Food Review: Nomama Artisanal Ramen…winner food and ambiance


Noong sinabi ko sa iba na uma-attend ako sa Eat’s A Date ng OpenRice.com at  kumain ako sa Nomama Artisanal Ramen, halos lahat nagsabi na  good candidate ako for this food review kasi wala akong bias dahil hindi ako maalam sa Japanese foods. Though sinabi rin nila na  it’s better kung may alam rin ako kahit papaano. Thus,  ang aking food review ay ayon sa aking innocent taste (hohoho!)

1.       Tuna Spring roll with spicy ponzu and arugula

Of course tuna lang ang alam ko sa mga ingredients sa food na ito. Sa unang tingin pa lang nito nag-isip ako na half cook siguro ito kasi mapula pero mukhang yummy na dahil okay yung   presentation.  Puwedeng isawsaw ito dun sa nasa pula sa gilid na mukhang ketchup lang.

Ang gustong-gusto ko dito ay malamig sa bibig at napaka-ayos nguyain (hint may braces ako). wala na yung thought na hindi ako sanay sa feeling ko na half cook kasi masarap siyang papakin.  Ni wala nga akong maisip na puwede kong mai-compare ito kasi healthy na then parang fresh pa sa bibig. Kung ngunguyain mo as in sandaling-sandali lang.

2.       Pork Gyoza

Sa unang tingin para lang siyang pinalaking siomai for me pero sa lasa wahhh super delicious! I think majority sa amin dun sa event ay ‘yon ang nagustuhan. Masarap ang meat sa loob kahit hindi na sawsawan. Malalasahan mo na iyong ingredients ay hindi luma at nasa tamang pagluluto ang pinagkaiba nito. ayon sa aking pagbabasa ang gyoza ay Japanese dumpling na nakuha rin ang inspiration mula sa China.

3.       Squash Blossom

Patalastas

Aaminin ko na tiningnan ko lang ito kasi sa texture  pa lang at pagkuha ko gamit ang aking chop-fork ay alam kong hindi kakayanin ng ngipin ko na mabakal. pero kung wala ito tingin ko masasarapn akong tikman dahil tingin pa lang crispy na.  Para mabigyan tayo ng ideya kung anong mayroon dito… ni-record ko ang explanation ni Nomama’s Chef & Owner Him Uy De Baron.

 

4.       Mushroom Gyoza

Isa naman ang mushroom sa mga vegetables na kaya kong kainin kahit gaano karami. Yung mushroom sa pagkain na ito ay kay lambot-lambot. Siguro the best kong nakain ko  ito using  chopsticks  pero dahil ang Hoshi ay naka-chop-fork nahirapan ako kainin pero sa taste suwabe. May tatlong klase raw ng kabute dito.

5.       Nomama Ramen

Ito ‘yong  food na pinapili sa amin. Since nakita ko ‘yong ingredients at nakapangalan sa title ng resto, ito na ang sa akin.  Kung nag-iisip ka ng something na  gusto mong mabusog kaagad, ramen na ang piliin mo i-order. Hindi lamang sa mainit at lasa nito kundi dahil ang laki ng serving. Maikukumpara ko siya sa 1 ½ meal  sa ibang resto as in parang naka-upsize.  Buti na nga lang kamo at hinuli ito kasi baka hindi ko matikman ‘yong iba dahil sa kabusugan.

Sa lahat ng sahog, ang gustong-gusto ko ay yong pork (ulit hehehe) kasi ang sarap talaga. Malinamnam then malambot na hindi ‘yong tipong overcook. Siguro kung i-tsa-chopstick ko ‘yon at nguyain ng buo kayang-kayang.  Then yung itlog nag-add dun sa character pagkain. Ang isang pagsisisi ko lang sana ay inunan kong kainin ‘yong gulay.  pakinggan ang explanation ni Chef dito

6.       Buttermilk Pound cake

Sabi ni Chef ilo-launch pa lang ito next-next week so kami ‘yong ilan sa mga nakatikim nito.   Ito ang first time na nakakain ako ng wasabi ( na nalaman ko lang thru Restaurant city) so akala ko avocado (tawa ka na hehehe!). Masarap ‘pag pinaghahalo lahat ‘yong wasabi, mango, yougurt and cake.  Una ko ngang nguya, nod ako ng nod ala Sam Oh. Pero kahit wala ‘yong wasabi solve na rin, iba lang ‘yong tama  sa bibig kapag nilagyan mo ng wasabi. Parang wa-sabi talaga sa dating saka sa pagka-dessert nya. Nakalimutan ko na kaka-ramen ko nga lang pala at busog na busog ako.

Overall,like ko ‘yong pork gyosa, tuna spring roll, buttermilk pound cake at nomama ramen.  Bukod dun sa cake, nakaka-refresh sa panlasa lalo an pag laging fastfood yung kinakainan mo at gusto ng something healthy.

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

18 thoughts on “Food Review: Nomama Artisanal Ramen…winner food and ambiance