Wikang Filipino: Rich in Flavour


Isa sa natutuhan ko  mula kay former National Commission for the Culture and the Arts (NCCA) Chairman Felipe de Leon, Jr. sa NCCA : Bloggers’ Hour ay kung gaano natin dapat ipagmalaki ang ating wikang Filipino. Binalikan ko tuloy ang aking madamdaming post sa Hoshi Sr.  ang I Love Filipino.

Hindi pa rin nagbabago ang aking kwento’t paniniwala sa post  na iyon.  Oo, may pagkakataon na nais kong gumamit ng wikang Ingles sa pagba-blog dahil aminin na natin na mas malawak ang iyong magiging mambabasa when you blog in English.

Mabuhay Restop's I Am Filipino Art Exhibit
Mabuhay Restop’s I Am Filipino Art Exhibit

May nag-comment na rin sa akin na bakit Tagalog akong mag-blog. Ang aking tanging sagot sa kanya ay why not? Unang-una ay Filipino ako, ito ang aking wika at dito ako kumportableng magpahayag ng aking saloobin.  Isa pa’y bago ako umasa na magka-ads, ang nais kong makausap at mapagsilbihan sa pamamagitan ng blog na ito ay mga kapwa ko Pinoy sa loob at labas ng sinisinta kong Pilipinas. At oo mas kumportable ako mag-Filipino kaysa mag-English.

Ayon kay ex-Chairman de Leon, na isang propesor din ng  humanities, aesthetics, music theory and Philippine art and culture sa University of the Philippines, at lecturer sa social transformation courses sa Asian Social Institute, mas matanda ang  Tagalog kaysa sinasabing pinagmulan nito, ang Malay.

Kung sa affixes (panlapi) pa lang pag-uusapan ay nasa 800 ang sa ‘tin.  Oo nga naman, sa salitang kain pa lang ay marami ka ng mabubuo gaya ng kinain, kumain, nakain, pagkain,  ang paborito kong makikain at iba pa.

Kahit ang English ay walang panama sa Tagalog dahil sa pamamagitan pa lamang nito ay naipapakita natin ang ating magandang Pilosopiya sa buhay, ang ating pakikipagkapwa o ang tingin natin sa ating kapwa ay atin din mga sarili. Halimbawa ang katagang Mahal Kita. Kung isasalin ito sa English puwedeng maging I Love You pero ang You ay Ikaw kaya  dapat ang I Love You ay Mahal ko Ikaw.

Jong Cuenco, Mel Villena, NCCA chairman Felipe De Leon, Noel Cabangon, Dingdong Avanzado, Bactidol official, and other OPM artsist at Pinoy Music Festival media confrence b
Ayon si Chairman sa kanan ng naka-pink

Bukod sa sinabi ni Chairman na pinagtatalunan pa rin ang Tagalog bilang basis ng ating National Language, ang isang dapat ding sigurong talakayin ay ang paggamit ng salitang balbal. Hindi nga ba’t sa bukod sa mga nakakatuwang lingo ng mga beki ay napagtalunan na rin noon ang pag-usbong mga Jejemons? Buhay na buhay talaga ang wikang Pinoy, ano!?

Patalastas

Narito ang mga pahayag sa NCCA: Bloggers’ Hour ni Chairman sa ating wika at sa ating pagtanggap sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino.

Hitokirihoshi’s channel > Tagalog vs Malay

Hitokirihoshi’s channel >origin of Filipino language and people



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

19 thoughts on “Wikang Filipino: Rich in Flavour