Gift wrapping happiness


What is happiness to you?  Hindi madaling sabihin ‘yan pero kung tatanungin kita what’s the reasons why you are happy baka mas quick ang question and answer portion natin. Ganoon din ang metaphor ng gift wrapping  may happiness (gift) ka pero parang walang thrill kung walang balot ng reasons (wrappers).

The gift in wrapping

Hindi ako magaling magbalot ng regalo at fan ako ng paper bag dahil – lagay regalo-tupi-stapler- voila nakabalot na ang regalo. Iisang wrapping style nga lang ata ang alam  ko na para bang pang-book cover lang. Tapos sablay pa  lalo na sa pagkakadikit at pagkakatupi dahil mahina ako sa measurement.  At  dahil sa “deficiency” na ‘yan, napapalaki rin ang measure ko sa pagbili ng pambalot. Huhuhu, hindi talaga puwedeng tanggapin mo lang na mahina ka sa Math!

Nagsimula akong magpahalaga sa pagbabalot ng regalo, nung siempre nagreregalo na ako.  Ang impractical naman kasi na mas mahal pa ang wrapper sa gift. Then ang simple naman masyado kung hindi mo babalutin. Minsan wala na ‘yan sa laman kundi sa  pagkakabalot at presentation nito.

Wrapping is an art activity

Giftwrapping is an art lalo na kung seseryusuhin mo talaga. Hindi ba nga, minsan ay nagtya-tyaga tayong pumila at magbayad para lang mabalot nang maganda ang ating ireregalo? Gagawa ka rin ng ka-ARTehan  gaya ng paglalagay ng ribbon, gift card o iba pang abubot.

Sa aking cost-effective and eco-friendly art project, binigyan ko ng magagawa ang dalawang bata sa aming bahay. Ang mechanics ay:

  • Tulungan nila akong mag-ipon ng paper bag (usually ‘yong brown)
  • Lalagyan nila ng greetings and doodle ang mga paper bag na naipon ko.
  • Ang may maganda at maraming nagawa ay may reward sa akin.

So far, nakikitaan ko naman ng kasipagan at gana  sina  Joseph ( 13-year-old) at Rica (8-year-old) sa pagdo-doodle.   Ang tangi ko pa lang ibiniling material para sa kanila ay Japanese Gel Pen na worth Php 10 dahil mayroon naman akong natatagong  color pencil at iba pang pangkulay.  Saka this time mas gusto ko ang doodle na drawing kaysa makulay.

Siempre, sumasama na rin ako sa kanila at ito ay parang bonding na naming tatlo with panaka -naka sa iba pang tao sa bahay namin.

Patalastas

Is it so cheap?

May kunti akong fear na baka malait ang gift wrapping concept ko this time. Pero ganito kasi yan e, between common expensive at innovative cheap alin ba ‘yong titigan mo nang matagal bago mo itapon.  At bakit may branded wrapper na ba ngayon? Hehehe!

Pero actually, pagdating sa gift giving talaga namang may konting suspense d’yan. Ano ba ang magandang iregalo? Magugustuhan kaya ng bibigyan mo ang  regalo mo?  Ganito na lang,kung may ireregalo ka sa akin, ano ‘yon at bakit? Hehehe!

Namamasko po!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

12 thoughts on “Gift wrapping happiness

  • Rogie

    anlupet ni ate hoshi! Nauto este nainspire mo ang mg abata na maging creative! hehehehe 🙂 galing galing. naalala ko nung may monito monita kami noon, pambalot namin is news paper. kung ano ano ginagawa kong art kuno sa pagbalot ko. minsan ginawa kong parang bouquet yung balot. tapos ang laman kapiranggot lang.hehehe

    • Hitokirihoshi Post author

      ang galing ko bang mang-uto este mang-inspire? hahahaha! salamat!

      wahhh yun ang di ko kaya turuan mo naman ako. post ka about dun! o kay post ka sa youtube. hehehe

      mabuhay and advance Merry Christmas!

  • jondmur

    wala din akong talent pagdating sa pagbalot ng regalo… kadalasan ung parang plastic bag na ang binibili ko para ipapasok ko na lang ang gift hehehe

    okay ung idea na naisip mo… saka lumalabas ang talent ng mga bata

    • Hitokirihoshi Post author

      hi ngayon ko lang ulit nabalikan ang comment mo.

      oo the best yang style nating yan. ganyan ang default gift wrapping style ko.

      salamat sa iyong pagbati at happy new year sa iyo!

      Mabuhay!

  • Balut

    I love gift wrapping and I soo love the idea of your gift wrapping! Bow ako dyan girl so go! Sana isa ako sa makatanggap ng mga babalutin mo with that artistic gift wrap hi hi hi

    • Hitokirihoshi Post author

      salamat na nagustihan at sinusuportahan mo ang aking advocacy con arte hehehe

      tingan natin magagawan naman ata ng paraan. ahahaha!
      may pa-contest ako sa isang kong blog, sali ka ha!