Nora Aunor, a Philippine National Artist?


Sa aking post na Ang Pinakapaboritong Nora Aunor Movies  na reaksyon ko sa feature story ng Sunday TV show na Ang Pinaka hosted before ni Pia Guianio (now ni Rovilson Fernandez) ay mas lalo kong napagtanto na kahanga-hanga nga ang husay sa  pag-arte ng tinaguriang Superstar of  Philippine Cinema. At nakapagtataka naman para sa akin kung hindi siya manomina bilang National Artist sa dami ng kanyang awards and recognition sa loob at labas ng bansa.

Nora Aunor
not Noranian but in favor of Aunor

Hindi ako Noranian pero para sa akin mapalad ako na mapanood ko ang kanyang mga klasikong pelikula gaya ng gusto kong Minsan May Isang Gamu-gamo (“My Brother Is Not A Pig”), Himala, at Naglalayag.  At gustong -gusto kong mapanood sa big screen ( sana patulan ng UP Film Center ang request ko) ang Bona at Ina Ka ng Anak Mo. 

Kahit na nga iba ang generation ko at mas expose ako sa mga foreign talents and social media, kinikilala ko ang galing ng isang local artist at tingin ko kahit mga Vilmanian ay di masasabing walang talento sa pagganap si Nora. Ngayon kong may iba pang dahilan para hindi siya masabing best actress, hmmm ewan ko na lang kung ano ba ang batayan ng sining.

NCCA and CCP’s nomination

Ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP) ay ang mga ahensya na nagnomina ng pangalan ni Nora para maging isa sa mga pinakabagong National Artists. Sina Alice Reyes (for Dance), Francisco Coching (for Visual Arts), Cirilo Bautista (for Literature), Francisco Feliciano (for Music), Ramon Santos (for Music) and Jose Maria Zaragoza (for Architecture, Design and Allied Arts) ay ang mga nakapasa maliban na nga kay Nora.

Kung maniniwala tayo sa mga negative news about Ate Guy talagang hindi siya ang tipo ng babae o aktres na ilalagay mo sa pedestal. Pero hindi naman National Hero at National Filipina ang usapan, kundi ang kanyang sining at naiambag sa industriya. Kung halimbawa na may ‘di magandang image at reputasyon siya bilang tao hindi na natin saklaw yun.  Uuwi ba tayo sa puntong pagpipilitan natin na perfect ang mga artista for reel and real. Bagaman wish ng bawat manonood na sana mabuting modelo ang isang celebrity, hindi pa rin natin maiaalis na tao rin sila- nasasaktan, nagkakamali, nagkakasala, gumagawa ng masama, nagbabago at nagtatrabaho.

Between naman sa mga ibang award giving bodies sa local entertainment, mas kapita-pitaganan na ang NCCA At CCP. Ang kanilang mga hurado ay mga pantas pagdating sa sining.  At maraming artista sa ibang bansa, ang nagumon sa mga bisyo pero nagbago at naging mahusay sa kanilang larangan.  In end what matters is their gifts – hello Robert Downey Jr!

Bagaman mabigat ang titulo ng National Artist para dalhin ni Nora, IMHO  she deserves the title.

Patalastas

Para sa katanungan kong ano ba ang guidelines sa pagpili ng National Artist  pindot here



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.