Bukod sa pagiging romantic and advocacy film, Lakbay2Love is like a Hollywood independent movie for me. Solenn Heussaff, Kit Thompson, Patricia Ysmael, and Dennis Trillo look and act like authentic in their roles. On the other hand, scenes and cinematography are refreshing. Lakbay2Love ay mapapanood na sa sa February 3 in your favorite theaters. Want to know my review about story?
Ingredients of Lakbay2Love Story
Kung sanay ka sa mainstream at fast phase, baka medyo may mga part na mababagot ka. Pero for me, suave ang flow mula sa simula nang matanggap nina Lianne ( Solenn) ang videography project nila hanggang sa pag-cover nila about sa biking at forests kasama si Jay-R (Dennis).
Kung susumahin ay maraming pang isinahog na personal and career related issues sa story like yung past and present nina Lianne at Macky (guapong Kit). Subalit sa akin ay hindi lamang naitawid na swak ang mga iyon kundi nagsilbi rin na adisyon at commercial sa pinaka itinatampok na usapin sa movie ang biking, travel and environment.
Biking 101
Aaminin ko na malayo sa personality ko ang mag-bike as in maging sports and hobby. Pero kahit ganoon, na-entertain and na-inform ako ng Lakba2Love sa mga bagay na may kinalaman dito. Gusto ko yung mga biking 101, pagpapakilala ng klase nito, at kung anu-anong tipong bike ang mabibili. Malay ko ba sa trail biking at road biking, eh ang alam ko lang talaga ay single, side car, backride, at kapag mataas na bike ay mountain bike. Hindi ko nga alam na mayroon pa lang pambabae at bike na gawang kahoy sa Benguet. Kaya sa bahagi ng biking, trip ko yung na-inform ako sa types of bikes and where the beautiful places to bike in the Philippines.
By the way, isang dahilan ba’t nag-aalangan ako na mag-bike ay dahil hindi ako magbalanse. Kaya natamaan ako sa line sa movie “Keep moving to keep your balance” at “one pedal at a time.”
To Lakbay is To Discover
Ito siguro ang top 1 sa mga bagay na nagustuhan ko sa film. Ipinakilala ako nito sa mga kagubatan sa Pilipinas ( at sa’n maganda mag-bike). Kung ‘di man PA man ako mahikayat na mag-bike ay naanyaya na ako nina director-writer Ellen Ongkeko-Marfil na bisitahin ang iba’t ibang kagubatan. Taga- Kyusi ako at siguro two times na ako nakarating sa La Mesa Eco Park, pero parang di ko pa pala nalilibot yung buong lugar kung pagbabasehan yung sa movie – mukhang dapat na akong bumalik. Bukod dito, naitampok din nila ang Mt. Maranat, Benguet, Mt.Sinai, Mt. Balagbag at iba pa. kaya next goal ko sa travel ay hiking and trekking!
Agree na agree ako sa linyang ito ni Lianne.
‘Ito dapat ang nilalagay sa Instagram.”
for me this particular scene is the heart of the movie. Nasa sa iyo kasi kung sino at anong makabuluhang bagay ang gusto mong i-feature sa (Instagram ng) buhay mo.
Healthy Environment and Peace of Mind
Inaasahan ko na maipapakita sa film ang ilang environmental issues. Pero ang hindi ko inaasahan na madadala ako sa “sad feel” na ipinamalas nina Solenn at Dennis dun sa isang area na napuntahan nila. Dito ko gusto ang karakter ni Jay-R , feel mo yung concern n’ya na hindi OA sa lalim at yung pag-aalangan n’ya para sa kanyang kasalukuyan at sa hinaharap ng mga kagubatan. Aaminin ko na sa kanya ako na-inform tungkol sa trabaho ng mga forester. Baka nga hindi ko alam na may ganoong career, alam ko lang environmentalist at yung sa mga park. Parkerer?
“Di ko na iisipin ang mangyayari (30 years from now) kung tama naman ang ginagawa ko ngayon. – Jay-R.
Bukod sa 3 isyu na ‘yan at sa love life ng mga bida, gusto ko yung pag-play sa up sa reality ng mga writers na nakaloob sa career at pera. Narito ang video ko sa aking tanungan portion with Direk Ongkeko-Marfil sa script.
Movie review: Lakbay2Love part 2
- acting
- music
- Hoshi’s Rate
Pingback: Movie Review: Lakbay2Love part 2 - aspectos de hitokiriHOSHI