Kinaaliwan ko minsan ang makipag-usap sa mga senior citizens. Siguro kasi noong bata ako ang lagi kong nakakasama ay mga lola’t lolo ko. Para sa akin parang may ibang atmosphere at lalim ang conversations with the oldies. Bigla-bigla ka na lang makapag-reflect ng life lessons mula sa kanilang mga experiences. Tipong ano kaya ako pagtanda? Narito ang ilan sa mga unforgettable lessons I learned from senior citizens ngayong taon:
True test of Marriage is when you have your kid(s) already
Subject: Si Manong ay nagbabantay ng kanyang asawang senior citizen din sa hospital. May sakit din siyang COPD at may buwan o taon na silang nag-i-stay sa hospital.
His Story: Nanood kami ng final episode ng On the Wings Love nang mag-comment si Manong. Sabi n’ya sa umpisa lang daw ang sweetness at lambingan kapag ikinasal na. Kapag dumating na iyong anak ninyo ay doon na raw talaga ang totoong tibay ng relasyon.
Napunta kami sa kanyang pagbabantay sa asawa (nagke- chemotherapy) na that time ay tulog. Sabi niya ay kung sa sawa na ay matagal na siyang sawa sa kanilang buhay. Sa araw –araw na nandoon sila sa hospital ay paroo’t parito lang s’ya sa canteen at botika.
Reflection: Pero bakit nga ba hindi na lang n’ya iwan ang asawa niya kung nagsasawa na s’ya. Bakit taimtim pa rin niyang pinagsisilbihan ito? Bakit pinapalitan ng diaper, pinapainom ng gamot at inaalalayan saan man sila magtungo sa hospital? Sabi nga isang kuya ko ay “Buti pa silang dalawa… may forever.”
Relationship is beyond feelings (because sometimes Love just Ain’t enough)
Subject: Si Ale ay maraming pinagkakaabalahan. Puwede sa kanya magpadasal, magpahilot, at iba pang usapang mapagkakakitaan. Aktibo rin siya sa simbahan at komunidad.
Her Story: Ikinuwento niya sa akin na nagsasama na lang sila sa bahay ng kanyang asawa. Tipo bang parang wala na silang paki sa isa’t isa. Sabi n’ya ay nagsawa na s’ya kakasabong ng kanyang mister at hindi rin ito good provider. Sabi n’ya daw sa sarili niya noon ay kapag lumaki ang kanyang mga anak ay gagawin n’ya kung ano gusto n’ya. Kaya ngayon ay kung anu-ano ang pinagkakaabalahan n’ya at naaaliw naman daw sya. Sumang-ayon din s’ya sa idea ng Nanay ko tungkol sa pag-aasawa- suwertehan lang din daw. Gusto na nga raw n’ya makipaghiwalay pero civil naman daw sila sa bahay.
Reflection: Most of the time incompatibility overpowers love. Sa paglipas ng panahon hindi ka na lang magse-settle sa kung ano ang in-admire sa isang tao, makikita mo na rin ang kanyang weaknesses and flaws. Nasa iyo if you will accept or reject. Sa kaso ni Ale, abstain hehehe.
Your ability and actions matter in the future… SSS pension
Subject: Si Manong ay may pinag-aaral pang teenager at namamasada para may pagkakitaan.
His story: Few days ago bago kami nagkausap ni Manong ay naayos ko ang aking concern sa Pag-IBIG at SSS. Kakakwento ko ay napadpad kami sa SSS n’ya. At 62 or 64 ay wala pa s’yang pension o malamang hindi na magkakaroon. Sabi niya ay 2 – 3 years ago ay nakipag-usap na raw siya sa SSS, may kulang siyang 60 months contributions. Ibig sabihin ay limang taon pa ang kanyang bubunuin kung sisipagan pa n’ya. Ang sabi n’ya ay kung two years lang daw sana ay huhulugan pa n’ya. Tapos tinanong ko s’ya kung ilan taon na ang kanyang bunso, ang sabi n’ya ay 15 years old.
Reflection: Usually kapag may nakakakausap ako ng matanda, ang isa sa itinatanong ko ay ilan taon na ang kanyang bunso. May kinalaman ito sa kung ano ba ang paghahanda ng magulang para sa kanyang anak o retirement (Money Management). Noong una ang concern ko pa ay na kay Manong. Kung sana ay tiniyaga n’ya na lang, at baka matapos na s’ya kaagad. Although malakas s’ya physically, nakalasamin na sy’a at humihina na rin ang kanyang pandinig. Pero nung nalaman ko ang edad ng kanyang anak, ang natanong ko na lang ay paano ang pag-aaral noon?
Pingback: Essay: Why is it important to see the value in all people? – kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI