7 Things to Remember when you visit Seoul, South Korea


Gyeongbokgung PalaceFinally after 8 months since we paid our promo ticket, 2 months after our visa application and 10 years of admiration kay Bae Yong Joon of Winter Sonata, Hoshi arrived in The Land of Morning Calm, South Korea.

Ito ang first out of the country trip ko, and thank God it happened in South Korea pa. Naging pangarap kong puntahan ito lalo na noong mauso ang mga Korean series. Pero teka, siempre hindi naman puwedeng saya lang ang lahat, kailangan din makibagay lalo na’t fast phasing at polite naman sila ahjussi, ahjumma, oppa at unni.  So what are the simple things you shouldn’t forget when you visit in  South Korea?

Always carry a map 

Dahil high tech naman na ngayon puwede na rin mag-install ng apps ng  maps ng subway at tourist spot locations. Kahit pa nga mismong  Korean ay naggaganito na rin so join ka na rin kung dyahe ka sa paghawak ng mapa.

Importante ito lalo na’t ang public transportation nila ay subway/ train na mahahaba at nakakalito. Dapat malaman mo kung saan line ng train, station ka baba, magta-transfer, at i-exit. Sa bus naman, kailangan  partikular ka kung ano ang number ng bus na sasakyan mo or else para kang nag-UP ikot. As in ikot ka lang ng ikot nang matagal.

Bus in South Korea

Buy T Card and load T Money

Logically T is for transportation. Ang card na ito ay useful dahil mapa-train or bus ay magagamit mo ito na ita-tap mo lang sa kanilang machine unlike gaya na ngayon sa MRT. Pwede ka mag-load nito thru machine na matatagpuan sa mga station pero puwede rin naman sa mga convenient store. Kami sa GS25 bumli ng card at nagpapa-load para iwas hustle. Just in case na may laman pa ang T card mo at malaki pa ang halaga, pwede mo ito mapa- en-cash sa kanilang convenient store din. Nung ginawa ko ito, 500 won lang ang kanilang siningil.

The right side of the Escalator

Halos lahat ng escalator ay may poste sa gitna bago sumakay (pababa o pataas). Ang significant noon ay malaman mo na humiwalay ka sa kaliwa kung ‘di ka nagmamadali at ‘di ka pa ahjussi o ahjumma. Nung una lagi ako nalilito rito pero ‘pag nagtagal naman ay maa-appreciate mo na ‘di ka naabala at nakakaabala.

my wallet for my Korean won

Bring your Dollars and Pesos

 

‘Pag nasa South Korea ka feeling mo ay ang yaman- yaman mo dahil nasa thousand ang pera nila. In fact ang pinakamalaki kong nahawakan na note/ bill ay 75, 000 won. Pero ‘wag ka, nakakalito rin ito kaya i-appreciate mo ang Philippine Peso. At lalo mo pang maa-appreciate ang piso dahil kada isa nito ay nagkakahalaga ng 26 plus won. Pero ‘wag naman sana 20 pesos lang ang ipapapalit mo dahil ang pinakamababa mong mabibili ay 500 won at usually ang mga pagkain ( street food) ay nasa 2000 to 3000 won. Malaki rin ang palitan sa kanila ng Japanese Yen at siempre US dollar.

Patalastas

Practice your Korean and English Skills

Better siempre to talk sa Korean language pero most of Koreans naman ay nakapag-English. And they try their best to talk so be polite sa kanilang kabaitan. Ito ang nagustuhan ko sa kanila, they are hospitable and helpful. Mayroon kami nakausap na naglabas ng mobile phone at tiningnan sa mapa n’ya ang exit na hinahanap namin. Mayroon din naman na nagtanong sa isang matanda at in-interpret sa amin ang sinabi noon.

Don’t forget to say thank you ( gamsahabnida) or hello ( annyeonghaseyo). Kung ‘di ka sure sa edad at gender just tell  your sincere greetings in English.

 Take pleasure in Freebies but be fast in buying?  

Myeungdong Market, South Korea Mabuti ar malapit yung tinirhan naming Namsam Guesthouse sa Myeongdong market na bilihan ng mga beauty products. Pero ilang lakad at sakay lang din ang Lotte Mart at Namdaemun Market. Mapapansin na laging nagmamadali kung magbenta ang mga tindero at tindera pero maasikaso sila and take note karamihan ay nagbibigay ng freebies. Sabi ni kasamang Mhona ay dapat madali kang bumili para mabigyan ka ng discount. Deadma ako, namimili ako e at magbabayad naman so ang hinirit ko ay mabigyan ng freebie at binigyan naman ako. Ang nabili naming souvenir T shirt ay 3 for 10000 won. Kung crush mo si Jang Geun Suk ng He’s Beautiful and Mary Stayed Out Last Night , ay magsasawa ka sa pagmumukha n’ya ngayon dun dahil model s’ya ng Nature Republic na nagkalat sa Seoul.

Pero makikita rin din ang mga sikat nang sina Jang Dong Gun ( All About Eve), Hyun Bin, Lee Byung-hun (at kanyang GF na si  Lee Min-jung) at Sandara Park.

Carry minimal stuff sa galaan 

Since ma-subway, mabilisan ang galaw at halos pataas ang lugar ng kanilang mga tourist spots. Mabuti nang magaan lang ang iyong dala-dala para hindi ka mahirapan nang todo.Mabuti na siguro ang camera, t card, money at passport para sa basic things na hindi mo dapat makalimutan. mabuting ihuli mo na ang pagplano ng pagbili sa mga market at huwag isabay sa mga pagbisita para mas ma-enjoy mo rin talaga at may energy kang makapamili.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

36 thoughts on “7 Things to Remember when you visit Seoul, South Korea

    • Hitokirihoshi Post author

      Hi Ferlie and welcome sa Hoshilandia!

      Depende pa rin kasi sa iyo, kung backpacking ang trip mo at sobrang basic lang yung gastos, sobra na ang 15k pero if you like to take some shopping spree (since nandoon na nga ang beauty products and Korean clothes) basic nyan siguro is P25k.

    • Hitokirihoshi Post author

      hi nikki and welcome sa hoshilandia!

      noong nandoon kami nasa 1 won = P 26. siempre mas mataas ang dollar
      since nag-iiba naman lagi- check mo na lang sa google or moneyconverter.com

  • syngkit

    waw… sosyal hehe… tc pow. saying nung nagjapan kami eh di ko napuntahan yung mga temple temple dahil malayo at para sa mga guests lang un… hehe

    • Hitokirihoshi Post author

      para-paraan lang para makapag-ibang bayan. heheeh

      makakapunta ka rin doon, malay mo kasama mo pa ang slasher star. naks 🙂

      pero kahit ikaw lang kaya mo na rin, basta utang na loob tantanan mo na ang pagpi-peace sign mo sa pix kahit sa pix mo lang sa paanan ng mt. fuji. hehehe

  • mhona31

    Yes indeed after 8mons natuloy din ito…nagenjoy ako kasama si hoshi sa korea…neng dto ka sa bandang kanan baka madala ka nila….at yang si jang geun suk n yan ayaw tayo tantanan napabili tuloy tayo..well thank you….next trip na tyo

    Mhona31
    Ang gala mong friend

      • April

        Magkano po vah ang ticket papuntang Korea at sa tingen muh pag nag stay ng 1 month don magkano ang mas tamang baon na pera? Hehehe please reply Plano kng pumunta dun

        • Hitokirihoshi Post author

          wow one month? Ang hirap na ata tantayhin nyan at siempre depende yan kung ano bang klase ng lifestyle ang gagawin mo dun. 6 months prior to our trip there ay nag-book na kami ng ticket so kung tama ako ay nasa 2500 pesos lang ang round trip ticket namin. Hindi ko lang alam kung may ganyang promo na for one month, pero normally di ba mas maaga mo na-book ay mas mura.

          mas malaki pera natin sa kanila e. so as long as may madadala ka na malaki-laking pera ay kakayanin kung php 1= 23 won at nakapagdala ka ng eddie may 692,350.91 richer ka pagdating doon . ang kaso naalala ko bumili ako ng malaking masking tape doon ay 500 won na at street food ay nasa 300 won. better hanap ka muna ng bahay na matitirhan na mura 😉

          • April

            Uo balak kuh mag apartment nlng para makatipid pero visa lng vah ang kailangan pag pumunta dun? Mura lng pla ang ticket akala kuh mahal anong month ang mas maganda pag nag bakasyon don?

            • Hitokirihoshi Post author

              -mura yung ticket kasi promo yon. so wait ka na lang siguro pag may peso fare. —

              -summer kami nagpunta kasi mahina ako sa lamig. and i think mas tipid din kasi hindi ka mapapagatos bumili ng extra na jacket. di ba? hehehe. pero kahit summer naman malamig na rin doon. masarap din siguro kung spring para blooming ang mga kapunuan at halamanan . hehehe

              – nag-iiba yan palitan everyday so check mo kung kailan ka na magpapalit ( sa iyong favorite money changer 😉

              • April

                Ahh nong pumunta kau credit card vah ang dala nyo or nagpa change na kau ng money ng Korea?

                Balak kuh tlga sa July akuh pupunta don

                Ask LNG nag hotel vah kau don’? Un lng kc ang pinoproblema kuh ang tutuluyan don

            • Hitokirihoshi Post author

              – hindi nagpapalit na kami nang inisyal dito. pero i think doon mas mataas ang palitan ng pera natin . siempre mas mataas kung dollar dala. maramiu money changer doon lalo na dun sa myeongdong.

              -hindi kami hotel ( mahal yun) – dun kami Namsam Guesthouse na tawid lang din Myeongdong market. mura naman ata sa pagkakaalala ko.

              • April

                Ahh talaga dallar nlng pla ang dalhin kuh he he..1 week vah kah don mgkano ang rent nio sa tinirahan nio don ? Paadd naman sa Facebook Sarah Tabayag ang dami kuh kcng gustong malaman gusto kuh tlagang pumunta don ang magkani vah ang ginastos nio papunta LNG don lahat lahat na natatakot kc akuh bka pag nandon nko wla nko pera hehehe

              • April

                Huling tanong nalng ano vah ang inona nio visa vah or ticket? Sbi kc nila visa daw muna before ticket

              • Hitokirihoshi Post author

                Hindi rin kita masasagot in details kasi pagdationg sa itinerary, ticket, at budget yung kasama ko sa trip na yan ang nag-asikaso si Mhona. Mayroon din syang blog about South Korea and her other trips – ito yung link http://mhona31.tumblr.com/

                sa visa, i think tama naman yun kasi baka makakuha ka nga ng ticket pero di naman ma -approve ang visa application mo wala rin di ba . pero kami inuna namin yung ticket bago ang visa. kasi habol na talaga namin yung promo fare muna. 😉

              • April

                Eh diba may show money padaw yan sa airport? kanya kanya vah kayo or OK lng na dalawa na kau don sa ipapakita mong pera

                At sa pag apply nyo ng visa kanya knya din vah kau ng show money?

              • Hitokirihoshi Post author

                i think magkaibang bagay ang sinasabi mo like pocket money sa show money o ako na ang nalito. sa show money gagamitin mo yun para sa visa application mo. hindi ko alam kung gaano kalaki ang bearing noon sa application pero nagpakita na rin kami ( ganoon naman kasi sa halos lahat ng visa application). ang ginawa ko, humingi ako ng bank certificate sa bangko ko para patunay. hindi naman ganoon kalaki ang need pero sabi ni Mhona ideal ay nasa 25k pataas.

                para sure ka sa need na details visit ka south korea immigration baka kasi may binago sa visa. ako nga wala naman doon sa requirements pero hiningan ako ng something doon sa alma mater ko.

                tapos yung pocket money tulad ng nabanggit ko… yun naman kasi talaga ang gagamitin mo dun sa south korea. 😉

              • April

                Ahh canon vah nag tataka nga akuh sa mga nagsasabi sken na kanya kanga daw pati budget tapus grabe naman kailangan daw 100k daw ang minimom ng show money sa airport tapus pti daw sa pag apply ng visa dapat malaki din daw ang maepakita para ma aprobahan daw ung visa need din daw ng isponsor

    • April

      Ung show money bah kailangan kanya kanya bah? Pti sa pag kuha ng visa kanya kanya din bah ng show money? Balak kuh kc isama ang pensan kuh kso sbi nila knya knya daw? Ng show money

      • Hitokirihoshi Post author

        oo kanya-kanya kayo ng show money at hindi yung cash kundi certificate lang from the bank mo na may ganito kang halaga ng pera. of course may exemptions dyan siguro like kung minor ka or showband kayo etc. Hindi naman 100K ( although ideal mas malakii di ba) pero ako nga 25-30 lang ata yung show money ko. tapos feeling ko hindi rin naman yun ang tiningnan. mas pinansin pa nga yung COE ( Certificate of Employment) at Diploma ko. yang mga kasing requirements na yan ang magpapatunay na afford kang gumastos at uuwi ka naman.

        • April

          Ahh ganon pla un cnxa kna ang dami kng tanong gusto kuh kc malaman ang lht ung COE san ba yon kinukuha

          Para mas madali ganito nlng ang itatanong kun sau hehehe..
          Ano vah ang mga dala nyong requirements Yong lahat lht na tlga ?

          • Hitokirihoshi Post author

            Okay lang, no problem kung kaya ko naman sagutin . yun din naman isa sa purpose ng pagba-blog ko at ng post na ito ang makatulong 😉

            ang COE ay nakukuha sa company n’yo kung empleyado ka particularly sa HR Department nyo.

            sa requirements the best tip ay check mo yung mismong website ng korean embassy dito sa Pinas. Kasi may minimum requirements, extra, at who knows may binago. Ang naalala ko na dala ko ay COE, ITR ( Income Tax Return mahihingi mo rin sa HR dept), Certification from the bank ( ung show money), Transcript of Records ( TOR from your school), passport ( hindi dapat ito mag-e-expire na in 6 months)… yung iba nakalimutan ko na pero sdiguro dala ko ay katumbas ng 2 clear books dahil ayoko ng pabalik-balik, hehehe

        • April

          Ahh ganon pla un cnxa kna ang dami kng tanong gusto kuh kc malaman ang lht ung COE san ba yon kinukuha

          Para mas madali ganito nlng ang itatanong kun sau hehehe..
          Ano vah ang mga dala nyong requirements Yong lahat lht na tlga ?nong punta kayo ng Korea at OK lng vah kht wla ng mag iisponsor as amin?

          • Hitokirihoshi Post author

            – wala naman din nag-sponsor sa akin, sariling pera namin ang dala namin. i think if you declare na tourist kayo mas mainam if walang sponsor. kung tama ako ang sponsorship ay para sa mga nag-i-stay ng 6 months or yung application for immigration na . yung lang baka ma-question, bat kayo aabot ng one month pero if you can give valid reasons naman papayagan ka rin naman. at the end of the day ay turista ka ka sa kanila at kikita sila sa inyo di ba 😉