Movie Review: Walang Forever starring Jericho Rosales, Jennylyn Mercado


Isa ako sa nag-enjoy sa English Please Only last year, kaya  good thing siguro dahil sapat ang dami namin na nanood para magkaroon ng ganitong klase ng film ulit ang Walang Forever.  Yes halos iisa ang nasa likod ng cast at crew   nito gaya ni Jennyln Mercado, Dan Villegas at Antoinette Jadaone.  Ang napakabuenas na addition dito ay si Jericho Rosales.

Jericho Rosales, Jennylyn Mercado sa Walang Forever

Walang Forever poster_hoshilandiaJericho Rosales. Sa hindi pa aware, ang dapat kasama ni Jen ay si JM De Guzman.   Okay…Pamilyar ako sa arte ni JM  (fave… Ang Babae Sa Septic Tank) at sa gauge ni Echo (fave ko pa rin ang Santa-Santita).  Habang pinapanood ko si Echo as Ethan Isaac, naisip ko rin what if si JM ang nakikita ko.  Ang point e, parang tailored made kay Echo yung character simply because he gave his soul kay Ethan. Binura niya sa alaala ng manonood na hey sinalo ko lang ito, bagkus this is mine.  At nakaka-good vibes yung nag-complement ang acting nila ni Jen. It proves din na you just need a good actor for the soulful role. Medyo na-miss ko yun ganitong Echo, yung chill lang pero intense. Bagay sa kanya at sana magsunod-sunod pa ito.

Jennylyn Mercado. I don’t want to think nor care kung sakaling ma-typecast si Jen sa ganitong rom-com film. In fact, kung siya ang maging representative ng hindi pa-tweetums and targeting yung mga yuppies- gorah! May mga naghahanap din naman ng iba pang level ng pakilig.   Hehehe!

Sa acting, parang mas na- feel ko ang lakas ng teamwork nila ni Jericho kaysa pagganap n’ya sa sa mga solong eksena ni Mia Nolasco. Saka nahati  rin naman sa ibang element yung film like yung back story at films-with-in-a-film effect. So for me, ang utak ng pelikula ay si Mia pero ang puso nito ay si Ethan at ang istorya plus ibang tauhan ang katawan.

Kung kumpara naman sa  English Only Please, mas gusto ko ang character ni Jen doon. Mas nangibabaw ang kanyang acting kasi IMHO may pagka-character-driven yung film.

Dan Villegas, Paul Sta. Ana sa Walang Forever

Siguro dahil  ito yung type of film ko or what, pero mas marami akong narinig na tawa dito  ng audience kaysa sa isang napanood kong rom-com. Dinala sa dialogue, hugot, at timing ng supporting cast. Siempre nakitawa rin ako pero mas naapektuhan ako ng thought na  parang nag-o-overlap sa paningin ko na hinimay-himay na Jadine, On the Wings of Love at The Fault in Our Stars (film adaptation of John Green’s novel starring Shailene Woodley and Ansel Elgort) ang movie.  Hindi ko naman inaakasuhan sina Villegas at Jadaone, Paul Sta. Ana (the screenwriter) na ganun ha, napaisip lang ako kasi siguro…

  • Ilan sa extra sa film ay taga-Tenement Uno ng On the Wings of Love. Ang nagmarka sa kanila ay yung kasama sa house ni Echo na nasunugang kapit-bahay ni Leah (Nadine Lustre) at ang pagkabading ni Juan Miguel Severo (Rico ng OTWOL). Bukod sa kanila nandoon din si Nico Antonio (Tolayts) at kapitana. Tama ba ako na yung  tigok nang dyowa ni Simon ( Paulo Avelino) yung asawa ng sidekick ni Echo sa film?
  • Nagbigay ng aso si Ethan kay Mia – Parang si Clarky Boy lang nina James Reid at Nadine
  • Yung sama mo naman ako sa pangarap mo ( Ethan) at Sama mo naman ako sa laban mo (ni Mia) parang may eksena rin na ganyan sa OTWOL … parang ha
  • Yung inuuna ni Mia ang career niya…very OTWOL these days
  • May isang karakter dito na may sakit at nandoon nakasalalay ang Forever…  so naalala ko ang line na ito ni Hazel Grace Lancaster sa The Fault in Our Stars.

There are days, many of them, when I resent the size of my unbounded set. I want more numbers than I’m likely to get, and God, I want more numbers for Augustus Waters than he got. But, Gus, my love, I cannot tell you how thankful I am for our little infinity. I wouldn’t trade it for the world. You gave me a forever within the numbered days, and I’m grateful.

Sakto naman ang pag-incorporate ng mga elements na ‘yan sa Walang Forever. Napaisip lang ako… so habang tumatawa yung iba, nag-iisip ako heheh KJ! Funny moments sa akin yung di ko matanggap ang itsura ni Juan Miguel, nagpa-blond na at may syota pang guwapo.  Sakit sa bangs! Saka gusto ko yung sidekick / bff ni  Echo akala ko noong una ay si Rico Blanco. Unang reaksyon ko “sheet si Rico nag-comedy?” Ahahaha.

Patalastas

Sa lahat ng non-Mia & Ethan scenes, pinaka-trip ko yung inuusig ng mga friends nila si Ethan then ipinaalam ni Ethan’s BFF yung totoo. Ganda ng palpal scene, butata ang red lips ni ate at kalawang  hair ni Juan Miguel Severo ahahaha.

Walang Forever’s strengths

  • Dialogues – “sama mo naman ako…” at lahat ng hirit ng matabang kinakapatid ni Ethan. Congrats screenwriter Paul Sta. Ana.
  • Ethan’s struggle
  • Ganda ng setting – feel ko yung pagka modern and career oriented nina Ethan at Mia. Medyo aware ako sa Coworking space so “yun pala yun,” yung magtrabaho sa coffee shop, yung pagiging simple ng buhay mo kahit successful ang career mo.  Siempre nandyan pa yung sana makapag-travel din ako sa Taiwan
  • Of course ang effective portrayal nina Echo at Jen

Update! Echo’s thoughts on Walang Forever



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

2 thoughts on “Movie Review: Walang Forever starring Jericho Rosales, Jennylyn Mercado