Ang napuntahan kong Taboan: Philippine Writers Festival sa Subic Freeport Zone kung saan nagtipon-tipon ang mga batikan, nangangarap at maging National Artists padating sa pagsusulat. Kung noon ay ngalan lang nina Virgilio Almario, Epifanio San Juan at Bienvenido Lumbera sa mga libro ang aking nakikita, sa pistang ito ay nahahanay na ako sa kanila… sa pag-upo sa unahan. Hehehe!
What’s with Taboan?
First time ko lang sa Subic, Olongapo at thank God memorable ito dahil unang-una ay may purpose, dahil sa festival na ito tungkol sa panitikan. Ngayon kung ang iniisip mo sa Taboan ay paluan ng bagay na pampaligo- tawa tayo sa joke mo hohoho! Pero seryoso, may katuturan ang malalaman mo sa Taboan, isang salitang Bisaya na ibig sabihin ay pamilihan, lalo na kung isa kang aspiring writer at gusto mong mas mapag-aralan ang lagay ng Philippine Literature o iba pang bagay na nakapaloob dito. See, direkta mo ng matatanong ang who’s who sa Panitikang Pilipino.
Teka balik tayo sa question na ano bang mayroon sa Philippine Writers Festival na dapat next year ay makasama ka rito bilang guest or delegate?
Easy Breezy Learning
Isipin mo yung classroom na walang pressure sa grade at terror na teacher pero ang dami mong scoop ng knowledge. Ganun! Ang kapistahan na ito ay mayroong iba’t ibang sessions na ang ilan ay puwede kang makapamili. Iyan ay maliban pa sa relaxing venue nila na this year ay sa Subic Holiday Villas.
Sharing and in depth discussions
Iba yung may touch ng emotion at personal experience kapag nagsi-share ka. It attracts attention and at the same time, nagbibigay ng spirit sa usapan. Sa lahat ng sessions, mapapakanta ka ng “Dito ba, oh dito pa ang sulok kong dapat kalagyan sa malayo sa scorching sun.” Samantala, ito ang mga talks na aking nadaluhan:
- ang buhay na buhay na Winds and Waves, Wars and Words (tema din ng Festival ngayong taon) ng Pinoy Kasi (Philippine Daily Inquirer) columnist na si Michael L. Tan, Ph.D.;
- Panitakan sa Panahon ng Delubyo, ang may humor and sense na usapan nina Virgilio Almario a.k.a Rio Alma at Bienvenido Lumbera
- Ang nakakaiyak, nakakatuwa at nakaka-move na Writing on the Verge of Personal Crisis nina Victorio N. Sugbo (Keynote), Janis Claire Salvacion Canta ( Waray writer), Nikos Primavera at energetic na si Maria Tangcay Jumawan
- Empowering session na The Nature Life of the Word: Translation as Preservation nina Nicolas Pichay ( keynote), the amazing Johnny Buhay, dedicated Agnes Espano-Dimzon, and striking Io Jularbal.
- Though- provoking Literature on the Edge ni Dr. Epifanio San Juan, Jr.
- At ang swak na swak sa aking Saved by the Web: Using The Internet to Revive Local Literature nina Maria Carmen Sarmiento (keynote), Malou Nicart, Jona B. Bering, and Zamboangueño folk singer Mannan M. Hapil
Book Fair
Siempre kung may manunulat dapat pasok din sa kapistahan ang mga mambabasa, kasama sa program sa loo bang Book fair kung saan present ang mga local na libro at iyong mula sa mga Universidad gaya ng sa Ateneo de Manila.
Pero mayroon din ditong mga souvenir items at crafts, na hindi ko rin pinalagpas at bumili ako ng top 1pasalubong ng mga gala- Keychains!
Tagay 7: NCCA Writers’ Prize
Alam mo yung na-appreciate mo yung makinig sa pagbasa sa mga katha sa ibang dyalekto na sa totoo lang ay hindi mo maintindihan kung anong eksaktong ibig sabihin? Iyon mismo ang naganap sa akin noong nag- essay, short story, drama , novel at poetry reading na nagpakilala sa mga panalong akda ng mga lumahok sa 2013 Writers’ Prize ng NCCA. Sino-sino sila?
Ariel S. Tabag (nobela sa wikang Ilocano)
Joselito D. Delos Reyes (maikling kwento sa wikang Filipino)
Hope Sabanpan-Yu ( sanaysay sa wikang Cebuano)
Rafael Banzuela Jr. (tula sa wikang Bikolano)
Jeremy Alexandre Evardone (drama sa wikang Waray)
Hanggang bukas, February 26, pa ang Taboan na puno pa rin ng aktibidad at kaalaman. Sa lahat ng bumubuo nito sa pangunguna ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) mabuhay po kayo!
Part 2: Panulat sa aking pananaw, lagay ng literatua ayon sa Taboan
[hana-code-insert name=’Zambales’ /]
hello, Hoshi… ang galing naman. mga ganitong posts mo ang ikinakatuwa ko lagi. may relevance, pop ang paraan ng pagkakwento at participative ang event na isini-share. kaya aliw kang blogger, kapatid. parang gusto mo laging matuto at makapag-share. gusto ko pati mga hirit mo, may scorching sun scorching sun, hehe, swak at tama lang… and thank you, nalaman ko, may lugar na Taboan, hehe. nasa Zambales and Subic ako recently, pero di ko alam – may Taboan pala, shaks lang. thanks, kind regards, kapatid… 🙂
Hello Sa saliw ng awit! Maraming -maraming salamat sa iyong komento. Napapalitan na ata ang mga hair kong nag-fall . hehehe
mabuhay at sana next year makasama ka rin sa Taboan. bagay na bagay sa iyo ito.
Pingback: 6th Taboan: There’s more for Philippine Literature | aspectos de hitokiriHOSHI