Commonwealth Avenue, the killer highway?


Hindi ako masasaktan kung sabihing “killer highway” ang daang ito, bakit? Totoo naman e, ever since na GAO pa ang tawag sa COA at Don Mariano Marcos pa ang Commonwealth Avenue. Nagpapasalamat ako at nanalangin na wala ni isang miembro ng pamilya ko ang napabilang o mapabilang sa mga “Namatay na dito.” Sabi ko sa iba, bawal kasi ang tatanga-tanga at kukupad-kupad sa Commonwealth.

Ayoko ng bilangin kung ilang aksidente at natigok na namataan ko habang binabagtas ito. Ang sa akin lang ay wala naman sa daan ‘yan e nasa ng mga nagpapaandar ng sasakyan at mga pasaway na nakikipagpatintero sa daan. Pero may ire-reveal ako.

Noon ay ginagawa ko rin ang ganito lalo na ‘pag inaabot na ako ng 12 ng hating gabi pataas. Iyan ay dahil sa laganap ang holdapan at mas malala ay may rape cases pa. Isang ate ko nadale dyan sa overpass malapit sa amin.  Gabi siya umuwi noon. Bigla na lang may umakbay at tumutok ng kutsilyo sa kanya. Kinuha nito ang buong bag niya. Buwiset ‘di ba?!  hindi pa nakuntento sa cellphone at pera, buong bag ang trip na ang laman ay kikay kit.

Kahit kabado at may panghihinayang, ibinigay na lang ng ate ko yung bag basta ibalik ni Mando (mandurukot) ang isang malaking lata ng gatas para sa pamangkin ko. So dahil dyan ay tumatawid ako kasi ang naiisip ko ay ‘pag sa baba ako dumaan may 50-50 kang buhay pero sa overpass 100% kang mahoholdap/masasaksak/ magagahasa.

Philcoa Foot bridge in (2009) along Commonwealth Avenue by hitokirihoshi

Buti na lang kamo ay nagising kung-sino-mang-dapat-tinamaan-dati-pa na ilawan ng bongga ang overpass na dinaraanan ko, SAFEWAY na rin siya.

Road widening sa Commonwealth Avenue.

Dati nagrereklamo ako sa palaging road widening project sa Commonwealth. Katunayan isa sa kaibigan ng Nanay ko ang nahagip ng proyektong ‘yan. Kakalungkot lang sigurong alalahanin na ‘yong dati mong paboritong trono ay daan-daanan na lang ng sasakyan ngayon.

Hindi ko alam kung hanggang saan ba ang balak nilang pagpapalapad dahil ayon nga sa Wikipedia ay pinakamalawak nang road sa Pilipinas ang Commonwealth at kinabog na nito ang EDSA. paminsan-minsan ay may kino-construct na flyover sa bandang Tandang Sora at sa ‘di nalalayong taon ay ipoporma na rin ang parte ng MRT 3 dito.

Patalastas

Palagay ko ay isang side effect  ng malawak nang kalsada rito ang laganap na aksidente. Tuwang-tuwa ang mga kolokoy na drivers kapag bongga ang lawak ng daraanan nila. Hello sa EDSA kasi baka bihira mo magawa yan e.  Iyon nga e, bakit nga ba naka-concentrate lang sa Commonwealth ang pagpapalawak. Eh ang daming mas ma-traffic at bahaing lugar gaya ng E_____  sa M__a City na nawawala sa mapa maulan lang nang konti.

Ganun pa man, sa bandang huli nasa mga motorista at jaywalkers este mga tumatawid ang pag-iingat at disiplina gaano man kasikip o kaluwag nang Commonwealth Avenue. Bow!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

18 thoughts on “Commonwealth Avenue, the killer highway?