Let’s Recycle Diskettes: Have beverage coasters


Being natural hospitable, when we have guests in the house we offer them something to put in their mouth like that deadly biscuit and soda or a cup  of coffee /tea.  Then, for the sake of being neat and/or (parang bangko lang) posh, we put this visita combo meal in a tray. However, if accidentally, you use your tray as plank for your laundry, it’s a must that  at least you use saucer, platter and beverage coaster.

Dahil likas sa atin ang pagiging magiliw, kapag may panauhin tayo sa bahay inaalok natin sila ng makakain gaya ng pamatay na pande coco galyetas at soft drink o isang tasa ng kape o tsaa. Upang maging malinis at o makayabang naman kaunti, nilalagay natin ang pagbwisitang pagkain sa isang bandehado. Subalit, kung mangyari, magamit mo ang iyong bandehado bilang tabla  sa iyong labada, dapat kahit man lang coaster  para sa  baso o tasa ay gumamit ka.


‘Yong usual na platito na lalagyan din natin ng dessert at sawsawang toyo, suka, patis, bagoong, gravy, ketchup, Mang…Sauce, ang pinaglalagyan din natin ng tasa o baso.  Pero may iba na bumibili talaga ng coaster na patungan lamang ng inuman.  Nakapagregalo na ako noon n’yan, ‘yong wood coaster with matching characters for prosperity pa na nasa 60 pesos lang ata. Dahil pasok pa sa budget, bukod sa nabili ko ng mga wood cup holder, sinamahan ko na rin ng wood toothpick ‘yon, joke!

Ngayon kung kagaya kita na mahilig magkape at mahilig uminom ng malamig na soda pop H2o, mahirap lagi ang nangpupunas ng mesa at mang-agaw pa ng lalagyanan ng sawsawan ng iba. Para mas astig ay magkaroon ka na rin ng sariling cup and coaster. Alam mo kung saan makakabili noong  coaster for tech savvy? ‘Wag ka na gumastos, halungkatin mo na lamang ang iyong floppy disk o diskette na wala na atang mapagsuksukan na personal computer ngayon.

Imbes na itapon ito kung saan at kailangan mo rin naman ng mapagpapatungan,  gamitin mo na ‘di ba? Puwede mo itong lagyan ng design like stickers, beads at palawit. Pero para sa akin, ‘yong diskette na mismo ay may karakter na ‘pag ginamit mong coaster sa iyong glass of milk or cup of coffee. Mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

6 thoughts on “Let’s Recycle Diskettes: Have beverage coasters