Gaano ka updated sa news? Do you know what transistor radio is?


Atrasado ata ako medyo sa paghigop pagsagap (lang) sa maiinit na chismis at malalaking national issue ngayon.  Unang dahilan d’yan ay hindi na ako nanonood ng TV at linggo lang ako nakakapakinig ng radyo, FM radio pa.  At hindi ko puwedeng ilipat ‘yan sa AM radio dahil papaluin ako ng Nanay ko. Hehehe! Buti na lang maraming news websites. Pero alam mo, nakalakhan ko sa  mga lolo at lola ko ang makinig sa transistor radio?

Modern news sources

Halos lingguhan lang din ako magbabad sa Twitter at Facebook pero masasabi kong napakinabangan ko ang dalawang social networking sites na ito at maging iba pa lalo na kapag tag-ulan at traffic. Bawat segundo ay may update ‘yong government agencies, media companies, personalities at siempre fellow bloggers na pina-follow ko.  Retweet ang drama ko sa gusto ko talagang ipamalita at share lang ng share sa mga makabuluhang uma-appear sa timeline. Mas malalaman mo kung saang particular area ang nangangailangan ng tulong, san na ‘yong na-declare na state of calamity at gaano kataas ang baha. Wala ng ibang anggulong tinutukan, straight to the point.

Transistor Radio: a Basic Communication Device

cassete recorder
cassete recorder/ Transistor Radio

Naaalala ko ang mga teacher ko ‘pag maulan. Iyong teacher ko nung high school, tinuruan ako na tandaan ang mga government agencies and sinu-sino ang cabinet members dahil kung hindi mangangamote ka na sa recitation, baka umani ka pa ng palakol sa exam.  Pero siempre  ang mabuti kasi doon ay malalaman mo kung alin ang responsible sa ganito, saan lupalop ang kanilang tanggapan at ang kanilang trunk line.

Iyong college prof ko naman, pinadadala kami lagi ng transistor.  Eh ang mayroon ako ay ang regalo ng ate ko na portable cassette player and recorder. Ayaw pa nga nung una ni prof kasi alam n’ya nagpi-play lang ako ng cassette tapes parati  doon ( wow imagine  magdadala pa ako bulky tapes).  Pero ‘di ba ‘pag  wala kang kuryente mababalikan mo talaga ang basic gadgets na ito. Naalala ko pa na kay Joe Taruc lang ako naniniwala na walang pasok.

Lalo na ngayon na may traffic, weather at daily horoscope ka pa, iba rin yung alam mo nangyayari sa labas bago ka umalis ng bahay. Siguro nandoon na ‘yong baka “ma-Ondoy” ulit pero malaking bagay ‘yong aware ka sa paligid mo dahil nakakabalita ka. Hindi ka na magpupumilit na lumabas, mapapa-alalahanan mo ang iyong mga mahal sa buhay, etcetera-etcetera.

At siempre ngayon hindi mo na kailangan na humarap sa computer at magbukas ng iyong  notebook or netbook, dahil sa mga smartphones puwede ka na rin mag-Internet.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

16 thoughts on “Gaano ka updated sa news? Do you know what transistor radio is?

  • Hitokirihoshi Post author

    hi jeck and welcome dito sa hoshilandia!

    hmmm naniniwala ako na may kredibilidad at respetado si mike bilang mamahayag. sadyang ayaw ko lang ang style niya. nakakarindi at sensationalize yung dating. at ayokong-ayoko yung paghahalo nya ng ini-endorse niya sa pagbabalita nya. kaya kay Joe Taruc pa rin ako hehehe!

    korek, in fairness sa ganitong panahon kahit may thor-thor thing na naglipana eh, marunong naman magseryoso ang karamihan. mabuhay sa kanila.

  • jeck

    nakakamiss din makinig sa AM radio, yung mga maiingay na jingle nila tsaka parang wangwang na gigising sayo sa umaga. ngayon, si mike enriquez na lang ang lagi kong napapakinggan pag sumasakay ako sa mga fx o taxi.

    napatunayan nga nating mga pilipino na may silbi ang pagiging social networking capital of the world ang bansa natin, kala ko sa pagte-trend lang ng kung anu-anong shit magaling tayo. o siguro dahil binaha at walang kuryente yung mga jologs na nagkakalat sa twitter, hehe.

    • Hitokirihoshi Post author

      korek sana nga hindi na. pero sana kung mauulit man ay mas handa na tayo at kayang-kaya na natin. walang bahang hindi kayang mapahupa, walang mamatay sa landslide at may nakahandang pantulong para sa mga nasalanta.

      mabuhay!

  • potsquared

    bakit may makinilya? kapag wala bang kuryente at kailangan mong magpadala ng SOS letter, gagamit ka ng makiniliya? hihihi joke lang hoshi.. nanay ko mahilig sa AM radio, kaya yan ang main source namin ng information kung may nangyayari man outside ng bahay namin… well kasama na rin jan yung mga bulungan ng kapitbahay.. ehehehehe

    • Hitokirihoshi Post author

      haha napansin mo rin ang papasin kong makinilya ha! hehehe. effect talaga yan na mahilig ako sa luma at ako tagapagmana ng mga lumang gamit ng sangkatuhan sa bahay namin.

      nanay ko rin pag weekdays pero pag weekend maka fm radio station siya. at wag mong magalaw-galaw ang istasyon nya kundi malilintikan ka talaga.

      ah may ganyan din kaming kapit bahay. tawag namin mga “sama-samang saksi” hehehe

  • apollo

    ang mga kabataan ata ngayon, sa iba nagagamit ang facebook, twitter, at iba pang social media. ni hindi ata nila alam ang frequencies ng am stations. hehe…

    naalala ko nung bata pa kami, dzrh ang gumigising sa amin sa umaga. nakakatuwa rin mapakinggan ang mga diskusyon ng mga broadcaster tungkol sa mga usapin sa bayan.

    • Hitokirihoshi Post author

      so kilala mo rin si joe taruc? hahaha! siya kasi yung hindi nakakabuwisit pakinggan. parang kahit bumabagyo na sa labas e, kalmado ka pa rin.

      oo sinasang-ayunan kita na yung iba hindi lamang ginagamit sa sosyalan kundi sa pang-aasar at paninira pa. wake up wake up ang sabi ni kuya apollo! hehehe!