Visita Iglesia: Manila and Quezon City


Iti-take ko ang sabi sa akin ni Pao na basta after ng Ash Wednesday ay  puwede nang mag-Visita Iglesia. Pero ginawa na namin ng mas maaga ito para hindi na sumabay sa iba.

sto.domingo confession room

Kumpisalan sa Sto. Domingo

15 simbahan ang aming napuntahan ni photographer Syngkit. Kalahati dito ay ilang beses ko nang napuntahan at kalahati naman ay unang pagkakataon ko pa lang nabisita. Kaya naman doon sa napuntahan ko na ibang part na lang ang aking ipapakita. Pansin ko lang pagpunta namin sa ilang simbahan umuulan pero paglabas naming ang araw-araw.

1st station: Sto. Domingo Church –Manghang-mangha daw si Syngkit sa laki nito. Hindi ko pa napapasok ang ibang simbahan kaya hindi ko pa maikumpara pero naniniwala akong isa nga ito sa may mahabang lakaran patungong altar.

sto.domingo Church

2nd station: Santisimo Rosario Parish Church (U.S.T.) – ito ang unang pagkakataon na mabisita ko ito na umaga. Kaya naman parang iba sa aking paningin at pakiramdam. Saka this time may misa kaya shy pa kami kunwari habang naglilitanya ng aming dasal.

UST Church

3rd station: Our Lady of Loreto Parish– May kalakihan din ang makasaysayan din pa lang Loreto church na unang beses kong mabisita. Meron din itong pieta na nasa bandang bukana ng simbahan. Ang altar nito ay tabing na ng violet. ( Si Lady of Loreto daw ay  patron ng nasa larangan ng aviation at construction.)

Loreto Church

 

4th station: St. Anthony de Padua Church – Katabing-katabi lamang ang simbahan na ito ng Loreto church. Sarado ito nung pinuntahan namin kaya naman dun lang kami sa labas nagdasal. Dito ko rin nalaman na si St. Anthony ang everyday’s saint.

Patalastas

st. anthony de padua church

5th station – San Sebastian Church ( Basilica Minore de San Sebastian) – isa ito sa taun-taon kong bini-Vista Iglesia. Kumpara sa ibang simbahan na napasok namin, ang kaganapan sa loob ay pagpapakilala sa mga turista ng magagandang katangian at kasaysayan ng church. By the way, isa dagdag na kagandahan na napansin ko rito ay ang kanilang confession room.

San Sebastian Church

6th station: St. Jude Thaddeus Archdiocesan Shrine – palagi rin ako nandito. At ayokong kunan ang confession room kasi dito ako nag-confess noong bagong taon. Hahaha! By the way, sa mga hindi nakakaalam ito daw ang simbahan ng mga estudyante, kumukuha ng exam at may hopeless cases.

St Jude

 

 

7th station: San Miguel Church – National Shrine of St. Michael and the Archangels– Iilang pagkakataon din na maaraw pa na makapunta ako sa sadyaing simbahan na ito.  Kaya naman siguro ito ang unang pagkakataon na mapansin ko ang Rosary garden nito. Medyo maulan nung pinasok naming ang garden na ito na may mga nakalagak ding libingan sa paligid. Ang nagustuhan ko dito ay dasal bago magsindi ng kandila. Ayos, may dala akong kandila at sabi ni Syngkit may mapagkukunan akong ang apoy sa isa sa libingan. Pero inuna ko na ‘yong dasal kasi nga ‘di ba, prayer before lighting the candle. Ang siste nung sisindihan ko na ‘yong  kandila wala na yung apoy dun sa isang libingan. Rainy or Creepy?!

Statue at San Miguel Church

8th Station:  Quiapo Church (Minor Basilica of the Black Nazarene) – Kasalukuyang may misa nung pinasok namin ang super sikat na simbahan na ito. Nasita si Siyngkit, ako hindi. Kasi nung sinisita siya saka ako kumuha (hehehe). Akala ko kasi nandoon siya sa gitna kaya sya sinita ‘yon pala talagang bawal. Pero na-realize ko na baka iyon sa laki ng kamera n’ya.

Quiapo Church

9th station: Sta. Cruz Parish (built in 1619) – Lakaran ulit ang drama namin dito mula Quiapo. Maganda ang  façade nito at malinis sa paningin ng altar (minimalist).

Sta. Cruz facade

 

10th station:  Binondo Church o Minor Basilica of St. Lorenzo Ruiz (built in 1596) – first time ko sa church na ito na sa façade pa lang ay alam mo ng luma at makasaysayan. Nakakatuwa ang altar na ito na itsurang façade din ng simabahan. Mapapansin din na pinagtyagaan ang ceiling dahil sa mahuhusay na pinta.

Binondo Church

11th station: San Agustin church (1607) – ilang beses na akong nakapunta dito  pero unang beses kong napasok ang loob.  May ikinakasal nung pumasok kami kaya naman nakakahiya naman na gumawa ng eksena kahit magbabasa lang ng dasal. Kaya naman nagkasya kami sa gilid at sa malayo kumuha ng litrato. Nung time na iyon ay bawal din ang mga turista sa loob, respeto na rin sa ikinakasal.

San Agustin Church

12th station: Manila Cathedral o Cathedral-Basilica of the Immaculate Conception (constructed in 1581) – grandyosa talaga ang view nito sa labas pero okay lamang sa loob na may air condition.  Hindi pala ito kasing laki ng lakaran ng Sto. Domingo pero mapapagtanto mo rin  kung bakit ganun na lang ang paghahangad ng mga babae na rito ikakasal tulad nung naabutan namin. Hehehe!

Manila Cathedral

13th station: Ermita Shrine o Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Guia – payak na white na white ang simbahan na ito na cool para sa akin. Hindi siya ganun ka-elegante pero hindi mo rin masasabi na ordinaryo lamang. Ang nagustuhan ko pati rito ay sa lahat ng pinuntahan namin, ito ‘yong wini-welcome na ang mga nagbi-Visita Iglesia. May hinanda na kasi silang place para sa mga kagaya namin. Kaya naman, hindi na kami abala dun sa ikinakasal na naman sa loob. Nagustuhan ko rin ang itsura ng isang kumpisalan nito.

Ermita Shrine

14th station: Malate Chruch o Nuestra Señora de Remedios (built originally in the 16th century)- may ikinakasal din nung pinasok naming ang church na ito. At masasabi kong tumpak sila sa pagpili ng pagkakasalan kasi napakaganda ng view nung mag-asawa kahit kunan pa namin sila sa labas lang ng church.  Maganda ang loob at labas, dagdag pa ang info na nasa harap lang ito ng Manila bay.

Malate Church Facade

Plus station: Baclaran Church o National Shrine of Our Mother of Perpetual Help – siempre ang 14 ay masasabing sakto o sobra pa, pero dahil gusto ni Syngkit na magsimba rito ay go-go-go na ako. Sa rami ng pagkakataon na nakapunta ako rito, first time ko lang din mapadpad sa sindihan ng kandila.

Baclaran Church

Gaya ng aking sinabi sa aking status message- “to visit more than 14 churches for Visita Iglesia is to travel with faith, art, passion and friendship.

[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

33 thoughts on “Visita Iglesia: Manila and Quezon City