Mister Tahanan


I

Araw-araw akin kitang iniiwan upang magtrabaho at makipagsapalaran.

Pagal, aburido, abala at kung minsa’y ang gulo-gulo pero

Ikaw ang laman ng aking puso’t  isipan ‘pagkat…

Sa piling mo lamang  ako’y may pahingang walang maliw

Nakakasumpong nang katiwasayin sa dibdib,

Nakakaranas nang totoong saya na walang patid at tipid.

Patalastas

II

Ginhawang hatid mo ay higit pa sa matibay na apat na pader.

Ikaw ang aking silong at lilim laban sa araw na tirik na tirik.

Ang konkretong kumot at kulambo sa gabing kay lamig.

Sinisinta ko sa umagahan, tanghalian hanggang sa hapunan.

Kung akin ngang pagbubulayan ay parang  palagi tayong magkahawak-kamay,

Nagtatapikan sa magkabilang-balikat

May kasama pang matamis na halik at yakap na mainit.

III

Kung posible nais kong hilingin na ‘di na tayo magkalayo.

Maging magkasuyo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at ligaya,

Sa umagang nakakatulala o kahit pa sa gabing ako’y nakatunganga.

Pero kung dumating ang punto na tayo’y kailangang maghiwalay ng landas

Ito ang iyong tatandaan…

Nasaan man ako at may ibang kahalo-bilo

Kabiyak ka ng aking puso, natatangi ka lang sa aking mundo.

 

Lahok sa Saranggola Blog Awards 5

dmci homes logo Saranggola 336x280



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Mister Tahanan