So Why do you want to Dance?


Kung kaliwa pareho ang paa mo?  Hehehe! Marami na akong nakadaupang-palad na who doesn’t want to dance for the sake na ayaw  lang talaga nilang mag-sayaw. Iniisip nila na hindi nila ito talento at mapapahiya sila. Ikaw marunong ka bang mag-sayaw at ano ang pananaw mo rito?

An entertainment

Kahit paslit ay wiling-wili akong sumabay manood noon sa nanay ko ng Vilma dahil sa mga extravagant dance number ni Ate Vi o Vilma Santos.  Saka sa sayaw, may  team work lalo na ‘pag kayo ay isang grupo (na madalas sabihin ng mga sumasali sa Talentadong Pinoy at Showtime), ‘yong pagiging creative dahil gagawan mo pa ng costume at konting drama habang nagsasayaw at siyempre ‘yong mismong sayaw na mismo. Gaano ba kalambot umindayog ang iyong balakang? Sabay –sabay ba kayo? Nasa timing ba ang  choreography ninyo sa tugtog? Tama ba ang ginamit ninyong music?  Kaya mo bang tapatan ang ginawa ng kalabang grupo?

I’m very vocal sa pagsasabi na inis ako sa mga artistang, sasayaw tapos hindi susundan ‘yong steps. Iyong dapat baba ka o luluhod pero hindi mo gagawin kahit alam mo naman kaya mo.  Sana hindi na lang sila nagsayaw dahil maraming magagaling na dancers na may face value.  Ang pagsasayaw ay hindi kaartehan kundi handog mo sa iyong manonood.

By the way, my favourite dancers are Aira Bermudez of Sexbomb dancers, Dayanara Torres (noong may Eezy Dancing pa), Jenna Dewan (wife and dancing partner of Channing Tatum in Step Up), Vhong Navarro (nung super active pa ang Streetboys), Patrick Swayze (of Dirty Dancing) at marami pang iba .

An exercise

Sa lahat ng klase ng workout or exercise na nasubukan ko, mas nakakaenganyo iyong may sinasamahan na sayaw kahit simple lamang. Kaya isang challenge sa akin ang jogging/running naming sa Ultra dahil walang dancing puro steps lang at wala ka pang tugtog (wa pa me pera pambili  ng gadget ‘di hand carry ).

Ang  maiigi pa ho sa dancing bilang exercise ay halos lahat ng parte ng katawan mo ay gumagalaw even your mind dahil kailangan mong sabayan ang tugtog at  dance routines. At kapag masyado ka ng  focus hindi mo na namamalayan na pawisan na pati ang iyong kasingit-singitan.

An art

Halli Ballet dancer bPara sa akin, ang dancing ay isang napakagandang art. Puwede itong pag-aralan pero may taong pinagpala na may natural talent dito- graceful dancer kung baga. Sa sayaw, hindi mo lang matatabas ang iyong taba kundi mahahasa mo rin ang iyong sarili sa pagbibigay ng interpretasyon sa kantang iyong naririnig o sa lipunan na iyong nakikita.

Patalastas

Naalala ko noong high school, may isang native dance na ipinasayaw sa amin ang aming principal na may kinalaman sa ligawan ala manok. Kami ng partner ko , lalo na siya, ay kilala sa pagiging hip-hop, ay hindi  lubos maisip na iyon ang sasayawin namin. Pero sa proseso ng pag-aaral ng sayaw hanggang sa presentation nito, nakakatuwa at nakakatawa. Sa stage feeling ko ako ay si Nida Blanca o Susan Roces (oo ganun ang peg), tuwang-tuwa sa amin ang audience. Nandoon  kasi ‘yong ipinamalas mo ‘yong culture of Filipino through dancing at na-discover mo ‘yong sarili mo sa sayaw na ito. Hindi lang pala hip-hop at ballroom dancing ang puwedeng ma-appreciate ng mga kabataan kundi ganito rin.

Note: Magkakaroon ng Dance Xchange 2012: The International Dance Workshop and Festival ang NCCA-National Committee on Dance sa ilalim ng pamamahala ni Ms. Shirley Halili-Cruz na ang konsentrasyon ay sa Cebu City.  Para sa iba pang detalye rito puntahan ang link na ito http://www.ncca.gov.ph/about-ncca/announcements/announcement.php?i=5853



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

13 thoughts on “So Why do you want to Dance?