What to expect in National Book Store’s Warehouse Sale


Nasuubukan na namin nina Mhona at Janet ang up to 80% warehouse sale ng National Book Store sa Quezon Avenue corner Panay Avenue, Q.C. Maraming dahilan kung bakit nagawa kong sumama sa kanila – sale, Christmas gifts at BOOKS!

 Hindi pa ako nakakadalo sa Manila International Book Fair kaya hindi ko pa naranasan na makipagsabayan sa mga bookish and bookworms. Ang tanging hardcore na pamimili ko ng books ay noong estudyante ako sa Recto Ave. para makabili ng mura and second hand books.

national book store books-for-only-50-pesos-2Sale

Nung nakita ko ang post ng NB sa FB na maraming mesa ng books with alluring price tags syeee-share! na kaagad ang drama ko. Eh kaso may kumagat sa trap, nag-comment, interesado na magpunta at hayon sa dulo nagkayayaan na.

Medyo sanay naman ako sa bilihang-balyahan like there in Divisoria, Baclaran and Greenhills. You know, bring your own big grocery bag and then wear casual clothes- which in fairness I really try talaga ha (hohoho!).  Anyway, it’s so sulit naman if you are so hilig sa  books – your effort in “diving,” “long standing ovation” and carrying heavy books. Chuz! Pero ang not so hidden agenda ko ay mamili para sa mga inaanak at pamangkin ko kahit saka na ako kasi malapit na Christmas (paawa mode).

gift item

Sa novel/ fiction books ay may mabibili na hardbound for as low as 30 pesos. Iyong mga books for kids ay may 20 pesos na siyempre na nagpapakislap sa aking mga…wallet (2?). Maayos naman ang itsura ng karamihan kaya go-go-go Sago! Nakabili rin ako ng cheap but thick dictionary and book with free dust na!

 Short story: Internet 101 for Filipinos

ang book di nabili

May isa na akong nadampot na libro Internet 101 for Filipinos ang title ay P80.  Nagdadalawang-isip ako na bilhin ng una dahil priority ko ‘yong books for kids or Christmas gifts, pero dahil sa haba ng pila ay naka-isang chapter na ako noon. Sa huli, hindi ko rin nabili. Why? Hindi tinanggap sa pinilihan naming counter at isa raw kami magbayad. I understand naman pero wala na akong energy na mag-transfer pa. So bye bye!

By the way, you can’t use your Laking National card sa mga sale like this. Sayang nga ang dami kong nabiling tigbe-bente pesos. Hehehe! Saka kada tatlong taon lang daw ito nagaganap, ayon sa kuya bagger na ipinagbalot ako ng libro at hindi si Janet. hohoho!

Patalastas

 A Book Affair

Kahit nahihirapan ako na magkaroon ng reading time (‘yong focus talaga na ginagawa ko sa madaling araw) at tambak na ang iyong ‘di ko pa nababasa, may something akong nararamdaman ‘pag nakakita ako ng mga libro. Iba ‘yong ambiance sa library at ‘yong atmosphere sa book store e. Doon sa una chillax lang mawawala ka realidad ng magulong mundo dun sa pangalawa may adventure. Adventure na maghanap ka ng magandang libro at ‘wag maubusan ng pera.

Mhona the Sale Explorer

Hindi ko pa nararanasan ‘yong mag-abang ng bago o makipag-unahan sa mga bagong libro, ‘yon ay dahil siguro hindi ako mahilig magbasa ng novel. Kaya wala akong alam sa 50 Shades of Grey, Da Vinci Code, latest sa kay Bob Ong at iba pa. ‘Yong Harry Potter at Twilight series natapos ko na sa sinehan hindi ko pa rin binabasa at wala akong balak basahin.  Ang sa akin kung ano ang nauna, doon lang ako para wala ng comparison at criticizing.

Janet.The Novel Reader

Iba-iba klaseng books ang trip ko pero mas trip ko yong self-help, educational and inspiring books. Pero ang favorite novel kong ay Little Women by Louisa May Alcott and Mga Ibong Mandaragit by Amado Hernandez.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

23 thoughts on “What to expect in National Book Store’s Warehouse Sale