Essay: Kahalagahan ng hindi pagsasayang ng pagkain (food waste)


Isa ako sa mga batang napagsabihan noon na “huwag magsayang ng pagkain, maraming nagugutom sa mundo.” In fairness sa akin, lumalaki ako na hindi na nagsasayang at tumatanggi sa alok na pagkain :p Pero seryoso isa sa pet peeve ko ay iyong nagsasayang na pagkain (bukod sa nag-uusap at nakatambay sa daanan).  Naniwala rin ako na  ikakayaman ng ng ilan if they avoid wasting food. Teka bakit nga ba ang tindi ng epekto ng food waste o sayang na pagkain?

“Hunger is still one of the most urgent development challenges, yet the world is producing more than enough food. Recovering just half of what is lost or wasted could feed the world alone,” FAO’s statement.

Is it right to take leftover food for your pet(s) from a party or restaurant?

My Tita asked me this question few months ago. Ang sagot ko ay kung hindi ba s’ya nahihiya, sa kanya yung food, at lalo naman nakapag-paalam naman s’ya –Go!   Pero totoo n’yan ay matagal ng gawain ng nanay ko ang iuwi ang pagkaing tira n’ya para sa aming mga aso. Sometimes,  okay sa akin, pero minsan nahihiya rin ako lalo na kung sa mamahalin restaurant kami kumain.  In a way, tama rin kasi si Nanay sa iuwi ang pagkain kasi  bayad yun at ano bang gagawin ng resto sa mga tirang pagkain?

Which is your problem as a party host, not enough or too much food?

Para naman sa pag-uuwi ng pagkain mula sa party.  You probably and actually help the party host/ celebrator to avoid food waste KUNG mag-uuwi ka dahil napakaraming handa. Of course, ang best cue ay kapag inalok at ipagbalot ka ng food.    Kasi ganito ‘yan, sa experience ko ay may mahilig  talaga sa fiesta-style handaan na para bang isang baranggay ang kanilang pakakainin.  Mas problema sa kanila iyong baka kulangin iyong handa nila sa mga bisita kaysa baka sobra ang pagkain dahil ilan lang ang naka-attend ng party.  Sa bagay,  mahirap mag-estimate kasi you’ll never know kung ilan ang a-attend at lalabas ka namang “rude” kung may sabihan ka na “hindi po kasi kayo counted.”

Desserts Buffet

Avoid food waste in your party.  Uso na yung event invitation sa Facebook at maging yung invitation through text. Hindi pa rin yan ganun ka-reliable pero not bad, I guess, to estimate kung ilan man lang interesado pumunta Masakit  na matanggihan pero mabuti na iyon kaysa sa mga umo-Oo pero nang-i-indyan.  Alam mo kung bakit? Namalengke ka na ba ng pang-wholesale ang peg? And not all event is easy to plan and manage.

Ayaw ng Nanay ko  ito, pero ako I find catering services practical and good excuse to tell people na oi umayos ka. (Though doble gastos at lesser food) para kasing ‘pag sinabi mong catering, automatic iisipin ng iba na bilang yung pupunta at pati na yung pagkain.  So sa part ng host ay mapilitian s’yang mamili ng iimbitahin at minsan nakaka-intimidate din na magpabalik-balik sa table/ buffet area lalo na kapag may waiter na nag-serve.

3 Strong Reasons Why Food waste is no-no

  • Food waste hurts our Mother Nature– Ayon sa Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO) sa mga  sayang o nasasayang na pagkain sa panahon ng pagproseso nito ay isa na agad suliranin. Ito ay dahil may mga naitapon na ring elemento gaya ng tubig, lupa, at enerhiya.  Wala pa rito ang usapin na pag-risk sa kalikasan gaya ng green gas emission at pagtatapon ng basura makapag-manufacture lamang ng pagkain.

    apektado ang ibang creatures ng hindi nila alam. (Snorkeling under Honda Bay, Palawan)

Ayon pa sa 2011-report ng Huffington Post,   kapag ang mga tapon na pagkain ay mapunta sa kagaya ng smokey mountain ay nagbubuga ito ng methane na mas malakas ng 23 beses kaysa carbon  dioxide. Bukod rito ay tinatayang ang mga food waste ay kumunsumo ng  di mabilang na halaga ng paggamit ng pataba at feticides, mahigit 300 milyong bariles ng langis kada taon,  at sangkapat (1/4)  lahat-lahat na paggamit ng freshwater.

  • It silently eats up your day to day budget. One of the best advice na nakuha ko sa isang mommy ay make it a habit to plan your meals for an entire week.  In that way, you have an idea what to buy ONLY in the market.  Tandaan natin na may pagkain na perishable at siempre halos lahat ay may expiration.  Makakamura ka nga sa maramihan pero kung hindi mo naman mako-consume agad in days or in a week nabubulok ‘yan Sir and Ma’am.  In the end, tapon ang pera mo at may risk pa sa health. Di ba ang taas pa ng bina-budget natin sa food? Kaya mas gusto ko magtanim ng kamatis, kalamansi, at sili e.

Patalastas

 

  • Wasting food is a sin. Kalokohan lang ba yung sinasabi ng mga parents na maraming namamatay sa gutom? Unfortunately, hindi. Totoo na kahit sa mayayaman na bansa ay mayroon nagugutom at namamatay dahil dito. Minsan na nabanggit ni Pope Francis na ang pagsasayang ng pagkain ay animo’y pagnanakaw sa hapag-kainan ng mga mahihirap at nagugutom.

“Once our grandparents were very careful not to throw away any leftover food. Consumerism has led us to become used to an excess and daily waste of food, to which, at times, we are no longer able to give a just value, which goes well beyond mere economic parameters,” pahayag ng Papa sa World Environment Day sa St. Peter’s Square noong 2013.

“We should all remember, however, that throwing food away is like stealing from the tables of the the poor, the hungry! I encourage everyone to reflect on the problem of thrown away and wasted food to identify ways and means that, by seriously addressing this issue, are a vehicle of solidarity and sharing with the needy,” dagdag pa Nito.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.