PVAF in Art Capital of the Philippines


Visual art for me is something that stimulates your vision in life. Iba ito sa ibang sining, ito ay hindi lamang nagpapahiwatig at nagtuturo sa iyo kundi isinasalarawan talaga sa iyo ang buhay. Hindi ako magaling sa larangan na ito pero gusto ko ang nakakakita ng mga nangungusap na paintings, sculptures at baka sa susunod ay petroglyphs.    

Nitong nakaraan ay napasama ako sa paglalakbay sa Angono, Rizal na tinaguriang Art Capital of the Philippines. Bakit naman hindi, kung gusto n’yo ng pami-pamilyang magagaling sa pagpinta at iskultor dito sa bayan na ito ikaw makakakita.

Nariyan si Nemesio Miranda, ang kanyang mga anak at ang kanyang Nemiranda Arthouse Gallery at si Jose “Pitok” Blanco at ang kanyang The Blanco Family Musem.  Dito rin nagmula ang National Artist for Visual Arts na si Carlos “Botong” Francisco.

Sa mga hindi nakakaalam, ang buwan ng Pebrero ay buwan ng Philippine Art Festival (na may temang Tradisyon at Inobasyon ngayong 2012). May iba-iba klase siyempreng sining na ipagdiriwang pero ang Philippine Visual Arts Festival (PVAF) ay gaganapin hindi lamang sa Angono kundi sa apat na bayan din ng Rizal na kung saan sagana rin ang visual arts- Antipolo, Binangonan, Tanay at Taytay.

Ang PVAF ay tatakbo mula February 17 to 21. Pero mga bandang Pebrero pa 5 lang ay nasimulan na ang iba’t ibang programa nito. Kaya kung gusto n’yo ng art exhibit, art competition, art workshop at iba pa, maaaring n’yong i-check ang sched ng PVAF-TRE (The Rizal Experience) 2012 at sumugod sa Antipolo, Binangonan, Tanay , Taytay at Angono.

[hana-code-insert name=’Rizal Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

14 thoughts on “PVAF in Art Capital of the Philippines