Analysis: Trends, Issues of Love Teams sa Pinoy Showbiz


Credit: Facebook/ KimChiufnpage/

Credit: Facebook/ KimChiufnpage/

May nabasa akong comment about KimXi (Kim Chiu and Xian Lim) sa Youtube ( trailer ng The Story of Us) na parang wala na yung init ng  love team nila. Siguro binase sa standing ng All You Need is Pag-ibig compare sa ibang MMFF entries na may love teams din. Gusto kong mag-comment pero bakit pa doon kung may website naman ako di ba?  Naisip ko lang din…

  • Ilan ba ang nanood ng isang series dahil nagandahan sila dito at di dahil super fan ng mga bida?  
  • Hindi rin ba mahirap sa mga TV or movie stars na na magpaka-aktor sa limistasyon ng love  team, fans at iba pa? 
  • May magka-love team bang never naghiwalay sa kanilang projects?
  • At kailangan bang no. 1 sa ratings at box office talaga ang projects ng mag-love team para masabing solid sila?

Love Team concept in The Philippines

In my humble opinion/ observation (IMHO), ang hype ng celebrity na nasa love team ay edad 13-25 dahil na rin sa hatak sa young audience. In fact, ‘pag nasa edad 23 pataas ka na ay halos matured role na kadalasan ang ginagagawa or something to prove na nakakaarte ka. Lalo na kung ang foundation ng pagsikat ng isang artista ay love team or pagiging child star. (You know what, hanga ako kay 33-year old actress na si Jodi Sta. Maria dahil nakakadalawa na s’yang  unconventional tandem – Richard Yap sa Be Careful with My Heart at  Ian Veneracion sa Pangako sa Iyo. It proves yung pagiging actress.)

Credit: Instagram/ Star Creatives

Credit: Instagram/ Star Creatives

Sa kaso ng KimXi,  IMHO nasa transition period na sila. Meaning, maintaining and sustaining pero kailangan nang i-level up ang istorya para sa kanila kasi nagma-mature na rin ang audience nila (sabayan ‘di ba). Usually sa ibang love team, kailangan maghiwalay ang dalawang artista to prove something pero sa KimXi they’re together sa transition. Risky yun in a way lalo na kung hindi solid ang fandom mo at hindi rom-com. Pero may isa pa naman alas dyan para- patunayan mo na magaling ka!  At para sa akin, yun ang dapat na aim ng bawat  artista kasi base sa mga alam kong nagtagal –  versatile, may karisma at award-winning.  Sa IMHO,  mukhang magtatagal si Kim at in fact, ang gaganda ng mga concept ng TV series n’ya from Sana Maulit Muli ( about Time); Tayong Dalawa (PMA); Ina Kapatid Anak  at ang napanood kong Ikaw Lamang (period drama).

Sino ang sikat? Love team or solo artist?

Okay, sino ang alam mong sikat na sikat young star ngayon na walang ka-love team?  Ako walang maisip eh bukod kina Julia Montes at Julie Ann San Jose, pero pihadong mayroon na hindi ganun ka-sikat (o ako mismo di ko kilala) pero magaling at talented. Pero sa akin may…

3 usual ways to become famous sa Showbiz

  • magpa-seksi– well mula ng mag-rule ang SM cinemas na something about R18 films ay unti-unting namatay na ang daring films. So mild na lang meron ngayon or pang magazine na lang ang mga chikas. Pero IMHO  nauso yung sweet n seksi beauties like Anne Curtis, Angel Locsin, Jennylyn Mercado at iba pa.
  • mag-indie –  Ilan pa lang ang alam kong successful sa pag-i-independent film  gaya ni Coco Martin. (Pero kung matatandaan, sa indie film na Lagarista unang napansin si Piolo Pascual). Para sa akin kapag napapa-indie film ay nahahasa pa ang acting ng artista kaya in a way dagdag  sa star and talent value lalo na kapag nagka-awards…like what happened kay Lovie Poe, Jake Cuenca, Edgar Allan De Guzman, JM De Guzman, at  iba pa.
  • at mag-love team. Pero trial and error din ang love team ha… Bago na-partner si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla ay naipares s’ya kay  Makisig Morales (Super Inggo),  Kristopher Martin (Endless Love), at  Albie Casino (Mara Clara).  Ganun din naman siempre si Enrique Gil di ba? Nag-Julia Montes, Julia Baretto, at ngayon kay Liza Soberano.

She's Dating A Gangster Movie Poster

Natutuwa at natatawa (tawanan na lang kaysa mainis) minsan sa mga fans ng mga love teams.  Hindi ko maalala kung naging super fan ako ng kahit anong love team siguro kasi mas nakahiligan ko ang anime. Pero mas bet ko na obserbahan mismo ang arte ng artista at ganda ng proyekto kaysa tandem. Manonood ako basta interesting walang Kapa-Kapamilya, Kapuso o Kapatid. Hindi naman sa nagpapaka-artistic or what, pero bakit ko naman kasi pag-aaksayahan ng pera at panahon ang isang TV or movie project dahil lang sikat ang artista. Siguro puwede pa yung sikat na magaling na artista or kasi nakaka-relate ako. Pero  kung ia-analyze…

Sundan ang part 2: Disadvantages of love teams. 

 

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “Analysis: Trends, Issues of Love Teams sa Pinoy Showbiz