I’m an active Passive Stock Market Investor


Takot makipagsapalaran sa stock market / Philippine Stock Exchange (PSE) dahil isang hamak na cute na cute na weirdong ordinaryong empleyado lamang po ako na nangangarap na makapagtabi ng pera.  Gaya ng iba ay isa rin ako sa walang alam at pero curious naman gawin… nang mabasa ko ang librong ito…

My Maid Invests In The Stock Market

nagkaroon pa ako ng ideya sa magandang paraan at paano nagwo-work ang investing [passive] at trading [active] sa stock market. Although mayroon naman na akong nahahagip na information (ang karamihan ay mula kina Francisco Colayco at Fritz Villafuerte).

 Active in passive investment?


Kailan lang din ako nagsimula sa pagsali sa passive investing sa pamamagitan ng Citiseconline or Col Financial na ngayon. Um-attend muna ako sa libreng seminar nila bago ako nag-decide na tuluyan nang patulan ang paghakbang ko sa pagiging milyonarya (why not ‘di ba?).

Nalaman ko sa Cost Averaging or passive investing sa stock market:

  1. hindi ko kailangang bantayan ang stock market palagi hindi gaya ng active/ ordinaryong trading.
  2. hindi nalalayo ang ordinaryong pagbabangko sa passive investing dahil para ka lang din nagtatabi ng pera pero mas mataas ang interes.
  3. makukuha ko naman kapag kinalangan. Sa col financial after three days daw. Eh sa time deposit nga after one month and three days pa ‘di ba?
  4. hindi siya risky kumpara sa active trading na guma-gumble ka nang malaki at ini-exercise pa ang puso at bulsa mo sa kaba.
  5. namo-motivate ako na magtabi ng pera.

Hindi ako empleyado sa Col Financial  so hindi ko kayang sagutin ang ibang bagay. Basta ang sinasabi ko lang ay nag-join ako ng Easy Investment Program (EIP) nila (may isa pang kagaya nila, ang BPI Trade) at okay naman ang experience ko. Sa EIP makakapag-invest ka sa halagang P5000 sa inisyal at puwede nang Php 1000 sa mga susunod.  Nakikita ko rin online yung mga kaganapan- kung nag-gain ba ang aking mga biniling stocks/ shares o hindi. Biruin mo puwede ko nang tawagin ang sarili kong stockholder sa halagang 5K dahil may shares ako sa iba’t ibang bigating kompanya.

Sa cost averaging investing o pag-bili ng stocks sa kanila ay puwedeng  na-schedule na dapat ay gawin din nang matagal [long term] depende sa gusto mong magyari sa buhay. May nagtanong sa akin kung sure ba daw ako sa pinapasok ko? Ito lang yan e.

  • Matalo o malugi man ako, eh bata pa naman ako. May panahon pa ako para mabawi ang mawawala sa akin. (pero huwag naman sana di ba at naniniwala akong malayong mangyari)
  • Kung nagsimula ako ngayon mag-invest o mag-ipon kahit maliit yung mga halagang itinatabi ko, pagdating ng panahon ay malaki-laki ang mahuhugot kung pera.
  • At dahil alam kong investment ito at may goal akong halaga at oras ay mas namo-motivate akong magtipid/ magtabi ng pera. Nais kong ipagpatuloy ito sa loob ng tatlo hanggang limang taon bilang insiyal na pagsubok. Ipagpapatuloy ko pa  para may nakatabi at lumalago akong pera.
  • Iyan ay habang wala pa akong naiisip na mas matikas na negosyo na trip ko. Wala pa akong malakihang negosyo pero may masasabi na akong investment di ba?


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

29 thoughts on “I’m an active Passive Stock Market Investor

  • Claudia

    Ms. Hoshi/ Ms. Stockholder,
    I will do this. Thank you for inspiring me by letting me see a stockholder in the flesh. Dati parang nakakainip mag-save kasi ang daling i-withdraw and ang hirap palakihin kaya whenever there’s a sale, go lang ng go. Now I really want to save and it’s nice that I have this option. I used to think I would to resort to buying insurance or go into business, but having no real business sense, baka pulutin ako sa Home for the Aged if the business fails. You’re so right na it’s just like making a deposit into a savings account but with a higher yield so that alone inspires me to not go on impulse shopping trips.

    Thanks a million!

    Claudia, future millionaire/philanthropist

  • haring ibon

    napaka inam talaga ang magsimula kahit na maliit pa lang.
    ika nga:

    “a journey of thousand miles begins with a single step..”

    best wishes and cheers!

  • Pingback: My Stock Market update | aspectos de hitokiriHOSHI

  • Noel

    Interesting. I’ve always been interested sa stocks na yan. I’ve been meaning to learn the do’s and don’ts pero time won’t allow me. So how is your trading?

    Oo nga pala, thanks sa pagbisita mo sa aking blog.

    Tanong ko lang about this stock. You said you can monitor it online, right? Pwede mo rin bang gawin ang mga transactions mo online, like buying and selling your shares? Sana kasi kung pupwede kahit nasa ibang bansa ka.

    God bless on your journey.

    • Hitokirihoshi Post author

      hi Noel and welcome sa Hoshilandia!

      yes lahat ng transaction ko, including ang pagba-buy and sell ng shares ay through online. after ng registration and seminar ko hindi pa ako nakakabalik sa office ng Citiseconline.

      i think may program sila for OFWs.

      salamat at God bless din po!

  • Nortehanon

    Ah, maganda yan, invest lang nang invest habang bata pa. I wanted to do that noon pero hindi talaga puwede, I had to send four siblings to college.

    Good luck! Balitaan mo kaming lahat tungkol sa iyong passive investment. Teka, how much ba yung initial investment dyan? Para makapagsimula nang maghulog sa alkansiya mamaya hahaha. Pa-piso-piso lang hahaha!

    • Hitokirihoshi Post author

      for me, naiibang investment ang pagpapaaral. priceless yung worth nyan kasi education.

      oo babalitaan kita sa development nito through na rin siempre sa site ko hehehe. po-post ako bago pag may interesting news about dito.

      mabuhay! 5k ang initial deposit.

    • Hitokirihoshi Post author

      alam mo Tim, bago pa ako yumaman ikaw ay natutulog na sa kama ng salapi.

      brace lang ang mayroon ako ikaw lahat na… ayee! dandan-da-dan (2x) mas mahal kaya yun ng hundred thousand dollars.

      :))

  • doon po sa amin

    thumbs up, hoshi!

    btw,pwede ka ring mag-simulate mag-play ng stocks sa website ng PSE. pag magtagal, medyo maiintindihan mo how it works. may iba pa ring brokerage bukod sa citiseconline, may mga mock trading din sila ro’n.

    you can also check tsupitero.com. it’s for short-term trading at medyo popular ang paraan ng pag-i-explain ng stocks sa site na’yan. unsolicited advice lang, hehe… 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      salamat sa info doon po sa amin. napaka-informative ng mga sinabi mo sa iyong comment.

      yung tsupitero sinabi na rin ng isang friend ko… pero nakaligtaan ko nang balikan.salamat sa pagpapaalala.

  • Ash

    interesting yang investment na yan ah, ako naman kasi ay active ptc clicker, lahat ng domain ko nabili ko lang through income in daily clicks, pero kakaiba yang stock exchange ah, magbabasa din ako about pano nagwowork yan kasi, real money ang investment eh tsaka mas mabilis kumita jan kesa sa time deposit na iniisip kong pag-ipunan sa bangko, thanks for this ms. stockholder, hehe

    • Hitokirihoshi Post author

      Hi Ash and Welcome sa Hoshilandia Jr!

      Naks ayos pakinggan ang ms. stockholder. hehehe!

      maganda ang time deposit para hindi mo kaagad magalaw ang pera pero kung iisipin mo yung interes hindi rin siya ganun kalaki. mas safe nga lang siya sa lahat. yes, i recommend na i-try mo at maghanap ka muna ng information na sasagot sa iyong mga tanong. i’m sure masasagot yan ng mga taong binanggit ko dito.

      ang tanong ko naman ay ano at paano ang active pct clicker?

      • Nortehanon

        hmn, mukhang wala pang sumasagot sa tanong mo tungkol sa active ptc clicker.

        May mga sites kasi na magre-register ka then bibigyan ka nila ng mga links na iki-click mo nang iki-click every day. Yun, you’ll earn from clicking. I learned that from a friend haha. Kelangan mo nga lang ng maraming time in front of a computer, something which I cannot afford to do hehe

        • Hitokirihoshi Post author

          hmmm thanks ng marami Nortehanon sa info! ako may panaka-nakang time pero hindi palagi so siguro hindi ako magiging consistent sa ganitong klaseng raket. pero in way, maganda na siya para sa mga walang magawa.

          hindi kaya ito rin ay may kinalaman sa mga site na nangangako na magbo-boast ng traffic basta magbayad ka? naisip ko lang namn, hehehe