Like What Madonna says Life is a mystery at hindi mo madaling makukuha ang rationale sa sarili mong pagre-reflect lamang. We need someone na magsasalita at magre-react sa mga katanungan natin sa buhay. Pero sa totoo naman ‘di ba kaya naman natin magkanya-kanya o mapag-isa? So, Bakit ba Kailangan na Kailangan na may social life Ka?
To know you’re alive (pala)
Surprise! Minsan pala may instant reaction ka na hindi mo alam na magagawa mo. At nangyayari yun kapag may someone or something na bago o matinding pagsubok like ang limit ng pasensya mo, tindi ng galit, kababawan, katangahan, kalandian, etcetera- etcetera.
To reduce your regrets
May mga hindi mo nagawa dahil unang-una mahiyain ka at walang kang connection. Like minsan may nadya-judge ka base sa iilang experience na nakita mo s’ya. Malalaman mo lang pala ang kagwapuhan o kagandahan ng personality n’ya kapag naikuwento na lang sa’yo.
To counter narrow-mindedness/ idiocy
Sabi nga ng Eraserheads, marami ang namamatay sa Maling Akala. at hindi mo aakalain ang mga kabagayan kung hindi ka aware dito. Akala mo safe ka, marami na palang nangyayaring away sa labas at akala mo napapalibutan ka ng mga low class pero sa kanila mo pala ma-e-experience ang mga simple joys in life. Then yung feeling na out of place ka parati, hindi dahil binu-bully ka kundi “alien” ka lang makisama.
To enjoy FREE things
Gasgas na pero real, marami kang matutuhan base sa experience at makakaka-experience ka ng makabuluhang bagay base sa taong mga nakakasama mo. Like vocabulary, secrets, connection, short cut, easier way to do, free seminar, cheaper ticket (like my Black Eyed Peas‘ concert), home tips, tour at iba pa.
To learn The Trend & what’s fit for you
Yeah-yeah, magazines can give you several ideas in how to become chic and sophisticated. But that’s their idea and usually iba pa rin yung trend sa paligid mo. Iyong culture at fashion na bagay sa iyo kung usapang make up, workout, clothing, hairstyle or accessories. Mas sincere ang mga taong nakakausap para magpayo especially if they’re your acquaintances or friends.
To feel the real meaning of Friendship
You can find and discover one-of-a-kind of relationships sa pagiging active online. I can say blogging is socializing for me. But siempre iba yung real friendship base sa pagkaka-link ninyo ng personal gaya ng pag-uusap, pagtatrabaho or paglalaro. Ang friendship ay yung hindi kung kailan lang kayo online pareho friend o puwede kang mag-invisible ‘pag wala kang mood makipag-usap sa kanya.
To appreciate things such as BAYANIHAN, KAWANG-GAWA at MALASAKIT (care)
Hindi malabo na minsan isipin mo na there’s no hope for the Philippines, trending ang mga manloloko, may scarcity ng gentleman sa bus, peperahan ka lang, at mabuti ka lang kapag may kailangan sila sa iyo . Nega no? Excuse me, pero hindi poverty porn yung napapanood mong feature news sa TV. Yung mga NGO ni Janet Lim Napoles, hindi yun ang totoong mukha ng mga NGOs dahil mayroon talagang mga samahan na sinserong tumutulong sa mga kapus-palad o taong/ Pinoy na sadyang matulungin.
To Find Your True Love
Huwag kiligin masyado, love is universal and minsan vague pa sa usapang sosyalan. Pero sige isa-isahin natin ang power ng social life sa love…
- Ang pag-ibig ay parang kabuteng kung saan-saan tumutubo, pero kung ikaw ay isang makahiya sa isang paso, ni ligaw na damo baka wala kang mahanap.
- Ang pakikipag-relasyon ay gaya ng kuryente. kahit ikaw ay isang mamahaling flat screen TV kung ‘di ka ko-connect sa plug wala ka ring silbi.
- May mga tao na gaya ng magkabilang lane, walang next phase o new discovery sa isa’t isa kung ‘di kayo tatawid sa foot bridge or ped xing (a.k.a pedestrian lane).
- Ang pangarap o passion ay parang puno ng Santol (‘to sample favorite fruit ko e), kung hihintayin mo na lang bumagsak sa iyo, booh!!! bulok na, may uuod pa.
Gets?
ped xing = pedestrain crossing. ayan naki tawid ako sa ped xing mo. gandang umaga.
gandang umaga cup. salamat sa pagtawid!
kailangan natin ang social life dahil parte yan ng buhay natin. (yan din ang irarason ko pag naisipan ko nang magresign hohoho! T_T)
oo naman dapat may social life para balance or else hindi ka social. hehehe
hmmm so pag nag-resign ka isa na ako sa hindi magtatanong kung why. because i know na. hohoho