga animation na ginagawa sa US.

      sana nga magpatuloy pa itong gawain na ito at may magandang story.

  • duking

    wow!!!3D as in katulad nung mga foreign na 3D? yung may stereoscopic glass? proud to be pinoy.at least sa larangan ng CG entertainment,kaya na rin natin. sana dumami pa at maging malaking industry ang filipino CG movies.

    hindi ko alam yan pero dahil sa’yo…now i know!

    happy new year!

    • Hitokirihoshi Post author

      oo duking tama ka.

      hindi ito yung drawing kundi yung parang “toy story” at “up”

      basta nakakatuwa siya at nakaka-proud. na-exceed nya yung expectation ko.

      happy new year! happy birthday sa’yo at advance para sa akin hehehe

  • Pong

    gusto ko itong panoorin. sa mga lahok sa nakaraang MMFF ito ang gusto kong panoorin talaga kaso wlang sinehan dito.

    at alam ko maganda talaga ito.

    be blessed. Go Pinoy!