12 reasons why you should visit Ilocos


Biglaan lang ang lahat nang pagpunta namin sa Ilocos at hindi pa ako nakakabawi sa gastos ko sa Puerto Princesa Palawan pero hindi ako magsisisi na lumipad ako papuntang Laoag,  nagliwaliw sa Vigan at nagtampisaw sa Pagudpud.

1. Kapurpurawan Rock Formation

Kahit ‘di ka pa nakakarating sa rock formation na setting daw ng Agimat ni Enteng, sa pamamagitan ng paglalakad o pangangabayo (Php 100) ay mesmerizing na ang  mabatong dalampasigan ng  Kapurpurawan. Magandang mag-pictorial dito.


2. Windmill in Bangui

Bago pa man makita sa teleserye na Walang Hanggan ay sumikat na ang 20 na higanteng windmill na pinagmumulan ng kuryente sa Ilocos sa political ad noon ni Sen. Bongbong Marcos. Again, ang may purpose na lugar na ito ay  masayang background for pictorial.

 

3. Malacanang of the North

Loyalista man o hindi, ‘di dapat pinapalampas ang pagbista sa Malacanang of the North (entrance Php 30 for adult and Php 10 for kid) na ipinatayo noong panahon ni former President Ferdinand Marcos. Ang mansion na ito ay bongga talaga sa laki, linis, memorabilia  at kasaysayan. Kapag nakita mo ito at maupo sa terrace ay iwi-wish mong ito na sana ang ancestral or rest house mo. By the way, narito rin ang opisina kung saan idineklara ni Pres. Marcos ang Martial Law noong Sept. 21, 1972.

malacanang-of-the-north_marcos family-pictures

4. La Paz Sand Dunes

Patalastas

Hindi ko trip ang mga carnival and rides sa mga theme parks pero I can’t believe na na-try at na- enjoy ko ang pagsakay sa 4×4 truck (Php 2500) na pwedeng magsakay  ng hanggang 6 na pasahero.

Siguro  mahal nga ito pero sa scenery sa lugar, na maiko-compare sa Doha, Qatar ay mapapa-“Buhangin. It’s more in the Philippines” ka. Try n’yo rin ang sand boarding at talunin ang score kong kumain ng alikabok.

By the way, dito rin daw ang setting noon ng award-winning classic film  Himala ni Nora Aunor.

 

5. Marcos Museum ( Ilocos Norte)

Bawal man kunan ng kamera ang mga labi ng dating pangulo na nasa loob nito ay interesante pa rin itong bisitahin. Kahit hindi man natin naabutan ang kanyang rehimen, iba ‘yong thought na ayan siya o ‘yong nasa makulay na history ng Pilipinas.

 

6. Light House of Cape Bojeador

Ang tagal na nito (year) pero hanggang ngayon ay napapakinabangan pa rin. Luma at puno man ng kalawang ang loob (mag-ingat baka matetano), ang saya pa rin akyatin ito. Saya ng feeling at hanep ang pakiramdam sa taas, iba talaga ang simoy ng totoong malinis na hangin.

Dito raw kinunan ang music video ng Tara na Byahe Tayo ni Regine Velasquez

Sundan ang no. 7- 12 sa susunod na kabanata…ng post na ito. Mabuhay! 

[hana-code-insert name=’Ilocos Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

15 thoughts on “12 reasons why you should visit Ilocos