Bakit Ka Nagnenegosyo? Essay ng Kahalagahan ng Pagbi-business


I had a long chat with my niece Sheyne and one of the many topics we talked about ay bakit ako nagnenegosyo. Naitanong n’ya kung bakit ko ba naisipan na nag-business kasi  malayo sa pinag-aralan ko and iba ko pang nakahiligan.  She’s asking out of curiosity, lumabas din tuloy ang aking spontaneity.  Nasabi ko ‘yong mga ideas, belief at yung self- analysis  ko. Doon ko lang din nadiskubre at napagtanto kung bakit nga ba ako nagnenegosyo.

I have a post entitled Confession of a Small Time Pinay Entrepreneur  na kung saan nagbigay ako ng ilang detalye. May nasabi at naisip pa akong iba dahil sa conversation namin ni Sheyne at ito ang laman ng post ko ngayon.

If you’re an employee, you earn while you’re employed

Work from Home -Home office

 There was a time na even yung mga big companies ay nag-shut down especially in the Philippines. Remember ‘yong change of direction ng NewsWeek at Intel Philippines, pati ng global financial crisis.   Years after noon ay muntik ding ma-dissolve ang division namin sa company. Hindi pa man ganoon kabigat pa ‘yong enthusiasm ko tungkol sa pagnenegosyo ay  namulat ako. Hindi ako puwedeng nakadepende sa kikitain ko lang sa pagtatrabaho ( lalo na kung isa lang work ko).

Hindi naman sa nega kundi reality check lang… kung iisipin may pera ka dahil sinasahuran ka. May chance na ma-office politics o magkaroon ng tanggalan sa trabaho. In a snap basta i-go ng management o big boss ay wala ka ng trabaho. That means wala kang sweldo so wala kang source of income. Ang worst noon ay kapag wala ka pang ipon.

Kung sa ibang anggulo natin titingnan – ang tadhana  ng isang empleyado ay para bang nakasalalay din sa kanyang amo. I don’t mean na all bosses are bad or being employed is not a bad idea. I  just want to point out na ideally  don’t rely sa employment when it comes to your  finances.

And one idea na nga naisip ko to improve my  personal finance ay magnegosyo ako kahit simple, maliit, o sideline lang muna.

 What’s the most important for you, time or money? 

Blogpalooza Loop Ai Social Network Personality

Hinding-hindi ko rin makakalimutan yung first time na nabasa ko ang  ‘Time is your asset.’  Initially ( or  siguro being part of millennial generation)  agree na agree ako sa sinabi ng writer dun. Ang idea dito ay take risks while you’re young kasi ano nga ba ang tindi ng enerhiya at guts mo kung matanda ka na.

Patalastas

Pero ngayon ang isang realization ko ay yung thought na “you’re being in control” in the endless possibilities na magagawa mo.  Nasa sa iyo kung anong oras ka gigising at isasara ang shop mo o kung pagyayamanin mo ang opportunity na mayroon ka. Honestly,  magulo pa ang utak ko  if where I focus, and malayo pa ako sa  ideal na kita. However compare dati, hindi na ako masyadong kabado pagdating sa finances. Kapag naranas ka na pala ng ups and downs, kapag natututo ka ay makaka-develop ka ng essential life skills gaya ng critical thinking at virtues gaya ng fortitude.

For me din ay time has more value than money. Nasabi ko sa aking post  ‘5 Perks You Ought To Know About Telecommuting‘ na malaking bagay sa akin ang mawala sa sirkulasyon ng traffic.  Kung susumahin sa araw-araw kong pagpasok at pag-uwi sa trabaho ay 4-8 hours dun ay viaje pa lang. Malaking bagay pala talaga iyong work-life balance.  Mas less stress, more time to learn, more chance to socialize, and more time to do many things kaya happier.

Naranasan ko na sumuweldo nang malaki, na siguro konti na lang afford ko na bumili ng sasakyan o makapaghulog na pambili ng bahay.  Pero bakit nanaig sa akin yung mga factors na nami-miss ko na ang “sarili ko” at ang family ko.  Oo gusto ko kumita ng pera, kaya lang ayoko mabuhay para sa pera. Gusto ko pa rin ma-try at ma-enjoy ang bagay-bagay sa buhay na ito at magagawa ko iyon kung may oras ako, at hindi lang pera. Sa business magagawa mo pang maka-bonding o makatulong sa family mo.  Baka nga mas kikita ka pa ng mas malaki kung hawak mo oras mo ‘di ba?

Your Future is Actually Happening Now

The Mind Musuem's Atom Gallery
The Mind Musuem’s Atom Gallery

Isa sa naipayo ko kay Sheyne, na nakuha sa mga seminars, to ‘think or behave like an entrepreneur not only as an employee.’ Dapat hindi lang pagiging empleyado ang aim after na matapos mo ang pag-aaral mo. Traditionally,  ang mentality ng employment dito sa Pinas ay nakaka-concentrate ang mga tao sa kilalang companies.  Kung passion mo yung pinag-aaralan mo, mapu-frustrate ka na lang kung hindi matupad-tupad ito dahil nahihirapan kang matanggap sa work.   

Since Psychology grad si Sheyne sinabi ko sa kanya na  puwede ring hindi s’ya magtrabaho sa hospital, clinic at  school. Iyan ay kung open siya na puwedeng siya mismo ang magkaroon ng sariling clinic. Who knows puwedeng magkaroon din s’ya ng TV or radio show na may kinalaman sa Psychology.  You can do  that if you master your skills,  aim to become expert, or excellent negotiator/ businessman.

At the end of the day, when you finish your entire employment years ( or after 20-30 years) what will you do ba? Marami ang next step  ay negosyo ‘di ba?  So why not build it now kung kailan may resources, energy, at chance ka.

Ikaw bakit ka nagnenegosyo o nagbabalak magnegosyo?



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.