My High School Life in the City


an essay

by Joseph Ñino Nadera Naldoza

 (guest blogger)

1 Background

Mula ako sa Tacloban, Leyte at transferee mula sa Leyte National High School kung saan ako nag-first year high school. Madami akong mga hilig katulad ng paglalaro ng basketball, pagsasayaw at gumala kasama ng aking mga kaibigan. Ang aking ina ay isang retiradong guro  at isang inhenyero naman aking ama.

2 From Rural to Urban Living

Nitong second year at ngayong 14 years old ako, ay pinalipat ako ng aking mga magulang sa Holy Rosary School  of Science and Techonolgy sa Veterans Village, Quezon City. Akala ko noong una ay hindi  maganda ang bago kong paaralan pero sa kalaunan ay nasabi ko sa sarili ko na maganda pala mag-aral dito. Kaya yata ako pinalipat ng aking magulang ay dahil sa aking mga kalokohan na pinaggagawa sa amin at ang mas mabigat na rason siguro ay kawalan ng respeto  sa aking mga magulang.

3 Former and Current Classmates

Malaki ang pinagkaiba sa dati kong eskuwealahan sa kasalukuyan kong paaralan kasi madami ang mga gawain ng   paaralan ko dati kaysa ngayon. Mabait naman ang aking mga kaklase  pero hindi nila mapapantayan  ang mga samahan  naming parang magkakapatid ng aking mga dating kaklase. Pero may pagkakaparehas naman sila sa mga kaklase ko ngayon katulad ng kanya-kanyang trip at may palakasan pa. Kung magkakasama kami ng aking mga kabigan ay nagkakaroon  ng kuwela, kulet , mag-iingay sa  classroom, kanta-kanta  at pag-tripan ang iba’t ibang bagay.

4 Likes and Dislikes

Ang akin namang mga gusto ay magbasa ng mga histroy books at manood ng mga pelikula. Ang ayaw na ayaw ko naman ay nakatunganga lang sa isang tabi at walang magawa. Samantala, ang aking mga paborito ay maglaro ng basketball, maglaro ng computer, matulog,  magbasa at manood ng anime. Ang paborito  ko naman guro ngayon ay si Sir Ramon Naanep dahil maganda ang kanyang pagtuturo sa amin.

5 My High School Dream

Kapag makapagtapos na ako ng hgh school ay babalik na ako sa aming  probinsya upang doon na ako mag-aral ng kolehiyo. Ang napili kong kunin   ay Computer Engineering. At kapag ako maka-graduate ay maghahanap ako agad ng trabaho. Upang magkaroon ng magandang kinabukasan at magantihan ang mga paghihirap ng aking mga magulang sa aking pag-aaral.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

6 thoughts on “My High School Life in the City