Wala akong paboritong balladeer pero kung meron akong papaboran na local singer, ito ay si Mark Bautista. Nakilala sa pagsali sa mga singing contest, proud Bisaya, tumutulong sa pamilya, at may buo at kalidad na boses.
Sa isang pambihirang pagkakataon ay nakapunta ako sa birthday party con house blessing ni Mark sa Fairview, Quezon City noong 2007. Doon ay nakilala ko kung sino ang kanyang malalapit na kaibigan, sinusuportahang pamilya at ang kanyang kabaitan sa pananaw nila.
Proud Bisaya
Ilan sa natsika namin ay ang singers na sina Jimmy Marquez at Sheryn Regis. Kapwa, sila taga Visaya at nakakatuwa na dahil doon ay nabuo rin ang kanilang samahan. Sabi Sheryn at Jimmy, parang kapatid ang turing nila kay Mark at ang kapuri-puri daw dito ay kahit pagod na si Mark ay hindi ito makikitang nakasimangot.
Nandoon din ang former actress-host Rica Peralejo na nagsabing kung ano ang taas ng boses ni Mark ay ganun din ang kanyang mga banat, singer Eric Santos, actor-singer Piolo Pascual, singer Acel Bisa-Van Ommen ( former vocalist of Moonstar 88), at balladeer Jeffrey Hidalgo (former member of 1st batch of Smokey Mountain). Sabi ni Jeffrey ay isa si Mark sa nice people sa showbiz at alam nito alagaan ang bunga ng kanyang mga pagsusumikap lalo pa’t ito’y may humble beginning (paano ba i-Tagalog ‘to – mapagkumbabang simula?). Kwento pa n’ya ay may partisipasyon s’ya sa unang bugso ng career ni Mark, dahil isa sya sa judge noon sa Star for a Night kung saan naging first runner up winner si Mark at champion si Sarah Geronimo.
Building of Success
Malaki at maaliwalas ang bahay ni Mark sa Kyusi. Kasama n’ya rito ang kanyang pamilya. That time ay nag-aaral pa ang kanyang nakababatang kapatid ng Culinary arts at ito na rin ang naghanda para sa celebration ng kanyang kuya. Hindi ko natanong pero baka si Mark na rin ang nagpapaaral sa kanyang kapatid. Ang sabi, ang bahay na iyon ay personal na dinisenyo ni Mark na ginaya n’ya sa mga hotel na kanyang napuntahan. Papasa namang hotel iyon dahil sa taas, sa pagka-cozy, sa liwanag at sa ambiance nito. Pero nakaw pansin sa akin ang collection n’ya ng cute na cute na Superman at Batman. Wish ko lang mayroon din sya Ironman at Spiderman nang makahingi ako.
Longing for a trademark song
Compare with other singers na kontento sa mga cover songs, si Mark ay nag-express na gusto n’yang magkaroon ng original signature song. Sa boses n’ya, sana nga ay matupad ang kanyang pangarap.That time naalala ko pa na trip ko ang version n’ya ng I need you ni Leann Rimes.
Pero alam n’yo ba na sa kabila ng kanyang stage presence, clear voice na nahasa n’ya raw sa kanyang pagsali sa mga oration at gumandang pangangatawan ay naglalagay s’ya ng perdible or pin sa kanyang sapatos para mabawasan ang kanyng kaba. Kasama pa nga ito sa na-feature sa buhay n’ya sa Maalaala Mo Kaya noon.
Nagkaroon na rin ng acting projects si Mark bago yung huli kong napanood sa kanya sa Temptation of Wife sa 7. Apart sa pagiging kubang manliligaw ni Anne Curtis sa Kampanerang Kuba ay nagbida na rin sya sa pelikulang Lastikman with Sarah Geronimo.
Hindi na ako nakakapanood masyado ngayon ng TV pero I hope he’s doing well and wish kong makilala pa ang kanyang galing sa kanyang tunay na talento, ang pagkanta. In fact naisip ko noon kung sasali ako sa isang songwriting competition, s’ya ang gusto kong maging interpreter. Pero puwede ring duet kami, alangan naman hindi ako sumali sa spotlight di ba?
Mabuhay sa iyo Mark Bautista!
Pingback: Filipino singers na sumikat, mula sa Talent Shows
wow ganda naman po ng write-up mo sa idol kong si Mark B. I hope you could make another write-up for with his other accomplishment like his theater plays (2011 Noli Me Tangere and 2013 Full Monty), his 6 albums, his solo concerts (phils & US) etc.
THANK YOU for this write-up
hi Rowena and welcome sa Hoshilandia! at ikinatutuwa ko na mabigyan ko ng kasiyahan ang isang fan na katulad mo.
Let’s see kung magagawa ko ang request mo, pero so far gusto ko mag-concentrate sa mga personal experiences ko sa mga artista. maraming salamat!
Pingback: Mark Bautista, Superb Singer & Proud Visaya | kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI