Movie Review: A Second Chance


Movie tick

Prior to A Second Chance, I got the chance to watch an interview of John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo.  In the said interview, where Carmina Vilaroel was the host, I am amazed sa level of thinking ni JLC.  And I realized so many things in his unique career as an actor, at ngayon dito rin sa movie n’ya with Bea Alonzo.

A Second Chance: The Hugot Dialogues

Ang unang ma-appeal sa akin  pagdating sa screenplay ay dialogues. Minsan kasi kahit anong ganda ng flow ng story kung sasablay sa mga linya, mawawalan ng dating ang pelikula (for me ha).

Totoo, ang daming hugot lines sa A Second Chance na kay sarap i-note, pero  hindi mo gagawin kasi na-a-amaze ka kung paano ibinato ng mga  actors- kung baga dapat  in the moment ka. Yung mga linya ay tipo bang hindi ipinaraan at ipinilit, kundi kusang binitaw na akala mo normal lang ang mga ‘yon sa araw-araw.  And that’s a total package for me  dahil na rin sa mahusay na direction ni  Cathy Garcia-Molina at sa mga writers ( Vanessa Valdez and Carmi Raymundo). Hindi rin ako na-disorient nung nag-flashback at bumalik sa present.

Napanood ko rin yung interview ni JLC at Bea sa Tonight With Boy Abunda na sinabi n’ya basta something na may maisip ang manood pagkalabas ng sinehan ay fulfillment na iyon.  Puwes, JLC idagdag mo ito sa fulfillment ng  A Second Chance. Wala pa akong asawa at ni dumaan sa ganun pagsasama  pero nadala pa rin ako ng “what if,” “what is,” and “what will be.”

Nadama ko yung buwiset ni Basha sa iyo at kung gaano ka-frustrating ang pinagdaanan mo.  I realize personally na oo nga, may mga bagay na hindi mo pinangarap pero iyon ang nangyayari at nasa sa iyo kung paano mo ito iti-take. Naisip ko raw talaga  na parang gusto ko ulit bumalik sa  pagiging goal-oriented, kung sa pagiging result-oriented ay hindi ko maa-appreciate ang journey  at people na sumuporta sa akin.

Credit: Facebook/ ABS-CBN Film Productions, Inc.
Credit: Facebook/ ABS-CBN Film Productions, Inc.

A Second Chance Direction/ Musical Score

Nitong mga nakaraan ay feeling ko mas nadadala ako ng instrumental (musical score) at bagong kanta sa isang pelikula. Gasgas na kasi ang paggamit ng cover songs pero bakit kahit ayoko  ng kantang What Matters Most (no-no pa rin s’ya sa kasal ko) ay approve pala ‘pag si Juris Fernandez ang kumanta kapag sa kasal nina Popoy at Basha.  At kahit araw-araw ko napapakinggan si Eric Santos ay may dating pa pala ang kanyang I’ll Never Go far Away From You sa akin …dahil kina Popoy at Basha.

Samantala bakit kaya hindi naman matindi yung pagguho, wala namang  appeal ang pagsesemento, at pati na ang pagbasa ng mga plano, pero parang nakaka-stress sila tingnan?  Sagot? Ganun katindi yung acting ng dalawang bida at execution ng director.  Pero sa lahat ng props at setting, ang Gonzales + Gonzales’ office/logo ang pinaka ma-appeal sa akin. Kung kahit di pa yun ang surname mo?  Kapag  artist at negosyante ka, makita lang ang credit ng name mo ay ang LAKI-LAKI ng simbolo nun para sa iyo.  Ipinadama sa akin yun ni Popoy, salamat!

Patalastas

Supporting cast:

Pero siempre I commend din yung supporting cast ( Ahron VillenaBea Saw, and James Blanco)  especially Dimples Romana, Janus del Prado, Billy Crawford, Khalil Ramos and Arci Munoz.  I think maganda yung  role ni Arci  ( na gumanap na kabit number 3 sa Etiquette of the Mistresses) and she delivered it right.  Ang ganda niyang temptation hindi lamang sa usapang pisikal at  potential na “kabit”  kundi sa  relasyon at pagkatao ni Popoy kay Basha.  I don’t know kung kakayanin ko na hindi rin magdalawang-isip as Popoy kasi ang pangako niya ay magandang boost sa pagkatao mo.  Sinong tao na ayaw na muling maramdaman ang excitement o kalimutan yung failure sa buhay n’ya kung ito na ang oportunidad?

Please read the second part of review for this film which is about John Lloyd Cruz and Bea Alonzo.


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

3 thoughts on “Movie Review: A Second Chance