Paseo de Roxas, Ayala, Legaspi, Buendia, Glorieta, Greenbelt at loading and unloading area, sa totoo lang mahaba-haba pang panahon bago ko makabisado ang Makati kahit ilang ulit na akong nagpabalik-balik. Laking Kyusi ( Quezon City ) ako e at anim na taon sa Ortigas, Pasig City.
City of opportunity
Kung ang mga mag-aaral may mga universities na pangarap pasukan, yung nagustuhan nila kasi parang yun ang sikat, sa mga magtatrabaho- parang ganun ang Makati. Ito kasi ang business district of all business districts o kung hindi man ito yung nauna. Nandito na kasi ang mga naglalakihang kompanya at maraming matataas na building. ‘Di ko na alam kung ilan beses akong nag-attempt na mapadpad dito dati. Pero ang naalala ko yung first interview ko rito ay naka-skirt ako na naka-kulay green. Tas naiinis ako sa interviewer nang feeling ko inaapi n’ya ang pangarap ko. Hahaha kahit fresh grad ako nun sumasagot na. Pero hindi naman porke’t nasa Makati ang isang opisina ay big time na sila or legit.
Dalawa sa memorable moment ko rito ay nung gumagawa kami ng project ng college classmates ko sa iba’t ibang condo unit dito at yung part time ko na nagbigay sa akin ng magandang experience. Sabi ko noon ganun lang talaga siguro ang affair ko sa Makati at kontento na ako. Pupunta lang ako doon para kumuha ng talent fee o kaya naman ay um-attend ng seminar. Ang layo sa amin eh at haggard sa viaje.
Paseo de Negocio
Kung nanood ka ng mga movie na laging tumatakbo ang bida dahil baka ma-late or may hinahabol na trabaho. Normal na normal yun sa Makati. Yung fashion halos ay corporate type pero siempre hindi naman lahat. Parehong-pareho lang din Ortigas pero mas chill dun at madaling makabisado isipin mo lang ang mga birthstone. I Miss you Ortigas!
Ang una kong na-explore dito dati ay ang kawing-kawing na overpass sa mga building na nakakailang kanto ka na pala na hindi bumaba. Kung tatanungin mo ako kung san-san yun, hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko mula MRT Ayala may pasukan dun patungong SM na tutuloy sa Glorieta at Landmark tas sisikot sa GreenBelt. Nauna ata ang kawing-kawing na ganito sa pagkakabit ng Farmer’s Plaza at Gateway. Sana gawin din ito dun sa Cubao. Ang saya siguro na mula Ali Mall makakarating ka ng Farmer’s ng ‘di ka tatawid sa ibaba. I Like Cubao!
Noon-noon pa hindi ko trip ang loading-unloading chuvaness sa Makati pero kalaunan de-deadmahin mo na rin lang dahil nasanay ka na at kung yun ba ang disiplina. Ang maigi lang siguro ay tandaan ang mga landmark at saan magandang bumaba para hindi mapalayo nang bongga.
Ayala Square
Marami akong gustong i-explore sa Makati kagaya ng Ayala Museum at Church. So far medyo naikot ko pa lang ang Ayala Square. Siempre compare sa ibang historical places like Manila at mapunong Kyusi ( hometown ni Hoshi), minimalist ang peg ng Ayala Square parang papasang wala lang. Pero masarap s’yang tambayan kung gusto mo lang magpatay ng oras at magbasa ng book. Dito kaya ako gumawa ng scrapbook. Hulihin kaya ako?
Narito rin ang isang Philippine Stock Exchange o ang tinatawag na Makati Stock Exchange. Hindi ko alam kung ano detalye ng pagkakaiba nito sa PSE sa Tektite Building sa Ortigas pero I think iisa ang galaw nila. Sa ngayon ay may art exhibit sa paligid ng Ayala Square ng artist na si Arturo Luz .
Kung paano ako napadpad rito ay di ko rin matantya pa. Pero ang nasa kokote ko ngayon, sinasabing may purpose naman siguro. Lumaki ako sa Kyusi para maging pamilyar sa social relevance issues ( hello welgahan areas!), government agencies ( come na sa east ave.), at media (lahat ng big TV station nandito). Napunta ako sa Ortigas para magamit, ma-challenge at mapagyaman ang aking kaalaman. May bonus pang mga kaibigan. Ngayon ito na ako sa Makati malamang may kinalaman na ito sa business hehehe. Business District daw e. Mabuhay!
[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]
Pingback: Where to avail convenience nowadays? | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Movie Review: Gabriela (part 2) | aspectos de hitokiriHOSHI
i feel for you hitokiri, super nakakaloka ang makati, but with my 1 week “tambay/job exploration” ko jan, nakabisado ko na ang sanga-sangang daan ng greenbelt.
naks, welcome to “meketi”. 😀 you’ll start making tusok tusok the balls na rin one of these days. go go madam Hoshi. 🙂
hahaa naku metegal na ako nagmi-make tusok-tusok even before in recto. actually wela nga ako mekita here. hahaha
meron dyan sa mga jolly jeep ata. binawal na kasi sa harap mismo ng mga bldgs ng meketi eh. hehehehe.
Pasasasaan bat mag-eenjoy ka rin jan sa makati. Okay naman jan lalo nat within walking distance ang halos lahat. Malls, restaurants, simbahan, etc. Hindi mo man gusto sa simula pero masasanay ka rin sa mga lakaran na yan. Exercise na rin. Hassle lang talaga ang traffic lalo na pag friday. Mabuhay!
salamat sa encouragement apollo. oo siguro nga kailangan lang magkaroon ng tyaga pa at positive mindset. mabuhay!