5 inspiring Filipina artists for me


May pagkakataon na ang feeling mo – you are ugly, fat, nasty, non-sense, invisible, worthless at kung anu-ano pang etcetera na negative adjectives about sa sarili. Pero hindi naman puwedeng lagi kang ganyan. Alangan din naman na tulungan mong sarili mo na malungkot. Siyempre kailangan mong maging masaya kahit konti.  Kasi ang bad emotion ‘pag sinaniban mo pa ng negative thinking, magle- level down ‘yan from frustration to depression.

Narito ang ilan sa mga female celebrities (not in chronological order) na hindi naman necessarily na idol or follower ako, kundi hinahangaan ko pagdating sa imaging, personality and talent:

Judy Ann Santos

Dati ayoko magsuot ng striped blouse kasi feeling ko kamukha ko ang matabang si Juday.  Tapos hindi ako nagagalingan sa acting n’ya kundi nabibilisan lang ako sa pag-iyak n’ya na walang kurap at lipat nang lipat ng tingin sa mata ng kausap.

Pero nabago ‘yon nang ginawa na niya ang  Bakit ‘di Totohanin with Piolo Pascual. Doon ko nakita yung transformation n’ya hindi lamang from pagiging chubby to fit kundi sa reinvention niya sa kanyang look at pagkuha ng offbeat roles. Hindi na siya yung mukhang kawawa o kaya puro pa-cute.  Dahil sa kanya naniniwala ako na mare-reinvent ko rin ang sarili ko at makakadagit din ako ng isang Ryan Agoncillo. Ahehehehe! 😉  Pinaka-favorite kong movie n’ya ay siempre Kasal, Kasali, Kasalo  written and directed by Jose Javier Reyes.

Eugene Domingo

Alam mo yung  brand of comedy na nakasanayan na natin like ‘yong pa-seksi comedy ni Rufa Mae Quinto or exaggerated na extravagant pa gaya nang kay Ai Ai delas Alas. Pero unti-unti ay napasok din ni Eugene ‘yong market at  nakadagdag siya sa mga pagpipilian kasi alam mong may ibubuga talaga siya bilang comedienne kahit  puro side kick lang parati siya nung una. From Simang of Sa Dulo ng Walang Hanggan (starring Claudine Barretto) to Sister Clara of Kampanerang Cuba ( Anne Curtis) to Rowena of Tanging Ina series ( Ai Ai) to Chef Dina of  Ako si Kim Sam Soon ( Regine Velasquez) hanggang sa magkaroon na sya ng title role movie na Kimmy Dora  written by Chris Martinez and directed by Bb. Joyce Bernal at hit  maindie film na Ang Babae sa Septic Tank Sana lang makapanood ako ng Bona n’ya sa PETA Theater!

 

Lea Salonga

Alam mong talent din ang naging puhunan at patuloy na nagbibigay ng kinang sa International Filipina artista na si Lea Salonga que gusto mo ang type of music niya o hindi. Sa simula ay proud lang ako sa kanya dahil isa siyang sikat na Filipina sa Broadway. Pero nung napanood ko na ‘yong performance niya sa  10th and 25 anniversary ng  Les Miserables ay  naku ayan ang singer na naintindihan ang bawat salita at may acting. Siguro nga aral siya at matagal na niyang ginagawa ‘yan pero yun nga yun- put your best foot forward and you have to be on your toes (kailangan umi-Idiom talaga On my Own). Nakakatuwa rin na malaman na bukod sa Aladdin bilang singing voice of Princess Jasmine at singing voice ni Fa Mulan of Mulan,  ay nasa My Neighbour Totoro ( created by Hayao Miyazaki of Studio Ghibli) din siya.

Yeng  Constantino

from  blog.yengconstantino.net

Nasabi ko na ba na makaAiza Seguerra ako pagdating sa type of music? Siguro dahil sa peg na’ yan kaya medyo nagustuhan ko siguro si Kitchie Nadal noon at ngayon naman ay si Yeng Constantino.  Oo gusto ko yung ibang kanta ni Yeng lalo na yung famous song niyang  Hawak Kamay pero  ang trip ko talaga sa kanya ay ‘yong pagiging singer-songwriter niya at kung hanggang maaari ang nais niya ay original song ang kaniyang kantahin. Ito rin ang rason ba’t nagustuhan ko rin ang mga music icons na sina  Jose Mari Chan, Sampaguita, Apo Hiking Society, at ka Freddie Aguilar.

Patalastas

Puwede ngang uso ngayon ‘yong mga pop, ballad, at RnB pero tamo dahil sa pagpapakatotoo niya sa kanyang style ay nag-standout  siya kaagad sa kanyang  generation.  (Video ng guesting niya sa EB)

Lovi Poe

from GMA news online

Originally ay pagkanta ang gustong pasukin ni Lovi Poe (search mo may album siya)  pero gaya ng alam natin naging TV and movie actress siya.  Mayroon akong nabasa noon na negative comment  tungkol sa acting niya sa TV adaptation ng Bakekang (starring  Sunshine Dizon) na kesyo walang katuray-turay umarte. Pero nagkaroon ng 360o revolution sa career niya nung ginawa na niya ang Sagrada Familia ( written by Raquel Villavicencio and directed by Joel Lamangan) kung saan seryosong role at acting ang kanyang ipinamalas.

Ako ang gusto ko sa kanya ‘yong beauty niya, tuksuhin mo ng negra pero for me ‘yan dapat ang representative ng true Filipina beauty (tuwang-tuwa ako sa picture nila ni Mercedes Cabral at Nora Aunor para sa Thy Womb sa Venice Film Festival). Then sa image hindi masasabing cheap at sobrang high -end, classy siya na casual, hindi malaman pero ma-appeal. Saka ‘yong acting niya subtle pero effective parang gumigitnang Jaclyn Jose (sa kanyang nakaka-touch na famous monotone voice) at Lorna Tolentino ( ‘yong akala mo tahi-tahimik pero pumapailalim na ang acting).  Saka ngayon hindi na siya iyong anak ni Fernando Poe Jr. na si Lovi kundi siya na si Lovi ang anak ni Da King.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

18 thoughts on “5 inspiring Filipina artists for me

  • Pingback: Top 10 Awesome Women | aspectos de hitokiriHOSHI

  • chrisair

    type na type ko si Lovi Poe iba kasi ang beauty at slender nia eh, kaso mejo d ko forte itung si Lea Salonga, marami pa akong type na artist like Jennelyn Mercado and Julia Montes

    • Hitokirihoshi Post author

      apir tayo kay Lovi!

      okay lang, kanya-kanya talaga tayo ng taong ating hahangaan at magiging inspirasyon, depende sa impact nila sa buhay natin.

      Gusto ko si jenmylyn lalo nung starstruck days at si Julia Montes siguro kailangan ko pa siya kilalanin, although napapanood ko na siya noon sa Goin Bulilit.

  • Rogie

    ok ang list mo ah. ako rin gusto ko mga movies ni juday at ryan. lagi namin pinapanood ni misis.hehehehe.

    si eugene naman, natural ang arte eh. nakakatawa pag nagpapatawa at nakakaiyak din pag nagpapaiyak. di ko makalimutan ang performance niya noon sa MMK.

    ok din yung iba mo sa list. pero yung 2 sa taas ang ok talaga para sa kin din. ok ang taste mo madam hoshi. 😉

    • Hitokirihoshi Post author

      hahah madam hoshi talaga.

      fan pala kayo ni juday at ryan. nakakatuwa at pareho kayo ng taste ng misis mo. magandang bonding moment sa mag-asawa ang manood ng sine.

      yung kay eugene, oo yun ang isa pang maganda sa kanya. magaling din siya sa drama. hindi pilit at paniniwalaan na nasa drama talaga siya.

      mabuhay!

  • PM

    i like eugene and yeng too but would it sound weird if i say i have not watched a single film of eugene? LOL ang ganda ng hair ni yeng sa picture!

    • Hitokirihoshi Post author

      hindi naman weird, normal lang yan. kasi minsan ang gusto mo sa isang tao yung isang aspeto lang nya o hindi naman lahat ng ginagawa niya nasusundan mo.

      ako wala pa ring napapanood na movie talaga ni Lovie at concert ni Yeng. hehehe

  • Tim

    Agree ako sa lahat. Staying power pa lang, panalo na ang mga ito. Saka lahat sila, hindi basta-basta ang performances sa sarili nilang larangan – teatro at pelikula. They are a cut above the rest sa showbiz industry nating puno ng kung sinu-sino lang.

    Si Lovi Poe particularly ok sa akin as actress kasi siya yung tipong morena beauty – hindi yung usual na tisay or chinita na madalas pinoportray sa mga pelikula at TV series. Mahalaga yun para sa akin kasi matagal na dapat mag-mature yung image natin kung ano yung ‘maganda’ from yung mga colonial ideas na hindi naman talaga realistic.

    • Hitokirihoshi Post author

      naks totoo ba to? nag-agree ka? hahaha, hindi ako makapaniwala. joke!

      oo naman, i think dapat malaman ng lahat na ang ganda at husay ay hindi nakakahon sa kulay at popularidad. Kung maitim ka at maganda, maganda ka period. Kung maputi ka at maganda ka. maganda ka period. Kung magaling kang artista, may staying power ka talaga kaya mabuhay!

    • Hitokirihoshi Post author

      salamat at bet na bet mo rin sila.

      naisip ko na rin kumuha sa inyo pero sa dami ng photos ninyo hindi na ako makapaghalungkat at malalaki bongga. pero don’t worry kakailanganin ko ang tulong ng myphotographics sa aking post na may kinalaman naman sa OPM.

      mabuhay!